27/09/2017
One day tumawag po ang tita ko saamin gusto nyang bumisita kAmi sa kanila sa mexico brgy.lagundi dahil birthday ng pinsan ko kAya nag punata kami. Matagal na panahon na nung huling naka punta ako sa kanila almost 13 years na. Pass forward. Then katapos ng handaan kelangan kong mag banyo pag dating ko ng cr bigla akong kinilabutan at parang di ko maintindihan siguro ngalang eh kelangan kunang mag dumi. Habang nasa cr ako may narinig akong bata na sumigaw nang napakalakas. Nagulat ako lumabas ako agad ng banyo pag katapos. Nag tanong ako kay tita kung sinong bata yung sumigaw? Nag taka naman yung tita ko na halata sa mukha nya ang pag tataka at parang alam kuna ang gusto nyang sabihin na walang bata dito. At ganun nga ang kanyang sagot at tanging mga pinsan nyo lamang ang nandito. 10:30 na nung nag liligpit kami kaya naman inutusan ang pinsan ko upang mag pakain ng a*o. Pero ayaw ng pinsan ko kaya si mama pa mismo ang nag utos sakin upang mag pakain ng a*o. Sinunod ko si mama dahil madilim dun sa likod ng bahay nila tita at walang ilAw nag padala si tita nang flashlight then habang papunta ako sa likod tinatawag kuna si Berky ang pangalan ng a*o namin then pag tapat ko ng ilaw sa kulungan Napa upo ako sa sobrang gulat at Hindi ako makagalaw sa pangngig ng buo Kong katawan. Nang maanigan ko si Berky na tulog sa kulungan na may katabing isang maliit na batang lalaki na napaka putla nakaupong payuko paharap ang mukha sakin malinaw na malinaw maitim ang mata. Halohalo ang emotion hindi ko maintindihan maluhaluha ako 5 seconds yata akong na stuned o mahigit ganon ko katagal naka titigan kung ano man yon nang nakaramdam nako sumigaw nako ng malakas tinawag ko sila mama marami na akong naranasan pero eto ang pinaka matinding nakita sa lahat sila mama gulat na gulat at kabado sa pag sigaw ko pero mukhang alam na ni mama kung ano? Bakit?? Ako sumigaw kaya kinuha nila ako itinuturu ko sa kanila ang nakita ko habang ako nakapikit na nakabaling sa ibang direksyon ang mukha ko pero wala silang nakita kaya ipina*ok nako sa loob at na ikwento ko sakanilang lahat. Ramdam ko ang kilabot na nararamdaman nilang lahat. Kinabukasan umuwi nakami ng umaga.
Maraming salamat always praying god is our light through darkness.
-A