21/08/2026
BALITANG PAF | PATULOY ANG PAGTUGON AT PAGTULONG NG PAF SA MGA KOMUNIDAD NA BIKTIMA NG KALAMIDAD
Walang tigil ang pagsasagawa ng Philippine Air Force sa pagbibigay ng tulong sa pamamagitan ng iba’t ibang mga Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR) operations sa mga apektadong lugar sa kabila ng sunod-sunod na kalamidad. Ngayong Agosto 20, 2026, sa pamamagitan ng mga tauhan at assets nito, nagpapatuloy ang pagtulong ng PAF sa paghahatid ng relief supplies at pagsasagawa ng clearing operations para sa mga apektadong komunidad.
Isa ang 960th Air and Missile Defense Wing sa naghatid ng mga relief items galing sa DSWD, patungo sa Municipal Hall ng Macabebe, Pampanga. Samantala, nagsagawa naman ang Tactical Operations Group 1 ng clearing operations sa Purok 2, Guisad Surong, Baguio City, katuwang ang mga partner agencies, local government units, barangay officials, at volunteers.
Sa patuloy na pagtugon sa pangangailangan ng mga komunidad, nananatiling handa ang PAF na magbigay ng agarang suporta bilang katuwang ng pamahalaan sa HADR operations at tumulong sa pagbangon ng mga apektadong lugar.