26/03/2026
SA LABAN NG MGA TSUPER, KASAMA SINA MA’AM AT SIR!
Hinihimok ng ACT Teachers Party-list Cordillera at Alliance of Concerned Teachers Cordillera ang lahat ng kaguruan at manggagawang pang-edukasyon na sumanib sa papadagundong na PROTESTANG BAYAN bukas, March 27, sa Baguio City upang ilantad at singilin si Marcos Jr. sa kainutilan nito sa krisis sa langis at ekonomiya na kinasasadlakan ng taumbayan.
Sama-sama nating paaalingawngawin ang mga sumusunod nating direka’t makatarungan 6-POINT DEMANDS:
1. Tanggalin ang VAT at excise tax sa produktong petrolyo.
2. I-rollback ang presyo ng krudo sa P55.00. Ito ang presyo nito bago ang giyerang agresyon ng US-Israel sa Kanlurang Asya.
3. Ibasura ang Oil Deregulation Law at magpatupad ng price control sa petrolyo.
4. Ipatupad ang fare hike sa lahat ng moda ng transportasyon, kasabay ng P1,200 family living wage. Sa bahagi ng sektor ng edukasyon, ipatupad ang P50,000 salary para sa mga teacher I at gawing P5,000 ang personnel economic relief allowance.
5. Isabansa ang Petron at ang industriya ng langis Sa kagyat, ang gobyerno ang bumili ng krudo at ibenta ito sa mas mababang halaga.
6. Itigil ang gerang agresyon ng US.
Sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo na tumutulak sa pagsirit ng mga pangunahing bilihin bunsod ng pagkahatak ng Pilipinas sa gera sa Kanlurang Asya, tinutulak tayo ng panahon na higit lalong tumindig at ipaglaban ang ating karapatan, kabuhayan, at pambansang soberanya kaalinsabay ng pakikiisa sa makatarungang paglaban sa numero unong kaaway ng mamamayan ng buong mundo: ang Imperyalistang US.
Magkita-kita ho tayo sa mga sususod na mob centers, bukas, March 27:
🕐 1:00 PM sa Calderon-Carantes Terminals
🕐 1:30 PM sa Igorot-Rizal Park Terminals
MGA G**O NG BAYAN, NGAYON AY LUMALABAN!