09/09/2026
๐ ๐๐ฆ๐ถ๐ฎ๐ป๐, ๐ก๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐บ๐ถ๐ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐น ๐๐ฎ ๐๐ฆ๐ฃ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Wagi ang mga batang mamamahayag ng Marangal Elementary School (MES) sa isinagawang awarding ceremony ng Division Schools Press Conference (DSPC) 2026 ngayong Setyembre 9 sa Kaypian National High School, matapos silang lumahok sa patimpalak noong Setyembre 2-3.
Nanguna sa mga indibidwal na pagkilala si Carl Fiyo Hachero, na nakamit ang ika-5 puwesto sa Science Writing sa ilalim ng paggabay ni coach Cynthia E. Tagapan. Sinundan ito ng Christine Laureno, na nagtamo ng ika-10 puwesto sa Editorial Writing, at Zsekiah Kate Tequillo, na nagtapos sa ika-13 na puwesto sa Feature Writing, kapwa sa paggabay ni coach Fe N. Tumambac.
Sa Radio BroadcastingโFilipino, nagtapos sa ika-5 puwesto ang koponan nina Sophia Rainne Egualan, Bradlee Bounerge Bolambao, Manjoe Lazara, Francheska Gonzales, ArshlyGail Candaba, Precious Shairinne Egualan, at Ramielle F. Peรฑaranda. Nakatanggap din ang koponan ng mga pagkilala para sa Best Infomercial, Best News Introduction, at Best Script sa ilalim ni coach Louigie E. Marin.
Malaking bahagi rin ng paghahanda ng mga kalahok ang paggabay nina Kristy Sarah B. Azarcon, Ariel G. Abayog, Flordilesa B. Guiral, Nikko G. Navarez, at Shaira Marie D. Romero, gayundin ang patuloy na suporta ni School Head Jackie Lyn M. Santos sa mga batang kalahok.
Hindi man lahat ng lumahok na MESians ay pinalad na maiuwi ang inaasam na pagkilala, pinahahalagahan ng paaralan ang kanilang pagsisikap, tapang, at dedikasyon sa pagsasanay at kompetisyon.
Sa bawat panulat, tinig, at kuwentong kanilang ibinahagi, ipinakita ng MESians na ang tunay na halaga ng pamamahayag ay hindi lamang nasusukat sa mga parangal, kundi sa mga aral at karanasang kanilang nadadala sa susunod na hamon.