21/08/2026
LINGGO NG KABATAAN 2026
Maraming salamat po sa ating Ama ng Bayan ng Balagtas, Mayor Andy “Andrews” Santiago, sa kanyang lubos na suporta sa sektor ng kabataan.
Dahil po sa masamang panahon, marami sa ating mga nakatakdang programa ngayong linggo ang hindi natuloy. Gayunpaman, muli po kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga nakilahok, nakiisa, at nakisama sa ating selebrasyon ng Linggo ng Kabataan.
Sa kabila ng pagpatak ng ulan at pag-ihip ng hangin, may mga kabataang muling bumalik sa kanilang pagkabata, masayang nakibahagi, nakipagkaibigan, at lumikha ng mga alaala kasama ang kapwa kabataan.
Ang pagkakaibigan, pakikipagkapwa, at pakikiisa ang nagsisilbing pundasyon para sa mas matibay na samahan at mas mahusay na pamumuno ng ating Lokal na Konseho ng Kabataan (LYDC).
Mga Aktibidad:
• Flag Ceremony Leadership
• Painting Contest
• LYDC Team Building