Barangay Borol 2nd

Barangay Borol 2nd Ang Barangay ng Borol Segundo noong sinaunang panahon ng maabutan ng ating mga ninuno ay masasabing isang simpleng Barangay lamang.

Ang Borol Segundo ay masasabing isa ng papaunlad na Barangay dito sa Balagtas dahil na rin sa madaming pinagkakakitaan at mga maliliit na gusaling makikita dito at sa tulong na din ng ating butihing Kapitan ng Barangay upang lalong mapaunlad ang Barangay. Ito ay dating maburol o mataas na lugar kaya tinawag na Borol. Maging ang kanilang pamumuhay ay simple lamang. Malalayo ang pagitan ng kanilang

mga bahay-bahay na gawa lamang sa pawid at kawayan maging ang mga kasangkapan na kanilang ginagamit ay manuwal. Ang daang kalsada ay mabato, bako-bako at madamo. Ang pangunahing pinagkakakitaan dito ay pagsasaka lamang dahil sa malawak nitong kabukiran. Karamihan sa mga kababaihan dito ay pagbuburda o pananahi ang libangan. Kalabaw ang pangunahing ginagamit bilang transportasyon panglakbay. Lumipas ang panahon na dahil na rin sa mga mamamayan nito at sa patuloy na pagtaas ng antas ng teknolohiya ito ay nabago at unti – unting umunlad, hanggang sa magkaroon ng maraming pagkakakitaan at lumawak ang mga lupain na pagtatayuan ng mga malilit na gusali, bahay at istraktura na naging daan upang magkaroon ng pagkakakitaan ang mga mamamayan dito. Sa ngayon ang Borol Segundo ay masasabing isa ng papaunlad na Barangay dito sa Balagtas dahil na rin sa madaming pinagkakakitaan at mga maliliit na gusaling makikita dito at sa tulong na din ng ating bagong halal na butihing Kapitan ng Barangay upang lalong mapaganda at mapaunlad ang Barangay.

Address

Borol 2nd
Balagtas
3016

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Borol 2nd posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share