09/10/2026
PAGPUPUGAY SA SINING, KULTURA, AT PAMANA NG BALAGTAS!
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Museums and Galleries Month (MGM) ngayong Oktubre 2026, binisita natin ang ๐ฒ๐ ๐ฐ๐๐๐ ๐ฎ๐๐๐๐๐ ๐๐๐
๐ด๐๐๐๐ na matatagpuan sa Borol 2nd, Balagtas, Bulacan.
Lubos nating ipinagmamalaki ang ating kababayang Balagtaseรฑo na si ๐ซ๐. ๐ณ๐๐๐๐๐๐ ๐ญ. ๐ป๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, isang manunulat at alagad ng sining na may malalim na pagpapahalaga sa kultura, panitikan, sining, at pangangalaga sa kalikasan.
Isa sa mga natatanging patunay nito ang kaniyang proyektong ๐พ๐จ๐ณ๐จ๐บ๐ป๐ฐ๐ฒ (๐พ๐๐๐๐๐ ๐จ๐๐๐๐๐ ๐ณ๐๐๐๐ ๐บ๐ ๐ท๐๐๐๐ป๐ฐ๐ ๐๐ ๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐), na nagbibigay-buhay sa mga likhang-sining na nagtataguyod ng kamalayan tungkol sa wastong pangangalaga sa kapaligiran at muling paggamit ng plastik.
Matutunghayan din sa galeri at museo ang mga memorabilia ng yumaong Nora Aunor, Pambansang Alagad ng Sining para sa Pelikula at Broadcast Arts, gayundin ang iba pang personal na koleksiyon ni Ka Inso na nagtataglay ng mga kuwento, alaala, at pagpapahalagang pangkultura.
Ang ganitong mga lugar ay hindi lamang imbakan ng mga lumang bagay at alaala. Ang mga ito ay buhay na saksi sa ating kasaysayan, malikhaing pagpapahayag, at pagkakakilanlan bilang mga Balagtaseรฑo. Sa pamamagitan ng pagkilala at pagpapahalaga sa mga ganitong inisyatiba, patuloy nating pinayayaman at pinangangalagaan ang ating lokal na pamana para sa susunod na henerasyon.
Tuklasin, pahalagahan, at ipagmalaki ang sining at kulturang Balagtaseรฑo!
๐ Ka Inso Galeri and Museo
Borol 2nd, Balagtas, Bulacan
Messenger account: Lorenzo Templonuevo
Email address: [email protected]