03/09/2026
Happy Thursday!
Kamusta po kayong lahat? 😊
Kahapon, tayo po ay nabigyan ng pagkakataon na makipagpulong sa delegasyon ng Singapore Embassy in Manila sa pangunguna ni H.E. Ambassador Constance See Sin Yuan.
Nakasama ko rito ang ating masipag na koponan mula sa Office of the Cabinet Secretary upang talakayin ang mas malalim na kooperasyon ng Pilipinas at Singapore.
Naging malawak ang aming palitan ng ideya ukol sa investment, digital technology, climate resilience, at coastal protection laban sa pagbaha. Binigyang-diin din natin ang kahalagahan ng early childhood nutrition, mental health ng kabataan, at pagprotekta sa kanila mula sa mga banta sa online platforms.
Isang magandang balita rin ang isinusulong na scholarship program para sa ating mga kwalipikadong Filipino nurses sa Singapore upang sila ay makapag-aral ng postgraduate studies at makatulong sa pagtuturo pagbalik nila sa ating bansa.
Taos-puso tayong nagpapasalamat sa Singapore sa pag-alaga sa ating mga OFWs at sa tiwala sa ating kapasidad na maghatid ng tunay na pagbabago.
Bottom line is: ang partnership na ito para sa digital skills, workforce, at future ng ating youth sector.
Inspired by these developments, we are more than ready to roll up our sleeves and deliver results that Filipinos can truly enjoy as we move towards a more progressive future.
Game na! 🇵🇭🇸🇬