Barangay Talisay, Balanga City, Bataan

Barangay Talisay, Balanga City, Bataan Sangguniang Barangay ng Talisay

29/08/2026
ROAD STATUS ADVISORY
29/08/2026

ROAD STATUS ADVISORY

ROAD STATUS ADVISORY | BATAAN

Narito po ang pinakahuling update sa kondisyon ng mga kalsada sa iba’t ibang bahagi ng Bataan ngayong ika-29 ng Agosto, 10AM, batay sa monitoring ng mga kinauukulang tanggapan.

🔴NOT PASSABLE:
📍Hermosa
Saba (Sitio Bato Bato) - 2-3 ft. floodwater
Balsik (Purok 5) - 2-3 ft. floodwater
Balsik (Purok 4) - 2-3 ft. floodwater
Balsik (Purok 2) - 2-3 ft. floodwater
Balsik (Purok 1) - 1-2 ft. floodwater
Almacen (Centro 1 & 2) - 4 ft. floodwater
Daungan (Sitio Parayray) - 3-4 ft. floodwater
Pulo (Purok 3) - 2-3 ft. floodwater
Pulo (Purok 4) - 3-4 ft. floodwater
Cataning (National Road) - 1-2 ft. floodwater
Burgos-Soliman (Penta Gas Area) - 2-3 ft. floodwater
Bacong (Sitio Baba) - 2-3 ft. floodwater
Bacong (Cabatuan) - 1-2 ft. floodwater
Bacong (Housing) - 2-3 ft. floodwater
Bamban (Purok 2) - 1-2 ft. floodwater
Bamban (Purok 3) - 1-2 ft. floodwater
A. Rivera - 1-2 ft. floodwater

📍Pilar
Del Rosario (Sitio Tabon) - 2-3 ft. floodwater

📍Dinalupihan
Mabini Extension (Doña Rosa) - 3 ft. floodwater
Sto. Niño (Highway) - 0.5 ft. floodwater
San Ramon (Sobrevilla St.) - 1-2 ft. floodwater
Sapang Balas (Tunnel) - 1-2 ft. floodwater

📍Mariveles
Townsite - 3 ft. floodwater

📍Abucay
Omboy - 2 ft. floodwater

✅PASSABLE:
📍Hermosa
Culis (Sitio Maligaya)- 1-2 ft. floodwater
Culis (Sto. Cristo Old Market) - 0-1 ft. floodwater
Mabuco (Orchid St.) - 1-2 ft. floodwater
Mabuco (Ssampaguita St.) - 1-2 ft. floodwater
Mabuco (Rose St.)- 1-2 ft. floodwater
Mabuco (Sitio Late) - 0-2 ft. floodwater
Mabuco (National Road) - 0-1 ft. floodwater
Pulo (Purok 1) - 0-1 ft. floodwater
Bacong (Sugar Area/Riverside) - 0-1 ft. floodwater
Balsik (Purok 4) - 2-3 ft. floodwater
Balsik (Purok 5) - 2-3 ft. floodwater

📍Orani
Tapulao - 0.5 ft. floodwater
Talimundok - 0.5 ft. floodwater
Mulawin (in front of Beanery) - 0.5 ft. floodwater

📍Pilar
Poblacion - 0.5 ft. floodwater
Wawa - 0.5 ft. floodwater
Wakas South - 1.5 ft. floodwater
Burgos - 1.5 ft. floodwater
Panilao (Sitio Aquino) - 1 ft. floodwater
Balut II - 1.5 ft. floodwater

📍Dinalupihan
Gen. Luna - 0.5 ft. floodwater
Sto. Niño (Purok 4) - 1.5 ft. floodwater
Sto. Niño (Purok 5) - 1.5 ft. floodwater
Sto. Niño (Purok 6) - 1.5 ft. floodwater

📍Orion
Sitio Araro (San Vicente) - 0.5 ft. floodwater
Puting Buhangin (Boundary to Sta. Elena) - 0.5 ft. floodwater
Bilolo (Medos Subdivision) - 0.5 ft. floodwater

📍Balanga
Central Higway - 0.5 ft. floodwater
Cupang Proper (Pio Delmar) - 0.5 ft. floodwater

📍Abucay
Mabatang - 0.5 ft. floodwater

Pinapayuhan ang lahat ng motorista na maging updated sa road status sa lahat ng sandali bago bumiyahe.

Patuloy po ang pagmo-monitor sa kondisyon ng mga kalsada upang malaman ang passable at hindi, lalo na sa mga lugar na apektado ng pag-ulan.

Asahan po ninyo ang patuloy at dagliang pagbibigay-abiso sa sandaling may pagbabago sa road conditions.

Manatiling alerto at mag-ingat sa biyahe.

Mga kabarangay, patuloy po ang ginagawang pagronda at pagmo-monitor ng ating Sangguniang Barangay kasama ang ating baran...
29/08/2026

Mga kabarangay, patuloy po ang ginagawang pagronda at pagmo-monitor ng ating Sangguniang Barangay kasama ang ating barangay officials at responders sa iba't ibang kalsada, purok, at mga daluyan ng tubig sa ating barangay upang suriin ang antas ng pagtaas ng baha.

🌧️ MANATILI PONG ALERTO AT NAKAANTABAY:
- Ilikas ang mahalagang gamit: Isalin o iakyat sa mataas na lugar ang mga gamit at kagamitang pangkuryente.
- Seguridad ng Pamilya: Bantayan ang mga bata at matatanda. Iwasan ang paglusong o paglalaro sa tubig-baha.
- Maging Handa sa Evacuation: Kung kinakailangan at sakaling tumaas pa ang antas ng tubig, mangyaring sumunod agad sa payo ng ating barangay officers.
- Emergency Hotlines: Pumunta o makipag-ugnayan agad sa Barangay Hall kung nangangailangan ng agarang tulong o saklolo.

Ang inyong kaligtasan ang ating pangunahing prayoridad. Manatili tayong maingat, maging alerto, at sama-samang manalangin para sa seguridad ng lahat.

🎉 ISANG MALAKING TAGUMPAY AT KARANGALAN PARA SA BARANGAY TALISAY! 🏆✨Ibinalita natin nang buong pagmamalaki na ang ating ...
28/08/2026

🎉 ISANG MALAKING TAGUMPAY AT KARANGALAN PARA SA BARANGAY TALISAY! 🏆✨

Ibinalita natin nang buong pagmamalaki na ang ating minamahal na Barangay Talisay ay opisyal na nakapasa at kinilala bilang isa sa mga 2026 B.E.S.T. BARANGAY PASSERS (Building Excellence in Service and Transparency for Barangay) sa Lungsod ng Balanga! 💙💛

Ang pagkilalang ito ay patunay ng tapat, mahusay, at may malasakit na paglilingkod para sa bawat mamamayan ng Talisay.

Taos-pusong pasasalamat at pagpupugay sa mga taong naging pundasyon ng tagumpay na ito:

⭐ KAPITAN TERESITO "REMO" O. CAMACHO
Maraming salamat sa inyong huwarang leadership, dedikasyon, at pampunong pagmamahal sa ating komunidad. Ang inyong pamumuno na may puso at pagkakaisa ang nag-akay sa atin sa tagumpay na ito!

⭐ SANGGUNIANG BARANGAY COUNCIL & STAFF
Mula sa ating mga Barangay Kagawad hanggang sa bawat kawani ng barangay, maraming salamat sa inyong walang sawang paglilingkod, sipag, at pakikiisa upang masiguro ang maayos at transparent na serbisyo.

⭐ FORMER BARANGAY SECRETARY JHONNY CERVANTES
Isang malaking pasasalamat din sa ating dating Barangay Secretary, Jhonny Cervantes! Ang inyong naging mahalagang ambag, pagsusumikap, at maayos na pangangasiwa sa mga dokumento at record ay naging malaking bahagi upang makamit natin ang karangalang ito.

Para sa ating mga kabarangay, ang karangalang ito ay para sa ating lahat! Patuloy tayong magkakaisa tungo sa mas maunlad, ligtas, at maayos na Barangay Talisay.

Mabuhay ang Barangay Talisay! Mabuhay po kayo, Kapitan Remo Camacho at buong Sangguniang Barangay! 🙌✨

27/08/2026
26/08/2026
📢 ANUNSYO PARA SA MAY-ARI NG PLAKA (451WGA)Para sa may-ari, maaari niyo po itong claim sa ating Barangay Hall. Paki-pres...
23/08/2026

📢 ANUNSYO PARA SA MAY-ARI NG PLAKA (451WGA)

Para sa may-ari, maaari niyo po itong claim sa ating Barangay Hall. Paki-presenta lamang po ang inyong OR/CR o Valid ID para sa beripikasyon.

Salamat po at paki-share para mahanap agad ang may-ari.

Maligayang Kaarawan po, Mayor Raquel Francis D. Garcia! Maraming salamat sa inyong tapat at may malasakit na paglilingko...
20/08/2026

Maligayang Kaarawan po, Mayor Raquel Francis D. Garcia! Maraming salamat sa inyong tapat at may malasakit na paglilingkod sa Lungsod ng Balanga. Nawa'y pagpalain pa kayo ng mabuting kalusugan at tagumpay. Happy Birthday po!

BISITA NG PAGPAPANATILI NG KAPAYAPAAN AT KAAYUSAN SA BARANGAY TALISAY !👮‍♂️Mainit na tinanggap ng ating Barangay Officia...
13/08/2026

BISITA NG PAGPAPANATILI NG KAPAYAPAAN AT KAAYUSAN SA BARANGAY TALISAY !👮‍♂️

Mainit na tinanggap ng ating Barangay Officials sa pangunguna ni Kapitan Teresito Remo O. Camacho at mga miyembro ng Barangay Council ang pagbisita ng ating Balanga City Chief of Police PLTCOL BEVERLIE V. ALLAPITAN kasama ang mga kasapi ng PNP Balanga.

Ang nasabing pagbisita ay naglayong palakasin pa ang ugnayan at koordinasyon sa pagitan ng ating barangay at ng pambansang pulisya. Tinalakay sa maikling pagpupulong ang mga programa para sa pagpapanatili ng kapayapaan, seguridad, at pangkalahatang kaligtasan ng bawat pamilya sa Barangay Talisay.

Maraming salamat po sa PNP Balanga sa inyong patuloy na suporta at pagbabantay sa ating komunidad!

Patuloy ang pag-iikot at pagmomonitor ng Barangay Talisay sa bawat purok upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan sa ati...
13/08/2026

Patuloy ang pag-iikot at pagmomonitor ng Barangay Talisay sa bawat purok upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan sa ating komunidad.

Kung may napansin po kayong anumang peligro, tulad ng mga naabalang daanan, naipong basura, o iba pang pangangailangan sa inyong lugar, agad po itong ipagbigay-alam sa ating Barangay Hall o mag-iwan ng mensahe rito sa ating official page.

Manatili po tayong maingat at alerto, mga kabarangay! 💙

Address

JP Rizal Street, Talisay
Balanga
2100

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Talisay, Balanga City, Bataan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay Talisay, Balanga City, Bataan:

Shortcuts

Share