08/05/2026
TINGNAN: Muling gumulong ang Mobile Primary Care Facility (Bagong Pilipinas Coaster), kung saan ay tumungo naman ito ngayon sa Brgy. Sibul sa bayan ng Orani.
Lulan pa rin ang libreng serbisyong pangkalusugan kasama ang mithiin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan, sa pamumuno ni Gov. Joet Garcia, na gawing malusog at matatag ang pamilyang BataeΓ±o, sa ilalim ng inisyatibo ng Bataan Provincial Health Office, sa pinangungunahan ni Dr. Rosanna M. Buccahan.
Hatid nito ang libreng laboratory tests gaya ng blood chem at urinalysis para sa mga kababayan nating nakatira sa malalayong bahagi ng lalawigan na hirap magtungo sa primary care facility, at mga kabilang sa high-risk population.
Layon nitong bigyan sila ng pagkakataong malaman ang estado ng kanilang kalusugan upang matugunan agad ang kinakailangan ng kanilang mga katawan para maiwasan ang malaking problemang pangkalusugan gaya na lamang ng paglala ng sakit, komplikasyon, at pagkaospital.
Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang komunidad na hangad ang kapakanan ng bawat isa para sa mas matatag na pamilyang BataeΓ±o.