27/07/2026
Pahayag ng KILUSAN para sa Pambansang Demokrasya sa ika-5 State of the Nation Address (SONA) | Hulyo 27, 2026
๐๐ผ๐๐ผ๐๐๐๐๐ผ๐ ๐๐ผ ๐ฝ๐ผ๐๐ผ๐: ๐๐๐๐ ๐ช๐ข๐ฅ๐ง๐ค๐ข๐๐จ๐ค ๐ฃ๐ ๐ ๐๐ฅ๐๐ ๐๐ฃ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ข๐๐ข๐๐ฎ๐๐ฃ ๐๐ฉ ๐จ๐ค๐๐๐ง๐๐ฃ๐ฎ๐ ๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐จ๐ ๐จ๐ ๐ข๐๐ฃ๐๐๐๐๐๐ง๐๐ฃ๐ ๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ฎ๐๐ก๐๐จ๐ฉ๐
Sa ika-5 State of the Nation Address (SONA) ni Ferdinand Marcos, Jr. ngayong Hulyo 27, 2026. ibibida ng Malakanyang ang diumano'y paglago ng ekonomiya at pag-angat ng bansa sa katayuang "Upper Middle-Income". Ibabando rin interesado diumano ang mga dayuhang kapitalistang magtayo ng mga industriyang gagawa ng mga semi-conductor para sa artificial intelligence o AI at sa gayon ay magbibigay ng trabaho sa libong manggagawa. Ngunit nagkakaisa ang hatol ng naghihirap at nililinlang na sambayanan: Mamamayan, magkaisa at kumilos! Panagutin ang gubyerno sa krisis at pagtataksil sa bayan!
๐. ๐๐ป๐ด ๐๐น๐๐๐๐ผ๐ป๐ด "๐จ๐ฝ๐ฝ๐ฒ๐ฟ ๐ ๐ถ๐ฑ๐ฑ๐น๐ฒ-๐๐ป๐ฐ๐ผ๐บ๐ฒ" ๐ฎ๐ ๐๐ผ๐บ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐บ๐ถ๐๐ฎ๐ฑ๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐
Malaking insulto laluna sa nakakaraming masa ng mamamayan ang deklarasyon ng World Bank at administrayong MArcos na โUpper Middle-Income" na ang bansa ngayong 2026. Diumano, ang karaniwang kita ng bawat Pilipino ay $4,850 (โฑ291,000) bawat taon. Ito ay ilusyon. Ang diprensyang $79.8 bilyon sa pagitan ng Gross National Income (GNI) at Gross Domestic Product (GDP) ay mula sa pawis ng mga OFW at dayuhang kita, at hindi sa lokal na pag-unlad.
Ang masaklap na katotohanang dinaranas nating mamamayan:
โข Krisis sa Pagkain at Enerhiya: Pumapalo na ang presyo ng bigas sa โฑ51โโฑ60 o mataas pa bawat kilo, ang pinakamataas sa kasaysayan, bunsod ng 15% inflation rate nito. Patuloy din ang pabagu-bagong pagtaas ng presyo ng langis na nasa โฑ70โโฑ71 bawat litro at P 80 pataas sa diesel, na pumapatay sa kabuhayan ng mga tsuper, magsasaka, at mangingisda.
โข Kahirapan at Kawalang Trabaho: 17 milyong Pilipino (14.4%) ang dumaranas ng matinding gutom, habang nasa 2.41 milyon ang opisyal na walang trabaho, at 21.2 milyong Pilipino ang napipilitang mag-sariling kayod at maghanap ng extrang trabaho (underemployed) dahil sa sobrang liit ng sahod. Pahirapan ang anumang umento, at kahit nga meron na, tulad ng wage hike sa NCR na 85, na 2 bigayan ay hinahabol pang mapigil ng mga kapitalista!
โข Malabnaw na Anti-Dynasty Bill: Ipinasa sa Kamara ang malabnaw na "Anti-Political Dynasty Bill"โ na sa halip na pawiin ay pinatibay pa ang patuloy na pag-iral ng mga political dynasty, kabilang ang mismong mga Marcos at Duterte. Ipaglaban natin ang isang tunay batas na lalansag sa paghahari ng mga dinastiyang pulitilkal.
โข Kurapsyon at Anomalya sa Flood Control: Sa kabila ng bilyun-bilyong inilaan taun-taon, nananatiling lubog sa baha ang mga komunidad tuwing uulan. Patunay ito ng malawakang kurapsyon at mga anomalya sa mga kontrata, isang direktang sampal sa panawagan ng taumbayan na managot ang mga sangkot. Ang mga inaresto o dawit sa iskandalo ay nasa balangkas pa din ng labanan ng kampong Marcos at Duterte. Ang panawagan ni Marcos na โMahiya naman Kayo!โ ay talagang walang bisa sa mga garapal at walang hiyang kurakot.
๐๐. ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ธ๐๐บ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐บ๐ถ๐๐ผ ๐ป๐ด ๐ฆ๐ผ๐ฏ๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐ป๐๐ฎ ๐ฎ๐ ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ฏ๐๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ป
Direktang ikinukompromiso ng rehimeng Marcos Jr. ang soberanya ng bansa pabor sa interes ng Estados Unidos. Ang Pilipinas ay isinusugal sa larong ang nakataya ay kinabukasan ng taumbayan. Sugal na dehado ang mamamayan at soberanya ng bansa, at ang tunay na liyamado ay mga dayuhang korporasyon at militar:
โข Pax Silica: Pagsuko ng 1,618 na ektarya sa Tarlac upang gawing sentro ng AI at semiconductor supply chain para sa pandigmang ekonomiya ng U.S. Itinakda itong โeconomic security zoneโ. Nakatakda sa Nobyembre ang pirmahan ang Balangkas ng Kasunduang ng US at Pilipinas para dito. Nakalugar ang proyekto sa mas malaking Luzon Economic Corridor mula North Luzon hanggag Batangas. Nakadepende ito sa mga interesadong dayuhang investors.
โข Nuclear Trap at ang RA 12305 o PHILATOM Law : Sa bisa ng PHILATOM law, magbubuo ng regulatory body na mangangasiwaa sa mga magnenegosyo sa mga Small Modular Nuclear Reactors (SMRs) at Micro Modular Nuclear Reactors (MMRs) na teknolohiyang tinatayaan na kahit wala pang aktwal na gumaganang modelo.
โข At kahit pa inadjust mula taong 2032 tungong 2038 ang commercial operation nito, malaking sugal ito sapagkat publiko pa din ang ultimong magbabayad mula sa pagpapatayo at sa panganib na dulot ng radiation sa operasyon nito, hanggang sa pinsalang matatamo mula sa isang meltdown tulad nang nangyari sa Fukushima, Japan nuong 11 Marso 2011. Bukod pa, 2% lamang ng kailangang baseload power ang tinatayang maiaambag ayon sa programa ng gubyerno.
Lalo nakakapag-aalala na kakabit ito ng geopolitical na interes ng U.S. sa Indo-Pacific.
โข Ibinuhol sa Pandigmang Disenyo: Nakabaon (embedded) sa military-industrial complex.ng US at paggitgit nito sa Tsina ang foreign policy at pambansang seguridad natin. Papalaki, papalawak at paparaming mga war exercises. Bukod dito ang papadalas na joint patrol ng mga barko-de-gera ng US, Japan, Australia at Pilipinas sa West Philippine Sea. Meron na ring U.S. Army Rotational Force para sa koordinasyon sa AFP. Itutuloy ang Ammunition Plant sa Subic na kakabit ng weapons supply chain ng U.S.; naglaan ng โฑ299.3 bilyong badyet para sa Department of National Defense kasabay ng patuloy na pagbarat ng serbisyong panlipunan tulad ng edukasyon, kalusugan at pabahay.
๐๐๐. ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ต๐ฎ๐ป: ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ด๐๐๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ฒ๐ต๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐บ๐ฝ๐ผ!
Nagsimula na ang impeachment trial ni VP Sara Duterte kasabay ng kalkuladong kontra-kurapsyon ng administrasyong Marcos. Isang taon na ang nakalipas, wala pa ring "malaking isda" ang nakukulong at hindi pa umaabot sa โฑ1 bilyon ang nababawi sa mga nakasuhan. Hindi dapat maging simpleng taga-panood ang mamamayan. Dapat nating igiit ang buong pagpapanagot sa dalawang paksyon. Dapat panagutin din ang rehimeng Marcos sa pagkumpromiso nito sa soberanya at seguridad ng bansa. Pagkakataon para dito ang pagdaraos sa bansa ng ASEAN Leadersโ Summit sa Nobyember 2026. Ito ang pinakamainam na pagkakataon upang igiit ng mamamayan ang soberanya ng bansa at prinsipyo ng walang-kinikilingan sa konteksto ng Southeast Asia bilang Zone of Peace, Freedom and Neutrality (ZOPFAN).
Ang kailangan natin ay tumindig sa sarili hindi pumanig sa U.S. o maging sa Tsina. Ang ating bansa ay hindi larangan ng digmaan ng mga imperyalista!
๐๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ป ๐ฎ๐ ๐๐๐บ๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ๐ด ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ฟ๐ถ๐น๐ถ ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ฝ๐๐บ๐ฎ๐ป๐ถ๐ด ๐๐ฎ ๐จ.๐ฆ. ๐ผ ๐บ๐ฎ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฎ ๐ง๐๐ถ๐ป๐ฎ. ๐๐ป๐ด ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐ป๐๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐น๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฑ๐ถ๐ด๐บ๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ถ๐บ๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐๐ฎ๐น๐ถ๐๐๐ฎ!
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐! ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐!
๐๐ข๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐๐ง ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฆ๐๐๐ง๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐จ๐ค๐ซ๐๐ฌ๐ฒ๐ (๐๐๐๐๐๐๐)