14/08/2026
๐ ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ถ๐ฏ๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ธ๐ผ๐ป๐๐ฒ๐ธ๐๐๐ผ, ๐ถ๐ถ๐๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ต๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ป. ๐งก๐งก
Noong 13 August 2026, sama-samang ipinagdiwang ng mga kabataan ng Lungsod ng Balanga ang โ๐๐๐๐๐ฃ๐๐-๐๐๐ฃ๐๐๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐ฉ๐๐๐ฃ, ๐๐๐๐๐๐ฅ๐๐ฎ ๐จ๐ ๐๐๐ฅ๐๐๐ ๐๐ก๐๐ฃ๐๐๐ฃ๐ ๐๐๐ข๐๐ฎ๐๐ฃ๐๐ฃ: 2026 ๐๐๐ฃ๐๐๐ค ๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐ฉ๐๐๐ฃ ๐พ๐๐ก๐๐๐ง๐๐ฉ๐๐ค๐ฃโ sa The Event Center, SM City Bataan.
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 2026 International Youth Day (IYD) , isinagawa ang Kabataan Fair, kung saan tampok ang mga LYDC member organizations bilang exhibitors ng kanilang mga programa, adbokasiya, proyekto, at mga inisyatibang pinangungunahan ng kabataan. Kasama rin ang City Management Information Services Office (MISO) para sa kanilang Freedom of Information (FOI) Campaign na naglalayong ipabatid sa mga kabataan ang kahalagahan ng access to government information.
Sa ilalim ng tema ng 2026 IYD na โDifferent Contexts, Common Aspirations,โ binigyang-diin ng selebrasyon na bagama't magkakaiba ang karanasan, interes, at larangan ng pagkilos ng mga kabataan, maaari silang magkaisa sa mga hangaring makabuluhan para sa kanilang sarili, kapwa kabataan, at pamayanan.
Sa pamamagitan ng Kabataan Fair, naging pagkakataon ang pagdiriwang hindi lamang upang ipakita ang mga inisyatiba ng kabataan, kundi upang magbahagi ng mga ideya, makipag-ugnayan, at kilalanin ang mahalagang ambag ng kabataan sa pagbuo ng isang mas mapagkalingang pamayanan.
Nagpapasalamat din ang LYDO sa mga nagbigay ng mensahe at nakiisa sa pagdiriwangโsi Hon. Kheilene E. Camus, SK Federation President; Ms. Cristy Blanco ng DILG Balanga City; at Ms. Joie Dee Rubiano ng Bataan Youth Development Officeโna nagpaabot ng kanilang mensahe at suporta para sa kabataan.
Naging bahagi rin ng programa ang makabuluhang pagtatanghal ng BPSU COEDSG EduChorus at GBoyz, na nagdagdag ng sigla at saya sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan.
Lubos ang pasasalamat ng Local Youth Development Office (LYDO) โ City of Balanga sa ating LYDC member organizations, SK Officials, Miso Balanga, City GSO, at SM City Bataan sa kanilang pakikiisa at pakikipagtulungan upang maging makabuluhan ang pagdiriwang na ito.
๐๐๐๐๐ฃ๐๐-๐๐๐ฃ๐๐๐ฃ๐ ๐ ๐๐๐๐ฉ๐๐๐ฃ, ๐๐๐๐๐๐ฅ๐๐ฎ ๐จ๐ ๐ข๐๐ฅ๐๐๐ ๐๐ก๐๐ฃ๐๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ข๐๐ฎ๐๐ฃ๐๐ฃ! ๐๐