10/02/2026
Makiisa sa pagdiriwang ng Safer Internet Day (SID) for Children Philippines sa darating na ika-10 ng Pebrero 2026!
Ang SID ay isang internasyonal na pagdiriwang na isinasagawa taun-taon upang isulong ang ligtas at responsableng paggamit ng internet lalo na sa mga kabataan. Mula nang ilunsad ito noong 2004, higit sa 100 na bansa na ang nakiisa sa pagdiriwang ito upang palaganapin ang kamalayan tungkol sa kahalagahan ng
digital literacy at online safety. Sa Pilipinas, ang SID ay opisyal na kinikilala ng Proklamasyon Blg. 417 na idinidedeklara ang ikalawang martes ng Pebrero bilang Safer Internet Day para sa mga Batang Pilipino.
Ang tema ng taong ito na, “Ako, Ikaw, Tayo:
Konektado at Protektado Laban sa OSAEC at
CSAEM”, ay nagbibigay diin sa kahalagahan ng
sama-samang pagtutulungan ng buong bansa upang lumikha ng mas ligtas na digital space para sa kabataang Pilipino.
✨ Magkaisa tayo upang itaguyod ang online safety sa pamamagitan ng paghihikayat ng responsableng paggamit ng internet at pagtugon sa mga hamon at oportunidad ng digital world para sa mga batang Pilipino. Sama-sama nating gawing mas ligtas ang internet para
sa lahat!