28/08/2026
๐๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐ ๐๐ข๐ญ๐ฒ ๐ข๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ซ๐ข๐๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐๐ฅ ๐๐๐ฏ๐ข๐ฌ๐จ๐ซ๐ฒ
|| 28 August 2026
Batay sa pinakahuling weather forecast, inaasahang magpapatuloy ang maulang kondisyon sa Balanga City at buong Bataan dahil sa Southwest Monsoon (Habagat), na maaaring mapalakas ng Low Pressure Area (LPA) sa hilagang bahagi ng Luzon. Bagamaโt nakatutulong ang pag-ulan sa pagpapanumbalik ng soil moisture at suplay ng tubig, ang patuloy na pag-ulan ay maaari ring magdulot ng waterlogging, pagbaha, soil erosion, pagguho ng lupa, pagdami ng peste at sakit, at pinsala sa mga pananim, alagang hayop, pasilidad, at kagamitang pansaka.
Pinapayuhan ang sektor ng agrikultura ng Lungsod ng Balanga na manatiling mapagmatyag at magsagawa ng napapanahong paghahanda upang mabawasan ang epekto ng maulang kondisyon. Gamitin ang mga panandaliang paghupa ng ulan para sa ligtas na pagsuri sa mga taniman, drainage, irrigation facilities, alagang hayop, at kagamitang pansaka. Panatilihing maayos ang daluyan ng tubig, iwasan muna ang mabibigat na gawain at paggamit ng makinarya habang basa at malambot ang lupa, at suriin ang mga kagamitang maaaring nababad sa ulan o nalubog sa baha.
Patuloy na obserbahan ang mga pananim, lalo na ang mga palayang nasa vegetative at tillering stage, upang maagap na matukoy ang waterlogging, pagkalubog, pagkatumba, pagkabulok, at iba pang pinsala. Maging alerto rin sa posibleng pagdami ng peste at sakit dahil sa mataas na humidity at matagal na leaf wetness, kabilang ang rice stem borer, brown planthopper, rice black bug, green leafhopper, kuhol, daga, rice blast, bacterial leaf blight, at sheath blight. Ipagpaliban muna ang paglalagay ng abono, fungicide, pesticide, at molluscicide habang hindi angkop ang kondisyon ng panahon at bukid.
Tiyaking ligtas at maayos ang mga kulungan ng alagang hayop, malinis ang pakain at inuming tubig, at ilipat ang mga ito sa mataas at ligtas na lugar kung may banta ng pagbaha o pagguho ng lupa. Para sa mga insured na pananim at agricultural assets, tiyaking updated ang insurance coverage at agad makipag-ugnayan sa Agricultural Extension Worker (AEW) o PCIC kung magkaroon ng pinsala para sa kaukulang assessment at pagsusumite ng Notice of Loss (NL).
Para sa mga karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Office of the City Agricultural and Biosystems Engineer (OCABE) o City Agriculture Office (CAO).
Maging handa at sama-sama nating pangalagaan ang agrikultura ng Lungsod ng Balanga.