ENRO Bataan

ENRO Bataan Provincial Government of Bataan
Environment and Natural Resources Office

19/09/2024

𝗦𝗔𝗚𝗨𝗧𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗥𝗩𝗘𝗬 𝗨𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗚𝗔𝗠𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗘𝗟𝗘𝗖𝗧𝗥𝗜𝗖 𝗩𝗘𝗛𝗜𝗖𝗟𝗘 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡

Simula nang mailunsad ang “E-Mobility for Sustainability” Program sa ating Lalawigan noong nakaraang taon, patuloy po nating pinag-aaralan ang iba’t ibang estratehiya upang mas mapalawak pa ang kaalaman ng bawat Bataeño ukol sa benepisyo ng paggamit ng Electric Vehicle (EV).

Bahagi po ng ating pagsuporta sa mga EV owners at users sa Bataan, pinagsusumikapan po nating mapadami ang mga charging stations sa iba’t-ibang lugar sa ating probinsya.

Kaugnay nito ay inaanyayahan po natin ang lahat na sagutan ang survey na ating isinasagawa upang makakalap ng karagdagang kaalaman ang ating pamahalaan sa layuning mas mapalaganap ang paggamit ng EV sa Bataan na nakapagtatala ng konsiderableng mababang konsumo ng gasolina sabay sa benepisyo nito sa ating kapaligiran.

I-click lamang po ang link na ito: https://forms.gle/b95XvTA9kU9EEmSCA
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa.

Magandang hapon, Bataeño!Isang update patungkol sa air quality.Ngayong 5 N.H ay patuloy na nasa "Moderate" level ng PM2....
22/08/2024

Magandang hapon, Bataeño!

Isang update patungkol sa air quality.

Ngayong 5 N.H ay patuloy na nasa "Moderate" level ng PM2.5 AQI NowCast sa Lamao, Bo. Luz, at Balanga Stations samantalang bahagyang umakyat sa "Unhealthy for Sensitive Groups" level ang Mariveles station.

Patuloy naman na nasa mababang lebel ang sulfur dioxide or SO2 na natatala sa Lamao Reference Station.

Pinapayuhan na iwasan ang paglabas ng bahay ng mga bata, matatanda, at may sakit sa puso o baga. Kung di maiiwasan ang paglabas, magsuot ng KN95 mask.

Ibayong pag-iingat po sa lahat.

Magandang umaga, Bataeño!Isang update patungkol sa air quality.Simula 8 N.U. ay nananatiling nasa "Moderate" level ng PM...
22/08/2024

Magandang umaga, Bataeño!

Isang update patungkol sa air quality.

Simula 8 N.U. ay nananatiling nasa "Moderate" level ng PM2.5 AQI NowCast sa Balanga, Bo. Luz, at Lamao Station samantalang nasa “Unhealthy” naman ang Mariveles Station.

Patuloy naman na nasa mababang lebel bagamat may kaunting pagtaas ang sulfur dioxide o SO2 na natatala sa Lamao Reference Station.

Ibayong pag-iingat po sa lahat.

Magandang hapon, Bataeño!Isang update patungkol sa air quality.Simula 4 N.H. ay bumaba na sa "Moderate" level ng PM2.5 A...
21/08/2024

Magandang hapon, Bataeño!

Isang update patungkol sa air quality.

Simula 4 N.H. ay bumaba na sa "Moderate" level ng PM2.5 AQI NowCast sa lahat ng air quality monitoring station ng Bataan

Patuloy naman na nasa mababang lebel bagamat may kaunting pagtaas ang sulfur dioxide or SO2 na natatala sa Lamao Reference Station.

Ibayong pag-iingat po sa lahat.

Magandang umaga, Bataeño!Isang update patungkol sa air quality.Simula 8 N.U. ay bumaba na sa "Unhealthy for Sensitive Gr...
21/08/2024

Magandang umaga, Bataeño!

Isang update patungkol sa air quality.

Simula 8 N.U. ay bumaba na sa "Unhealthy for Sensitive Groups" level ng PM2.5 AQI NowCast sa Mariveles Station at "Moderate" level sa Lamao, Bo. Luz, at Balanga Stations.

Nagkaroon na rin ng pagbaba sa lebel ng sulfur dioxide or SO2.

Pinapayuhan pa rin na iwasan ang paglabas ng bahay ng mga bata, matatanda, at may sakit sa puso o baga. Kung di maiiwasan ang paglabas, magsuot ng KN95 mask.

Ibayong pag-iingat po sa lahat.

Magandang hapon, Bataeño!Isang update patungkol sa air quality.Simula 4 N.H. ay tumaas sa "Unhealthy" level ang PM2.5 AQ...
20/08/2024

Magandang hapon, Bataeño!

Isang update patungkol sa air quality.

Simula 4 N.H. ay tumaas sa "Unhealthy" level ang PM2.5 AQI NowCast sa Mariveles, Lamao at Bo. Luz Station at "Unhealthy for Sensitive Groups" level sa Balanga Station.

Patuloy din ang pagtaas ng lebel ng sulfur dioxide o SO2.

Pinapayuhan pa rin ang lahat na iwasan ang paglabas ng bahay lalo na sa mga bata, matatanda, at may sakit sa puso o baga. Kung di maiiwasan ang paglabas, magsuot ng KN95 mask.

Ibayong pag-iingat po sa lahat.

Magandang hapon, Bataeño!Isang update patungkol sa air quality.Simula 1 N.H. ay tumaas sa "Unhealthy for Sensitive Group...
20/08/2024

Magandang hapon, Bataeño!

Isang update patungkol sa air quality.

Simula 1 N.H. ay tumaas sa "Unhealthy for Sensitive Groups" level ang PM2.5 AQI NowCast sa Mariveles station at nananatili naman sa "Moderate" level ang Lamao, Bo. Luz, at Balanga Stations.

Nagkaroon din ng bahagyang pagtaas sa lebel ng sulfur dioxide o SO2.

Pinapayuhan pa rin ang lahat na iwasan ang paglabas ng bahay lalo na sa mga bata, matatanda, at may sakit sa puso o baga. Kung di maiiwasan ang paglabas, magsuot ng KN95 mask.

Ibayong pag-iingat po sa lahat.

Magandang umaga, Bataeño!Isang update patungkol sa air quality.Simula 8 N.U. ay nananatili sa "Moderate" level ng PM2.5 ...
20/08/2024

Magandang umaga, Bataeño!

Isang update patungkol sa air quality.

Simula 8 N.U. ay nananatili sa "Moderate" level ng PM2.5 AQI NowCast sa lahat ng stations.

Nagtala rin ang Limay Reference Station ng mababang lebel ng sulfur dioxide o SO2.

Batay sa mga impormasyong ito, wala na gaanong epekto ang Bulkan Taal sa ating air quality.

Ibayong pag-iingat pa rin po sa lahat.

Magandang gabi, Bataeño!Isang update patungkol sa air quality.Simula 8 N.G. ay bumaba na sa "Moderate" level ng PM2.5 AQ...
19/08/2024

Magandang gabi, Bataeño!

Isang update patungkol sa air quality.

Simula 8 N.G. ay bumaba na sa "Moderate" level ng PM2.5 AQI NowCast sa lahat ng stations.

Bagamat gumaganda na ang lagay ng air quality ay pinapayuhan pa rin ang lahat na iwasan ang paglabas ng bahay lalo na sa mga bata, matatanda, at may sakit sa puso o baga sapagkat nariyan pa rin ang banta ng vog mula Bulkan Taal. Kung di maiiwasan ang paglabas, magsuot ng KN95 mask.

Ibayong pag-iingat po sa lahat.

Magandang gabi, Bataeño!Simula 5 N.H., ang lebel ng PM2.5 ay naitalang “Fair” sa Balanga Station, “Unhealthy for Sensiti...
19/08/2024

Magandang gabi, Bataeño!

Simula 5 N.H., ang lebel ng PM2.5 ay naitalang “Fair” sa Balanga Station, “Unhealthy for Sensitive Groups” sa Bo. Luz, Limay, Station at sa Lamao Station, “Very Unhealthy” naman sa Mariveles Station. Ang PM2.5 ay sobrang liit na mga butil ng solid o likido na nakakalat sa hangin at madaling makapasok sa ating respiratory system.

Bagamat ang lebel ng sulfur dioxide o SO2 ay nananatiling nasa DENR standard, mapapansin ang pagtaas nito, batay sa datos ng air quality monitoring reference station sa Lamao. Ang mga naturang obserbasyon sa kalidad ng hangin ng lalawigan ay dulot ng umiiral na volcanig smog o vog mula sa Bulkang Taal na nararanasan din sa mga karatig na rehiyon gaya ng Metro Manila at Timog Katagalugan. Ang vog ay maaaring magdulot ng iba't ibang mga problema sa kalusugan, tulad ng pangangati ng mata, lalamunan, at posibilidad ng acid rain.

Pinapayuhan ang lahat na iwasan ang paglabas ng bahay lalo na sa mga bata, matatanda, at may sakit sa puso o baga. Kung di maiiwasan ang paglabas, magsuot ng KN95 mask.

Ibayong pag-iingat po sa lahat.

Magandang gabi, Bataeño!Isang update mula sa aming naunang ulat sa mataas na lebel ng PM2.5 simula kaninang 5 N.H. Nais ...
12/07/2024

Magandang gabi, Bataeño!

Isang update mula sa aming naunang ulat sa mataas na lebel ng PM2.5 simula kaninang 5 N.H. Nais naming ipaalam na simula 11 N.G. ay bumalik na sa "Moderate" na lebel ang PM2.5 sa lahat ng Air Quality Sensors ng Provincial Government of Bataan.

Ibayong pag-iingat po sa lahat.

Address

The Bunker, Capitol Compound, San Jose
Balanga
2100

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 12pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ENRO Bataan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to ENRO Bataan:

Share