31/05/2026
TINGNAN | Isang 100-year old na senior citizen, napagkalooban ng libreng birth certificate ng PSA sa tulong ng Birth Registration Assistance Project
Ibinahagi ni Irenea B. Perez, anak ni Nanay Lourdes J. Batulay, isang centenarian na nakapagparehistro sa tulong ng Birth Registration Assistance Project (BRAP) ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa Ilog, Negros Occidental, ang kahalagahan ng pagkakaroon ng birth certificate na siyang nagsisilbing patunay ng kapanganakan at pagkakakilanlan ng isang indibidwal.
Aniya, para sa kanyang ina na isang senior citizen at centenarian, mahalagang rehistrado ang kapanganakan para sa pag-claim ng mga benepisyong ipinagkakaloob ng pamahalaan sa mga senior citizens.
Upang personal na ipagkaloob ang birth certificate ni Nanay Lourdes, personal na binisita ni PSA Undersecretary Claire Dennis S. Mapa, PhD, National Statistician and Civil Registrar General, kasama ni PSA Negros Island Region OIC Regional Director John F. Campomanes si Nanay Lourdes. Bahagi ito ng isinagawang aktibidad ng PSA sa naturang munisipalidad ngayong araw.
Ang BRAP ay alinsunod sa kabuuang plano ng gobyerno na siguruhing rehistrado ang kapanganakan ng bawat Pilipino, laloโt higit ng mga kapatid nating Muslim, mga Lumad, at mga Pilipinong nabibilang sa economically disadvantaged areas.