Domingo Teñoso Abliter

Domingo Teñoso Abliter Architect
Mayor of Balatan, Camarines Sur



Sa gitna ng pagtaas ng presyo ng gasolina, hindi natin nakakalimutan ang mga sektor na direktang naapektuhan nito ang at...
10/06/2026

Sa gitna ng pagtaas ng presyo ng gasolina, hindi natin nakakalimutan ang mga sektor na direktang naapektuhan nito ang ating mga TODA, jeepney, at pedicab drivers.

Kahapon, tayo po ay nagbigay ng ayudang bigas bilang maliit na tulong at pasasalamat sa kanilang patuloy na pagsusumikap para makapaghatid serbisyo sa ating komunidad.

Hindi man nito lubos na matugunan ang lahat ng pangangailangan, hangad namin na kahit papaano ay makagaan ito sa kanilang pang-araw-araw na gastusin.

Sa mga hindi pa nakakatanggap ng bigas maaari lamang na bumisita sa Municipal Mayor’s Office upang maka claim.

GROUND BREAKING CEREMONY FOR THECOMPLETION OF LULUASAN SPILLWAY WITH BOX CULVERTIsang mahalagang hakbang tungo sa mas li...
05/06/2026

GROUND BREAKING CEREMONY FOR THE
COMPLETION OF LULUASAN SPILLWAY WITH BOX CULVERT

Isang mahalagang hakbang tungo sa mas ligtas at mas matibay na imprastraktura para sa ating komunidad.

Sa nakaraang panahon, pansamantalang natigil ang proyekto dahil ang inisyal na disenyo at pondo ay para lamang sa REHABILITATION, ito ay solusyong HINDI SAPAT upang tumagal lalo na sa harap ng malalakas na sakuna at pagbaha.

Sa tulong ng makabuluhang konsepto at pamumuno ni Mayor Ar. Domingo Abliter, kasama sina Engr. Dennis Maaño, Engr. Billy Joe Siron, at ang buong Municipal Engineering Staff, matagumpay na naaprubahan ang pondo para sa upgraded design na may BOX CULVERT dahil na rin sa tulong ng Sangguniang Bayan na pinamumunuan ni Vice Mayor Leonardo Narito Jr.

Ang bagong disenyo ay mas matibay, mas matatag, at kayang tumagal kahit sa matitinding kalamidad—isang proyektong tunay na pangmatagalan at para sa kapakanan ng bawat mamamayan.

Lubos din ang aming pasasalamat sa suporta ng mga Punong Barangay: Punong Brgy. Necitas Bermas ng Luluasan, Punong Brgy. Cherry Renolayan ng Brgy. Pararao, at Punong Brgy. Ronnie Pacuan ng Brgy. Camangahan, kasama ang kanilang mga Brgy. Kagawad at staff na patuloy na nakikiisa sa adhikaing ito.

Patuloy tayong magtulungan para sa isang mas ligtas at maunlad na bayan.

Happy Birthday, Governor Luis Raymund “L-Ray” F. Villafuerte Jr.! 🎉May this special day bring you continued blessings, g...
03/06/2026

Happy Birthday, Governor Luis Raymund “L-Ray” F. Villafuerte Jr.! 🎉

May this special day bring you continued blessings, good health, and renewed strength as you continue your dedicated service to the people of Camarines Sur.

Noong Mayo 26, 2026, buong pusong nakiisa ang LGU Balatan sa matagumpay na pagbubukas ng Kaogma Festival 2026 sa Pili, C...
02/06/2026

Noong Mayo 26, 2026, buong pusong nakiisa ang LGU Balatan sa matagumpay na pagbubukas ng Kaogma Festival 2026 sa Pili, Camarines Sur.

Sa pamamagitan ng 2 trak, 3 bus, 2 L300, at mga pribadong sasakyan na puno ng masisigasig na Balateño, ipinakita natin ang ating buong suporta at pakikiisa sa isa sa pinakamalaki at pinakamakulay na festival sa Bicol region.

Taos-puso naming binabati si Gov. Luis Raymund 'LRay' Villafuerte Jr. sa matagumpay na pagbubukas ng Kaogma Festival. Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta sa mga bayan ng Camarines Sur at sa pagbibigay ng mga programang nagpapalakas ng pagkakaisa, turismo, at Kultura sa ating lalawigan.

Lubos din ang aming pasasalamat kay Doc. Paulo Martin Barrameda Villanueva sa pagpapahiram ng dalawang (2) bus. Ang inyong kabutihang loob at suporta ay tunay na pinahahalagahan ng LGU Balatan.

Isang malaking pasasalamat din sa Balatan Alon Galaw, ang ating kinatawan sa Kaogma Street Dance Competition, sa pangunguna nina Sir Jose Apollo Ruivivar at Sir Alvin Tamayo.

Sa lahat ng Balateñong nakiisa, sumuporta, at nagbigay ng oras upang maging bahagi ng makulay na selebrasyong ito, maraming salamat. Ang inyong pakikilahok ay patunay ng ating pagkakaisa at pagmamahal sa ating bayan at lalawigan.

Mabuhay ang Balatan! Mabuhay ang Camarines Sur! Padagos an Kaogma! 🎉✨

Mayo 22,2026, Ngayong araw ay maagang nagtipon ang mga magsasaka ng Cabungan sa isang makabuluhang pagpupulong na nagpak...
22/05/2026

Mayo 22,2026, Ngayong araw ay maagang nagtipon ang mga magsasaka ng Cabungan sa isang makabuluhang pagpupulong na nagpakita ng pagkakaisa at hangarin para sa pag-unlad ng agrikultura. Ibinahagi ni Mayor AR. Domingo Abliter ang kanyang pananaw na gawing sentro ng aquaculture, lalo na ng tilapia production, ang Cabungan sa loob ng limang taon, kasama ang buong suporta ng pamahalaan at pribadong sektor. Sa tulong ng Municipal Agriculture Office sa pangunguna ng Municipal Agriculturist na si Mark Anthony B. Abrera at kaniyang mga staff.

Nag bahagi rin ang Local Government Unit of Balatan ng Bigas para sa mga magsasaka ng Brgy. Cabungan. Nawa’y sa napag usapan ay maisakatuparan ang kanilang mga plano para sa mas maunlad na sektor ng agrikultura.

Mayo, 19,2026 ay matagumpay na isinagawa ang Groundbreaking Ceremony sa Barangay Tapayas ng “Two Communal Toilet Project...
20/05/2026

Mayo, 19,2026 ay matagumpay na isinagawa ang Groundbreaking Ceremony sa Barangay Tapayas ng “Two Communal Toilet Project” sa pangunguna ni Ar. Domingo T. Abliter, katuwang ang KALAHI-CIDSS. Layunin ng proyektong ito na mapabuti ang kalinisan at kalusugan ng bawat Balateño. Ito ay isang hakbang tungo sa mas malinis at ligtas na komunidad.


Kaganapan ngayon sa Municipal Covered Court Mas Pinalapit na Serbisyo ng LTO sa Mamamayan!Ang LTO Iriga, katuwang ang LG...
20/05/2026

Kaganapan ngayon sa Municipal Covered Court

Mas Pinalapit na Serbisyo ng LTO sa Mamamayan!

Ang LTO Iriga, katuwang ang LGU Balatan sa pamumuno ni Mayor Domingo T. Abliter at ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Leonardo Narito Jr., ay nagsasagawa ng LTO Outreach Program sa inisyatiba ni Kagawad Mark Niño “Baba” Casano, Committee Chairman on Transportation.

Hatid namin ang mahahalagang serbisyo ng pamahalaan—mas malapit, mas madali para sa mamamayan.

Services Offered:
Motor Vehicle Inspection
Motor Vehicle Renewal
FREE Theoretical Driving Course
Student Permit ( ID, Birth Certificate-PSA)
Driver’s License Renewal
Medical
Emission and Insurance
Plate Distribution

🗓️ May 20–21, 2026
⏰ 8:00 AM – 4:00 PM
📍 LGU Balatan Covered Court

Isang taos-pusong pasasalamat kina Dr. Paulo Martin Villanueva, Dr. Benedick Villanueva at sakanilang mga Nurses na kasa...
08/05/2026

Isang taos-pusong pasasalamat kina Dr. Paulo Martin Villanueva, Dr. Benedick Villanueva at sakanilang mga Nurses na kasama sa kanilang agarang pagtugon at pakikiisa sa Regular na Programang Tuli ng RHU Balatan.

Pati na rin sa College of Health Sciences nang CSPC at RHU Staff nang RHU Balatan.

Ang inyong dedikasyon at malasakit ay patunay ng tunay na serbisyo para sa kalusugan ng ating komunidad. Malaking tulong ang inyong ambag sa tagumpay ng programang ito at sa kapakanan ng ating mga kababayan.

Inaanyayahan ang mga nais na pumunta para sa regular na “Tuli Program” ng Rural Health Unit (RHU) ng LGU Balatan, na pin...
08/05/2026

Inaanyayahan ang mga nais na pumunta para sa regular na “Tuli Program” ng Rural Health Unit (RHU) ng LGU Balatan, na pinangungunahan ng Department of Health Science ng Camarines Sur Polytechnic Colleges (CSPC) sa pakikipagtulungan kay Dr. Paulo Martin B. Villanueva at mga kasamang Doktor at ng masigasig na medical team ng RHU.

📍RHU Balatan

Ngayong ika-6 ng Mayo 2026, matagumpay na isinagawa ang Groundbreaking Ceremony ng Laganac Foot Bridge sa Barangay Lagan...
06/05/2026

Ngayong ika-6 ng Mayo 2026, matagumpay na isinagawa ang Groundbreaking Ceremony ng Laganac Foot Bridge sa Barangay Laganac, Balatan. Isang proyektong magdurugtong sa Zone 1 patungong Zone 3 at 4 upang mapadali at mapaligtas ang paglalakbay ng mga residente.

Pinangunahan ni Hon. Ar. Domingo T. Abliter, Punong Brgy. Aquino Roadel, Mun. Kgwd. Kesia Sombrero at binasbasan naman ito ni Rev. Fr. Javier Fria bilang simbolo ng gabay at proteksyon para sa proyekto.

Ang proyektong ito ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na mapabuti ang koneksyon at kabuhayan ng komunidad sa Barangay Laganac.




Address

Balatan
4436

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Domingo Teñoso Abliter posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Domingo Teñoso Abliter:

Share