19/08/2026
📢 PAALALA SA ATING MGA MAG-AARAL, MAGULANG, AT KAWANI!
🌧️ GABAY SA PAGPAPATULOY NG PAGKATUTO SA PANAHON NG BAGYO O MALAKAS NA PAG-ULAN
Alinsunod sa DepEd Order No. 014, s. 2026, mahalagang maging handa at mapagmatyag ang lahat sa panahon ng masamang panahon. Ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral at kawani ang pangunahing prayoridad. 💙
📌 Tandaan:
🟢 HAYO – Walang bagyo o malakas na pag-ulan na nararanasan.
🟡 HINAY – Suspensyon ng klase depende sa itinalagang signal at abiso ng mga kinauukulan.
🟠 HINGA – Awtomatikong sinususpinde ang trabaho at mga klase, kabilang ang mga programang ALS at in-person classes, ayon sa itinakdang kondisyon.
🔴 HINTO – Awtomatikong sinususpinde ang trabaho at mga klase sa lahat ng antas.
📣 Manatiling updated sa mga opisyal na anunsyo ng paaralan at mga kinauukulang ahensya.
Tayo’y HANDA, tayo’y LIGTAS! 🌂💚
Dao EduSulong: Makabata, Makabansa, Makabago, Makadata, Makakaisa.