Municipal Health Office - Balayan

Municipal Health Office - Balayan Provision of Basic Health Services

𝐀π₯𝐚𝐬 𝐊𝐰𝐚𝐭𝐫𝐨 𝐧𝐚! π“π€πŽπ, π“π€πŠπ“π€πŠ, π“π”π˜πŽ, π“π€πŠπˆπ 𝐧𝐚! πŸ“’Kabi-kabila na naman ang pag-ulan kaya tara na’t hanapin at sugpuin ang m...
23/08/2026

𝐀π₯𝐚𝐬 𝐊𝐰𝐚𝐭𝐫𝐨 𝐧𝐚! π“π€πŽπ, π“π€πŠπ“π€πŠ, π“π”π˜πŽ, π“π€πŠπˆπ 𝐧𝐚! πŸ“’

Kabi-kabila na naman ang pag-ulan kaya tara na’t hanapin at sugpuin ang mga lugar na posibleng pamugaran ng mga lamok. 🦟

Huwag kalimutang araw-arawin ang Alas Kwatro Kontra Mosquito habit. πŸ•“

Gawin ang TAOB, TAKTAK, TUYO, at TAKIP upang manatiling lamok-free at worry-free sa dengue!

Tandaan: kung walang lamok, walang dengue!

21/08/2026

Alamin kung ano ang rubella, na kilala rin bilang β€œGerman measles” o β€œTigdas hangin.” Mapanganib ang sakit na ito, lalo na sa mga buntis at sanggol na dinadala.

Walang gamot laban sa Rubella. Tanging bakuna lamang ang paraan para maiwasan ito.

Makiisa sa Ligtas Tigdas 2026: Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA) with Vit. A Supplementation hanggang Agosto 28, 2026. Dalhin at pabakunahan ang mga batang edad 6-59 buwan sa mga itinalagang fixed o temporary vaccination site sa inyong lugar.

Ligtas Tigdas ang batang bakunado at protektado! πŸ’‰

Pabakunahan ang mga bata laban sa tigdas, dahil ang bakuna at proteksyon ng bawat bata laban sa mga sakit ay ating sama-samang responsibilidad. 🀝🏻


πŸ’‰β€οΈ πŒπ„π€π’π‹π„π’-𝐑𝐔𝐁𝐄𝐋𝐋𝐀 π’π”πππ‹π„πŒπ„ππ“π€π‹ πˆπŒπŒπ”ππˆπ™π€π“πˆπŽπ π€π‚π“πˆπ•πˆπ“π˜ π–πˆπ“π‡ π•πˆπ“π€πŒπˆπ 𝐀 π’π”πππ‹π„πŒπ„ππ“π€π“πˆπŽπWalang holiday sa ating hangaring m...
21/08/2026

πŸ’‰β€οΈ πŒπ„π€π’π‹π„π’-𝐑𝐔𝐁𝐄𝐋𝐋𝐀 π’π”πππ‹π„πŒπ„ππ“π€π‹ πˆπŒπŒπ”ππˆπ™π€π“πˆπŽπ π€π‚π“πˆπ•πˆπ“π˜ π–πˆπ“π‡ π•πˆπ“π€πŒπˆπ 𝐀 π’π”πππ‹π„πŒπ„ππ“π€π“πˆπŽπ

Walang holiday sa ating hangaring maprotektahan ang kalusugan ng bawat batang BalayeΓ±o. Patuloy ang ating vaccination activity upang mailapit ang serbisyong pangkalusugan sa ating mga komunidad. πŸ’‰πŸ‘§πŸ‘¦

πŸ“… August 21, 2026 (Friday)

πŸ“Caloocan
πŸ“Cayponce
πŸ“Brgy 5
πŸ“Brgy 11
πŸ“Duhatan
πŸ“Canda
πŸ“Taludtod

Ngayong araw, 375 na bata ang nabakunahan laban sa Measles-Rubella at 244 na bata ang nabigyan ng Vitamin A supplementation. πŸ’‰πŸ§‘

Magpabakuna at magtulungan tayo para sa mas protektadong komunidad at mas malusog na batang Balayeño! ❀️






20/08/2026

π‹π’π π­πšπ¬ π“π’π ππšπ¬: π‡πšπ¦π¨π§ 𝐚𝐭 𝐏𝐚𝐠-𝐚𝐬𝐚 πŸ’š

Tunghayan ang kuwento ni Noemi Lei, na hindi nabakunahan laban sa tigdas noong 9 na buwan at nagkaroon ng measles encephalitisβ€”isang malubhang komplikasyon na maaaring magdulot ng permanenteng pinsala sa utak, pagkabulag, o kamatayan. Nag-iwan ito ng pangmatagalang epekto sa paglalakad, paningin, pag-unlad, at paglaki ni NoemiLei.

Paalala: Huwag ipagpaliban ang proteksyon ng inyong anak. Ang napapanahong pagbabakuna ang pinakamabisang paraan upang maiwasan ang tigdas at ang malulubhang komplikasyon nito.

Mga magulang at tagapag-alaga, pabakunahan ang inyong mga anak na 6–59 buwang gulang sa pinakamalapit na temporary o fixed vaccination site sa inyong lugar.

May agam-agam? Kumonsulta sa doktor o health worker at magtiwala sa tamang impormasyon

Pasasalamat: Sa Magulang at Pamilya ni Noemi Lei, sa Cavite Provincial DOH Office at sa HEPU - DOH CHD CALABARZON sa pakikiisa at pakikipagtulungan sa pagbabahagi ng mahalagang kuwentong ito.

Regional Director Adriano Suba-an
Assistant Regional Director Rosa Maria Balisnomo-Rempillo

πŸ’‰β€οΈ πŒπ„π€π’π‹π„π’-𝐑𝐔𝐁𝐄𝐋𝐋𝐀 π’π”πππ‹π„πŒπ„ππ“π€π‹ πˆπŒπŒπ”ππˆπ™π€π“πˆπŽπ π€π‚π“πˆπ•πˆπ“π˜ π–πˆπ“π‡ π•πˆπ“π€πŒπˆπ 𝐀 π’π”πππ‹π„πŒπ„ππ“π€π“πˆπŽππŸ“… August 20, 2026πŸ“MalalayπŸ“Poblacion...
20/08/2026

πŸ’‰β€οΈ πŒπ„π€π’π‹π„π’-𝐑𝐔𝐁𝐄𝐋𝐋𝐀 π’π”πππ‹π„πŒπ„ππ“π€π‹ πˆπŒπŒπ”ππˆπ™π€π“πˆπŽπ π€π‚π“πˆπ•πˆπ“π˜ π–πˆπ“π‡ π•πˆπ“π€πŒπˆπ 𝐀 π’π”πππ‹π„πŒπ„ππ“π€π“πˆπŽπ

πŸ“… August 20, 2026

πŸ“Malalay
πŸ“Poblacion 6
πŸ“Langgangan
πŸ“Durungao
πŸ“Tanggoy
πŸ“Lagnas
πŸ“Poblacion 3
πŸ“Carenahan
πŸ“Dilao

Patuloy ang ating laban para sa mas ligtas at malusog na mga batang BalayeΓ±o! πŸ’ͺπŸ‘§πŸ‘¦

Ngayong araw, 248 na bata ang nabakunahan laban sa Measles-Rubella at 86 na bata ang nabigyan ng Vitamin A supplementation. πŸ’‰πŸ§‘

Magpabakuna at magtulungan tayo para sa mas protektadong komunidad at mas malusog na batang Balayeño! ❀️






DOH: ALAMIN PAANO MAIIWASAN ANG MGA MALA-TRANGKASONG SAKIT NA MAY KASAMANG UBO AT SIPON!Detalye sa comment section.     ...
19/08/2026

DOH: ALAMIN PAANO MAIIWASAN ANG MGA MALA-TRANGKASONG SAKIT NA MAY KASAMANG UBO AT SIPON!

Detalye sa comment section.




19/08/2026

PANOORIN | Kumpyansa ang mga magulang sa bisa ng bakuna kontra tigdas dahil dumaan anila ito sa pag-aaral ng mga eksperto sa kalusugan.

β€ŽKaya naman hindi nag-alinlangan sina Nanay Chee-Ann, Nanay Analyn at Tatay Manuel na dalhin ang kanilang mga anak sa ginanap na bakunahan sa Infanta, Quezon.

β€ŽSa mga magulang at tagapag-alaga, pwede pang humabol! Dalhin at pabakunahan ang mga batang may edad 6 hanggang 59 buwan sa pinaka-malapit na fixed o temporary vaccination sites sa inyong lugar hanggang August 28, 2026.

β€Ž
β€Ž

β€ŽRegional Director Adriano Suba-an
β€ŽAssistant Regional Director Rosa Maria Balisnomo-Rempillo

[ 𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄 ] ππ€π“π”π‹πŽπ˜ 𝐀𝐍𝐆 π’π„π‘ππˆπ’π˜πŽππ† ππ€ππ†πŠπ€π‹π”π’π”π†π€π πŸ’™πŸ©ΊSa kabila ng patuloy na pag-ulan, hindi tumitigil ang Municipal Health...
19/08/2026

[ 𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄 ] ππ€π“π”π‹πŽπ˜ 𝐀𝐍𝐆 π’π„π‘ππˆπ’π˜πŽππ† ππ€ππ†πŠπ€π‹π”π’π”π†π€π πŸ’™πŸ©Ί

Sa kabila ng patuloy na pag-ulan, hindi tumitigil ang Municipal Health Office (MHO) sa paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa ating mga kababayan. πŸŒ§οΈπŸ’™

Ngayong araw ng πŒπˆπ˜π„π‘πŠπ”π‹π„π’, patuloy ang pag-iikot ng Acting-Municipal Health Officer na si Dr. Joana Fabiola Apacible, kasama ang Medical Team ng MHO, sa mga evacuation center upang kumustahin at masuri ang kalagayan ng ating mga evacuees at matugunan ang kanilang mga pangangailangang pangkalusugan.

Isinasagawa ang health assessment at check-up, lalo na para sa mga bata, matatanda, at iba pang nangangailangan ng agarang atensyong medikal. Nagbibigay rin ng mga kinakailangang gamot upang makatulong sa kanilang paggaling at kalusugan. πŸ’ŠπŸ©Ί

πŸ“ MGA EVACUATION CENTER NA NAPUNTAHAN
β€’ Balayan Senior High School
β€’ Sampaga Elementary School
β€’ Carenahan Barangay Hall

🩺 HEALTH SERVICES PROVIDED
β€’ Na-check up: 28 katao
β€’ Nabigyan ng gamot: 39 katao

Sa pangunguna ni Mayor Lisa Ermita, patuloy ang suporta ng Lokal na Pamahalaan ng Balayan upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng bawat BalayeΓ±o. πŸ€πŸ’™

🌧️ Kahit umuulan, tuloy ang serbisyo!
Anumang panahon, ang MHO Balayan ay laging handang tumugon para sa kalusugan ng bawat BalayeΓ±o. πŸ©ΊπŸ’™


#π—•π—”π—šπ—’π—‘π—šπ—•π—”π—Ÿπ—”π—¬π—”π—‘

18/08/2026

ππ€πŠπ”ππ€ πŠπŽππ“π‘π€ πŒπ„π€π’π‹π„π’ 𝐀𝐓 𝐑𝐔𝐁𝐄𝐋𝐋𝐀, π€ππ‘π”ππ€πƒπŽ 𝐍𝐆 πŒπŽπŒπŒπˆπ„π’! βœ…

Buo ang tiwala ng mga nanay sa Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity ng Department of Health.

β€ŽAyon sa kanila, makatutulong ang bakuna upang maprotektahan ang kanilang mga anak laban sa sakit.

β€ŽNanawagan din sila sa mga kapwa magulang na magtiwala sa kaalaman at kakayahan ng mga health worker para sa ligtas na paglaki ng mga bata.

β€ŽPanoorin ang kanilang buong pahayag.

β€Ž
β€Ž

β€ŽRegional Director Adriano Suba-an
β€ŽAssistant Regional Director Rosa Maria Balisnomo-Rempillo

πŸ“£ πˆπŒππŽπ‘π“π€ππ“ π€πππŽπ”ππ‚π„πŒπ„ππ“!Para sa kaalaman ng lahat, ang MR SIA VAS (Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity w...
18/08/2026

πŸ“£ πˆπŒππŽπ‘π“π€ππ“ π€πππŽπ”ππ‚π„πŒπ„ππ“!

Para sa kaalaman ng lahat, ang MR SIA VAS (Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity with Vitamin A Supplementation) na nakatakda bukas, August 19, 2026 (Miyerkules) sa mga sumusunod na barangay ay CANCELLED:

πŸ“ Duhatan
πŸ“ Tanggoy
πŸ“ Barangay 5
πŸ“ Barangay 11
πŸ“ Cayponce
πŸ“ Langgangan
πŸ“ Canda

🌧️ Kaligtasan po muna ang ating prayoridad. Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa. Mag-ingat po tayong lahat! ❀️

Municipal Health Office – Balayan


#π—•π—”π—šπ—’π—‘π—šπ—•π—”π—Ÿπ—”π—¬π—”π—‘

Address

BGC Compound Brgy. Caloocan Balayan, Batangas
Balayan
4213

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639456919858

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Health Office - Balayan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Municipal Health Office - Balayan:

Shortcuts

Share