10/07/2025
📣 PAALALA SA ATING MGA MINAMAHAL NA KONSESYONARYO 💧
Kami po sa Balayan Water District ay nagsasagawa ng pag-update sa aming customer database upang mas mapabilis at mas mapabuti pa ang aming serbisyo sa inyo.
Kung kayo po ay may bagong contact number o nais i-update ang inyong impormasyon, inaanyayahan po namin kayong punan ang form sa link na ito:
🔗 http://bit.ly/4lMxZcB
o pwedeng din i-scan ang QR code na matatagpuan sa picture na ito.
✅ Sa pamamagitan nito, mas madali po namin kayong maaabisuhan ukol sa mga maintenance advisories, billing updates, at iba pang mahalagang anunsyo.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagtangkilik at suporta!