17/08/2026
WEEKLY KALINISAN | SANGGUNIANG KABATAAN NG BARANGAY PATUGO
Sama-sama nating panatilihing malinis, maayos, at ligtas ang ating Barangay Patugo!
Bilang bahagi ng aming patuloy na pakikiisa sa pagpapanatili ng kalinisan sa komunidad, nakiisa ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Patugo sa ating Weekly Kalinisan kasama ang Lingkuran ng Barangay.
Ang simpleng pagtutulungan at pagkilos ng bawat isa ay malaking hakbang tungo sa mas malinis at mas maayos na barangay.
Kabataan para sa kalinisan, Kabataan para sa bayan!