Sangguniang Barangay-LUCBAN

Sangguniang Barangay-LUCBAN Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sangguniang Barangay-LUCBAN, Government Organization, Lucban, Batangas, Balayan.

06/08/2026

Magandang araw po sa ating mga kabarangay!

Sa lahat po ng mga magulang at tagapag-alaga ng mga batang edad 6 hanggang 59 months, hinihikayat po namin kayong dalhin ang inyong mga anak sa ating Supplemental Immunization Activity o SIA.

Sa aktibidad na ito, ang mga batang kwalipikado ay bibigyan ng MR o Measles-Rubella vaccine, na proteksyon laban sa tigdas at tigdas-hangin, at Vitamin A supplementation para makatulong sa pagpapanatili ng kanilang kalusugan at immune system.

๐Ÿ’‰ Bakit mahalaga ang MR vaccine at Vitamin A?

* Ang MR vaccine ay nagbibigay ng proteksyon laban sa tigdas at tigdas-hangin.
* Nakakatulong ang bakuna na maiwasan ang mga komplikasyon na maaaring idulot ng mga sakit na ito.
* Ang Vitamin A ay mahalaga para sa normal na paningin, paglaki at development, at maayos na immune function ng mga bata.
* Ang pagbabakuna at Vitamin A supplementation ay makakatulong sa pagprotekta sa kalusugan ng ating mga anak.

๐Ÿ“… SCHEDULE NG SIA SA ATING BARANGAY

Petsa: August 14, 2026
Oras: 8:30 am
Lugar: Barangay Covered Court

๐Ÿ“Œ MAHALAGANG PAALALA:
Pakidala po ang inyong anak at ang kanilang Immunization Card sa araw ng activity upang ma-check at ma-update ang kanilang vaccination record.

Mga magulang, huwag po nating palampasin ang pagkakataong maprotektahan at mapangalagaan ang kalusugan ng ating mga anak.

Dalhin po ang inyong mga anak sa ating SIA sa itinakdang petsa, oras at lugar.

Bakuna ay proteksyon. Vitamin A ay dagdag na pangangalaga. Sama-sama nating protektahan ang ating mga anak!

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at suporta!

July 30, 2026TAGUMPAY AT PAGTUTULUNGAN! ๐ŸคLubos po ang aming pasasalamat sa matagumpay na pagsasagawa ng Assessment para ...
31/07/2026

July 30, 2026

TAGUMPAY AT PAGTUTULUNGAN! ๐Ÿค

Lubos po ang aming pasasalamat sa matagumpay na pagsasagawa ng Assessment para sa VAWC at BCPC sa ating barangay.

Malaking bahagi ng tagumpay na ito ang mahusay na paggabay ni Ms. Jessica Arellano Agquiz mula sa DSWD at ni Ms. Angelica, gayundin ang patuloy na suporta ng DILG sa pangunguna ng kanilang kinatawan na si Ms. Elizabeth Mortel Abiad.

Maraming salamat din sa lahat ng nakiisa, nakipagtulungan, at nagbigay ng oras at dedikasyon upang maging matagumpay ang gawaing ito. Ang ating pagkakaisa at pagtutulungan ay patunay ng ating iisang layuninโ€”ang higit pang mapalakas ang pangangalaga sa kababaihan, kabataan, at bawat pamilyang ating pinaglilingkuran.

Sama-sama para sa isang mas ligtas, mas maunlad, at mas responsableng barangay!๐Ÿ’œ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ






Pamimigay ng bigas sa bawat pamilya sa aming  Barangay  mula kay  Congressman Leandro Legarda Leviste.Maraming salamat p...
23/06/2026

Pamimigay ng bigas sa bawat pamilya sa aming Barangay mula kay Congressman Leandro Legarda Leviste.

Maraming salamat pong muli sa inyong kabutihang-loob at malasakit.

Mula po sa aming Barangay Lucban, lubos po ang aming pasasalamat. ๐Ÿ™๐Ÿ’œ

15/06/2026

:

๐Ÿ“ข PAKI-ABISO PO

Baka po may nakapulot o may nakakita ng nawawalang plaka ng motorsiklo:

Plate Number: OGE 463
Pangalan ng May-ari: Nino Emmanuel Hernandez
Address: Dalig, Balayan, Batangas

Kung sakaling may impormasyon o nakapulot po nito, maari pong makipag-ugnayan sa may-ari o mag-iwan ng mensahe. Malaking tulong po ang inyong pagbabahagi.

Maraming salamat po.

Matagumpay na ginanap ang Bantay Sigla 1000 sa Barangay Lucban, na nilahukan din ng mga kinatawan mula sa Barangay Pooc....
09/06/2026

Matagumpay na ginanap ang Bantay Sigla 1000 sa Barangay Lucban, na nilahukan din ng mga kinatawan mula sa Barangay Pooc. Ang programa ay naglalayong itaguyod ang kalusugan, pagkakaisa, at aktibong pakikilahok ng komunidad.

Maraming salamat po kay Konsehal Bobby Lainez sa programang "Fresh Cut, Fresh Start" (Balik-Eskwela Program) na nagkakal...
05/06/2026

Maraming salamat po kay Konsehal Bobby Lainez sa programang "Fresh Cut, Fresh Start" (Balik-Eskwela Program) na nagkakaloob ng libreng gupit para sa lahat ng estudyante.

Sa pakikipagtulungan ng BALASIK LGBTQIA+, layunin ng programang ito na matulungan ang mga mag-aaral na maging handa at presentable sa pagbabalik-eskwela.

๐Ÿ“… Schedule:
June 5
๐Ÿ“ Lucban
๐Ÿ•— 8:00 AM โ€“ 12:00 NN
Para sa mga estudyante ng Lucban at mga karatig-barangay.

Fresh Cut, Fresh Start!
Handog ni Konsehal Bobby Lainez at BALASIK LGBTQIA+ para sa ating mga kabataan.

30/05/2026

Magandang araw po sa ating lahat.

Ipinapaabot po namin na si G. Michael Pesigan ay nagbigay ng halagang โ‚ฑ10,000 para sa ating Barangay Fiesta. Kaugnay nito, napagkasunduan po ng Pamunuan na magkaroon ng banda o musiko sa ating pagdiriwang ngayong Tapusan.

Nakakuha po tayo ng banda na nagkakahalaga ng โ‚ฑ12,000, kasama na po ang hatid-sundo. Dahil dito, ang kakulangan na โ‚ฑ2,000 ay paghahati-hatian po ng mga miyembro ng Sangguniang Barangay.

Lubos po naming ipinapaabot, sa ngalan ng Pamunuan at ng buong Barangay, ang aming taos-pusong pasasalamat kay G. Michael Pesigan sa kanyang walang sawang pagtulong at suporta sa ating Barangay.

Barangay Lucban successfully conducted the deliberation for the Community Mobilization Project in partnership with the P...
29/05/2026

Barangay Lucban successfully conducted the deliberation for the Community Mobilization Project in partnership with the Police Regional Office CALABARZON. ๐Ÿค๐Ÿ’™

Through unity, cooperation, and active participation, we continue to strengthen peace, safety, and community development for a better and more progressive barangay. ๐Ÿ‘ฎโ€โ™‚๏ธ๐Ÿ˜๏ธโœจ





Disaster Risk Assessment na ginanap noong Mayo 26, 2026 sa Liga Conference, BGC, Caloocan, Balayan, Batangas.Layunin ng ...
27/05/2026

Disaster Risk Assessment na ginanap noong Mayo 26, 2026 sa Liga Conference, BGC, Caloocan, Balayan, Batangas.

Layunin ng aktibidad na mapalakas ang kahandaan ng komunidad laban sa ibaโ€™t ibang sakuna sa pamamagitan ng wastong pagsusuri ng panganib, pagpaplano, at koordinasyon ng mga kinauukulang ahensya at mga kalahok. Naging makabuluhan ang talakayan ukol sa disaster preparedness, response, at mitigation upang masiguro ang kaligtasan at katatagan ng bawat mamamayan sa panahon ng kalamidad.

Address

Lucban, Batangas
Balayan
4213

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Barangay-LUCBAN posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Sangguniang Barangay-LUCBAN:

Shortcuts

Share