12/06/2026
๐ต๐ญโจ Ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Ocho ay buong pusong nakikiisa sa pagdiriwang ng IKA-128 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas na ginanap sa Barangay 8 Covered Court.
Kasabay ng makasaysayang pagdiriwang na ito ay ang pagkilala sa ating mga kabataang matagumpay na nakapasa sa Board Examination, bilang pagpupugay sa kanilang sipag, tiyaga, at dedikasyon. Naging bahagi rin ng programa ang School Supplies Distribution at Community Pantry na naghatid ng tulong at inspirasyon sa ating mga kabarangay.
Taos-pusong pasasalamat sa Sangguniang Barangay sa pangunguna ni Kapitana Rita D. Abiad sa matagumpay na pag-organisa ng mga gawaing ito na nagtataguyod ng pagkakaisa, paglilingkod, at pagmamahal sa bayan.
Mabuhay ang Barangay Ocho! Mabuhay ang Kabataang Pilipino! Mabuhay ang Pilipinas! ๐ต๐ญ