27/05/2026
๐๐ข๐ค๐๐ฉ ๐ง๐ ๐๐๐๐๐ญ๐๐๐ง | ๐๐ฉ๐ข๐ฌ๐จ๐๐ ๐ ๐โค๏ธ๐
๐๐ฟ๐ถ๐ป๐ด ๐๐ต๐ฎ๐ ๐ฝ๐น๐ฎ๐ป ๐ผ๐๐ ๐ผ๐ณ ๐๐ต๐ฒ ๐๐ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐น๐ฒ๐'๐ ๐ ๐๐ผ ๐๐ถ๐ฎ'๐ ๐ฆ๐ป๐ฎ๐ฐ๐ธ๐ต๐๐ฏ!
Looking for the next tambayan spot na swak sa budget, may cozy vibes, at perfect sa iyong IG feed o TikTok dump o kaya naman ay fit for catch up sesh kasama ang mga tropa na matagal hindi nakabonding? Heto na ang bagong meryenda and tambayan spot na dapat mong i-check out: ang Giaโs Snack Hub!
โBinuksan nitong Marso 28, 2026, ang mala-cafe na aesthetic spot na ito ay hindi lang basta pwesto para sa iyong meryenda at coffee or soda fixโito ay isang space na binuo mula sa pangarap, diskarte, at nag-uumapaw na pagmamahal.
Kung itatanong ninyo kung saan galing ang pangalang "Gia," hindi ito basta naisip lang. Ipinangalan ang snack hub na ito sa pinakamalaking blessing na dumating sa buhay ng mag-asawang may-ariโang kanilang anak. Si Baby Gia ang nagsisilbing tunay na sunshine at inspirasyon sa likod ng bawat meryendang isinisilbi. Kaya naman tuwing papasok ka rito, mararamdaman mo ang init at gaan ng loob na hatid ng isang tahanan.
โSino ang mag-aakala na ang utak sa likod ng cozy hub na ito ay isang 21-taong-gulang na first-year college student? Yes, solid ang diskarte! Gamit ang sariling ipon at katuwang ang kanyang asawa sa pagpapatakbo, pinatunayan nila na hindi hadlang ang edad para maging boss. Sa pamamagitan ng swak na time management, nagagawa niyang pagsabayin ang pag-aaral at ang pag-aasikaso sa negosyo. Samahan po pa ng matibay na teamwork ng magpartner na owner, talagang sumakses sila. Talk about hustle culture!
Hindi naging madali ang magsimula. Mula sa pag-promote gamit ang kanilang page hanggang sa pagharap sa mga matumal na araw o hamong pinansyal, hindi sumuko ang power couple na ito. Sinalubong nila ang bawat hamon nang may sipag at tiyaga. Kaya naman ngayon, ang pinaka-memorable nilang tagumpay ay ang makitang pabalik-balik at laging masaya ang kanilang mga customer.
Hindi pa rito nagtatapos ang kwento. Target ng Giaโs Snack Hub na mas palawakin pa ang kanilang koneksyon online at offline para mas marami pa ang makatikim ng kanilang masasarap na meryenda at inumin.
โPara sa mga kabataang natatakot pang simulan ang kanilang mga pangarap, heto ang paalala mula sa may-ari ng Gia's Snack Hub: โ"Maging matiyaga at masipag lang para sa ating mga pangarap."
โKaya ano pang hinihintay mo? I-tag mo na ang buong barkada, i-send ang "G?" sa GC, at dumaan na sa Giaโs Snack Hub. Pawiin ang stress, humigop ng inumin at damhin ang cozy vibes kasama ang tropa!
page: https://www.facebook.com/share/18aWqxGpvr/?mibextid=wwXIfr
๐ฅ Kgg. Janray Vincent Alcantara, LPT | SK Chairperson
โ๏ธ Bb. Hannah Joy D. Isar | SK Journalist (Feature Writer)
๐ผ๏ธ Bb. Rayza Joy Izar | SK Journalist (Lay-out Artist)