10/10/2026
πππππππ ππ πππππππ: Umabot sa 852 kahon ng Crop Giant 15-15-30 Inorganic Water-Soluble Foliar Fertilizer ang ipinamahagi sa 596 rice farmers mula sa 16 na barangay sa Balayan noong ika-8 ng Oktubre.
Pinangunahan ni Mayor Lisa Ermita-Abad, kasama ang Municipal Agriculture Office, ang isinagawang pamamahagi ng fertilizer na mula sa Department of Agriculture β Regional Field Office CALABARZON (DA-RFO CALABARZON), bilang bahagi ng regular na provision sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).
Layunin ng karagdagang farm input na makatulong sa mga magsasaka sa pagpapalago ng kanilang pananim, pagpapataas ng produksyon, at pagpapahusay ng kanilang farm efficiency.
Pagtitiyak ng Alkalde, patuloy ang pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Balayan sa Department of Agriculture upang maibigay ang kinakailangang suporta at farm inputs upang mapalakas ang produksyon ng palay at matulungan na mapaunlad ang buhay at kabuhayan ng mga lokal na magsasaka.
#ππππ’π‘ππππππ¬ππ‘ β₯οΈπ«°π
π