03/06/2026
🌱👕 ANHS, may nakatambak bang damit sa aparador? Baka oras na para bigyan ito ng bagong misyon! 👕🌱
📢 Aurora National High School proudly presents: PROJECT R.E.A.D.Y.
(Reuse Existing Apparel, Donate for Youth)
Hindi lahat ng lumang damit ay dapat maging "pangbahay" o "panglinis." 😅 Minsan, ang hindi mo na ginagamit ay maaaring maging malaking tulong at bagong pag-asa para sa iba.
✨ Kaya ANHS students at dear parents, tara na at makiisa!
Mag-donate ng mga malinis, maayos, at magagamit pang damit, sapatos, bag, jackets, uniforms, at iba pa. Ang simpleng pagbahagi ninyo ay maaaring magbigay ng ngiti, kumpiyansa, at pag-asa sa mga kapwa nating mag-aaral at pamilyang nangangailangan.
♻️ Practice the 3Rs!
✅ Reduce what we don't need
✅ Reuse what still has value
✅ Recycle for a better tomorrow
💚 Sa Project R.E.A.D.Y., hindi lang tayo naglilinis ng aparador—nagbubukas din tayo ng oportunidad para makatulong.
📦 Donate clean. Donate usable. Donate with a heart.
🌟 Tandaan: "Ang lumang damit para sa iba ay maaaring bagong simula."
🤝 Sama-sama nating patunayan na ang pagiging handa ay hindi lang tungkol sa gamit, kundi pati sa malasakit at pagkakaisa.
💚👕✨