FTI-Baler

FTI-Baler Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from FTI-Baler, Government Organization, Brgy. Suklayin, Baler.

16/05/2026

PABATID SA PUBLIKO
Sa lahat po ng nakakuha ng number para bumili ng bigas sa FTI/NFA na naka-schedule para sa May 14 at 15:
Maaari na po kayong bumili sa Lunes, May 18, 2026, kasabay ng mga naka-schedule para sa May 18.

Agahan po ninyo ang pagpunta. Magbubukas po kami ng 6:00 AM.

Maraming salamat po.

Government organisation

13/05/2026

Magandang araw po.

Kami po ay humihingi ng paumanhin dahil pansamantala muna kaming hindi makakapagbenta ng bigas sapagkat wala pa pong inilalabas na ATW (Authority to Withdraw). Sa ngayon po ay hinihintay pa namin ang opisyal na pahintulot bago muling maipagpatuloy ang pagbebenta.

At sa mga nabigyan po ng stub ng May 14&15 makakaasa po kayo na agad naming ipapaalam kung kailan muling magsisimula ang bentahan.

Umaasa po kami sa inyong pang-unawa at pasensya habang inaayos ang nasabing proseso. Maraming salamat po..

Lubos na gumagalang,
FTI -Baler

11/05/2026

𝗣𝗔𝗨𝗡𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢📢📢

Para sa lahat ng benepisyaryo ng Benteng Bigas :
Para sa mga taga Maria Aurora at Dipaculao na naka takda at nabigyan ng numero para sa May 19, 2026
Ito po ay ililipat natin sa May 22, 2026 upang mabigyan daan ang semi-annual. inventory ng NFA.

Para sa mga katanungan:
FTI-NFA Baler Aurora Site: 09910879788/
09602002659

11/05/2026

𝗣𝗔𝗨𝗡𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢📢📢

Para sa lahat ng benepisyaryo ng Benteng Bigas:
Pansamantalang ititigil ang pamamahagi ng mga numero/𝗻𝘂𝗺𝗯𝗲𝗿 para sa pagpaparehistro at pagbili ng NFA rice sa bayan ng Baler, San Luis, Maria, at Dipaculao simula 𝗠𝗮𝘆𝗼 𝟭2, 𝟮𝟬𝟮𝟲 dahil napuno na ang slots sa buong buwan ng mayo.

Para sa mga katanungan:
FTI-NFA Baler, Aurora Site: 09910879788/09602002659

23/03/2026

PABATID

Ipinapaalam po namin na walang pila ng bigas bukas para sa mga bayan ng Maria Aurora at Dipaculao.

Mayroon po tayong sapat na supply, ngunit hinihintay pa lamang namin ang FTI Authority upang makapag-isyu ng bigas ang NFA.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.

Address

Brgy. Suklayin
Baler
3200

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when FTI-Baler posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share