03/09/2026
๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ก: ๐๐๐๐๐ญ๐๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ซ๐จ๐ง๐ข๐๐ง, i๐ฉ๐ข๐ง๐๐ฆ๐๐ฅ๐๐ฌ ๐๐ง๐ t๐๐ฅ๐๐ง๐ญ๐จ ๐๐ญ k๐๐๐ฅ๐๐ฆ๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐๐ ๐๐ซ๐จ๐ฏ๐ข๐ง๐๐ข๐๐ฅ ๐๐๐๐ ๐๐จ๐ฆ๐ฉ๐๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ
Bilang bahagi ng pagsusulong ng disaster preparedness at resilience sa lalawigan, matagumpay na isinagawa noong Setyembre 2, 2026 sa SEJA Convention Center, Baler, Aurora ang 2026 Provincial Level DRRM Poster/Seal Making, Essay Writing, at Quiz Bee Contests para sa mga mag-aaral mula Elementary, Junior High School, Senior High School, at Tertiary/College School categories.
Layunin ng mga patimpalak na malinang ang kaalaman, pagkamalikhain, at kahandaan ng kabataan sa disaster risk reduction and management (DRRM), gayundin ang kanilang mahalagang papel sa pagbuo ng ligtas, handa, at matatag na pamayanan.
Pinangunahan ang aktibidad ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) katuwang ang Department of Education โ Schools Division of Aurora (DepEd Aurora) at mga Municipal DRRM Offices.
Sa pagbubukas ng programa, nagbigay ng mga mensahe sina PDRRMO Engr. Amado Elson A. Egarque, DepEd SDS Dante G. Parungao, CESO V, at Governor Hon. Isidro P. Galban.
Binigyang-diin ni Governor Galban na bagaman madalas tamaan ng bagyo ang Aurora dahil sa geographical location nito, patuloy na pinatutunayan ng lalawigan ang katatagan nang may sigla at kahandaan.
โHindi natin mapipigilan ang bawat bagyo. Hindi natin mapipigilan ang bawat lindol, baha o unos,โ pahayag ni Galban. โNgunit kaya nating maghanda. Kaya nating magtulungan. At kaya nating bumangon ng mas matatag sa bawat pagsubok.โ
Ibinahagi rin ng gobernador na patuloy na pinapalakas ng pamahalaang panlalawigan ang pakikipagtulungan sa pamahalaang pambansa at iba't ibang ahensya tulad ng DepEd, DILG, DSWD, Office of Civil Defense, at iba pang institusyon. Gayunpaman, iginiit niya na ang resilience ay hindi lamang nakasalalay sa mga opisyal ng gobyerno at disaster responders kundi dapat magsimula sa mga kabataan.
Ayon sa kanya, ang mga likha at kaalaman mula sa mga kompetisyon tulad nito ay maaaring magkaroon ng mas malaking epekto sa lipunan.
โA poster that you draw may become a message that saves a life,โ aniya, at ang mga sanaysay na kanilang isusulat ay maaaring magbago sa pananaw ng komunidad ukol sa kaligtasan, habang ang mga kaalamang natutunan sa paligsahan ay maaaring gumabay sa iba sa oras ng sakuna.
Kasunod ng mga mensahe, sinimulan ang tatlong pangunahing patimpalakโPoster/Seal Making, Essay Writing, at Quiz Beeโna nagbigay-daan upang maipamalas ng mga kalahok ang kanilang husay sa sining, pagsulat, at kaalaman tungkol sa DRRM.
Wagi ang San Luis sa Quiz Bee Elementary level, Dipaculao sa Junior High School, Baler sa Senior High School, at Mount Carmel College of Casiguran, Inc. sa Tertiary/College level. Sa ikalawang pwesto, nagwagi ang Dingalan sa Elementary level, San Luis sa Junior High School, Dingalan sa Senior High School, at Aurora State College of Technology (ASCOT) sa Tertiary/College level. Sa ikatlong pwesto naman ay Baler sa Elementary level, Casiguran sa Junior High School, Dilasag sa Senior High School, at Wesleyan University-Philippines-Aurora sa Tertiary/College level.
Sa Essay Writing, nakuha ng San Luis ang unang pwesto sa Elementary level, Dilasag sa Junior High School, Dingalan sa Senior High School, at University of the Philippines-Manila School of Health Sciences, Extension Campus-Baler naman sa Tertiary/College level. Sa ikalawang pwesto ay Dipaculao sa Elementary level, Maria Aurora sa Junior High School, San Luis sa Senior High School, at Aurora State College of Technology (ASCOT) sa Tertiary/College level. Sa ikatlong pwesto naman ay Maria Aurora sa Elementary level, Dipaculao sa Junior High School, Casiguran sa Senior High School, at Mt. Carmel College of Casiguran sa Tertiary/College level.
Samantala, sa Poster/Seal Making, tinanghal na kampeon ang Dipaculao sa Elementary level, Baler sa Junior High School, San Luis sa Senior High School, at Aurora State College of Technology (ASCOT) sa Tertiary/College level. Sa ikalawang pwesto ay Baler sa Elementary level, Dipaculao sa Junior High School, Dipaculao sa Senior High School, at Wesleyan University-Philippines-Aurora sa Tertiary/College level. Sa ikatlong pwesto naman ay Maria Aurora sa Elementary level, Dingalan sa Junior High School, Maria Aurora sa Senior High School, at Mount Carmel College Inc. Baler sa Tertiary/College level.
Sa pagtatapos ng aktibidad, hinikayat ang kabataan na patuloy na makilahok sa mga programang nagtataguyod ng disaster preparedness, risk reduction, at community resilience.
Sa bawat kaalaman, talento, at hakbang tungo sa kahandaanโang kabataang Auroran ay tunay na katuwang sa pagbuo ng mas ligtas at matatag na Aurora.