04/09/2026
โ๐๐ท๐ฆ๐ณ๐บ ๐ญ๐ฆ๐ข๐ณ๐ฏ๐ฆ๐ณ ๐ธ๐ฉ๐ฐ ๐ค๐ฐ๐ฎ๐ฑ๐ญ๐ฆ๐ต๐ฆ๐ด ๐ข ๐ค๐ฐ๐ญ๐ญ๐ฆ๐จ๐ฆ ๐ฅ๐ฆ๐จ๐ณ๐ฆ๐ฆ ๐ฐ๐ณ ๐๐๐๐ ๐ฑ๐ณ๐ฐ๐จ๐ณ๐ข๐ฎ ๐ฃ๐ณ๐ช๐ฏ๐จ๐ด ๐จ๐ณ๐ฆ๐ข๐ต๐ฆ๐ณ ๐ฐ๐ฑ๐ฑ๐ฐ๐ณ๐ต๐ถ๐ฏ๐ช๐ต๐บ ๐ต๐ฐ ๐ข ๐ง๐ข๐ฎ๐ช๐ญ๐บ ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐ด๐ต๐ณ๐ฆ๐ฏ๐จ๐ต๐ฉ๐ฆ๐ฏ๐ด ๐ฐ๐ถ๐ณ ๐ฏ๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ ๐ธ๐ช๐ต๐ฉ ๐ข ๐ข๐ค๐ง๐ ๐จ๐ ๐๐ก๐ก๐๐, ๐ฅ๐ง๐ค๐๐ช๐๐ฉ๐๐ซ๐, ๐๐ฃ๐ ๐๐ข๐ฅ๐ค๐ฌ๐๐ง๐๐ ๐๐๐ฉ๐๐ฏ๐๐ฃ๐ง๐ฎ.โ
Mas maraming mahihirap at karapat-dapat na kabataang Pilipino, kabilang ang mga kuwalipikadong benepisyaryo ng 4Ps, ang magkakaroon ng pagkakataong makakuha ng degree, diploma, o skills qualification sa ilalim ng mga amyenda sa Republic Act No. 10931, o ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act.
Sa paglagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw sa mga amyenda sa UAQTEA, muling pinagtibay ang adhikain ng pamahalaan na palawakin ang akses sa dekalidad na tertiary education. Kabilang sa mahahalagang pagbabago ang pagbibigay-prayoridad sa mga mahihirap na kabataang Pilipino sa pamamagitan ng Tertiary Education Subsidy (TES); paglalaan ng karagdagang suporta para sa internship at iba pang kinakailangang learning experiences; at pagtatatag ng Private Education Assistance Program para sa mga mahihirap at karapat-dapat na mag-aaral na naka-enroll sa mga priority program ng CHED, TESDA, at DEPDev ngunit hindi saklaw ng umiiral na mga grant.
Mula sa 2.04 milyong benepisyaryo ng Free Higher Education noong 2022, umabot na sa 2.62 milyon ang bilang ng mga natutulungan sa unang semestre ng Academic Year 2025โ2026, at inaasahang mas marami pang kabataang Pilipino ang mabibigyan ng pagkakataong makapasok, magpatuloy, at makapagtapos ng tertiary education sa ilalim ng pinalawak na programa.
๐ท PCO