27/11/2024
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐!
๐โ โโ๐๐๐๐|| ๐ฃ๐๐ก๐๐ฅ๐๐ก๐๐๐๐๐ก ๐๐ก๐ ๐๐ฅ๐๐ฌ. ๐ ๐๐ฅ๐๐๐๐ง ๐๐๐๐๐ก๐ ๐ฎ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐ฅ ๐ฆ๐ ๐๐๐ช๐๐ ๐ฃ๐จ๐ก๐ข๐ก๐ ๐๐๐๐๐ช๐๐๐๐ก ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐ฃ๐๐๐๐๐๐ฅ๐๐ก, ๐ฃ๐ฅ๐ข๐ฉ๐๐ก๐๐๐๐ ๐ฆ๐๐๐ฅ๐๐ ๐๐ข๐ฅ ๐ง๐๐ ๐๐๐๐๐ก๐๐ฆ๐ง ๐๐ก๐ ๐๐ฅ๐๐๐ก๐๐ฆ๐ง ๐๐๐ฅ๐๐ก๐๐๐ฌ (๐ฅ๐จ๐ฅ๐๐ ๐๐๐ง๐๐๐ข๐ฅ๐ฌ) ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฐ, ๐๐๐๐๐ฃ๐ข๐ก ๐ก๐ข๐ฉ๐๐ ๐๐๐ฅ ๐ฎ๐ณ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฐ.
BLGU Marikit, Pinarangalan bilang 2nd Placer sa Gawad Punong Lalawigan 2024!
Barangay Marikit, muling nagningning sa prestihiyosong patimpalak bilang isa sa pinakamalinis at pinakamagandang barangay sa probinsya sa ilalim ng Rural Category!
Ang tagumpay na ito ay hindi lamang tagumpay ng BLGU Marikit, kundi tagumpay ng buong barangay. Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mamamayan na aktibong nakiisa sa mga programa at proyekto para sa kalinisan, kaayusan, at pangangalaga sa kalikasan. Ang inyong malasakit at kooperasyon, mula sa simpleng pagtulong sa mga clean-up drive, pagtatanim ng puno, hanggang sa wastong pagtatapon ng basura, ay naging malaking ambag upang makamit natin ang karangalang ito. Lubos din kaming nagpapasalamat sa MENRO Casiguran Aurora sa kanilang pagtitiwala sa aming Barangay sa ganitong prestihiyosong patimpalak, maraming maraming salamat po sa inyong hindi matatawarang pagsuporta sa amin!๐ซก
Ang Gawad Punong Lalawigan ay isang patimpalak na naglalayong kilalanin ang mga barangay na nagtataguyod ng mga makakalikasan at makabayaning gawain. Kayaโt ang pagkapanalo natin bilang 2nd placer ay patunay na ang ating barangay ay modelo ng disiplina, pagkakaisa, at pagmamahal sa kalikasan.
Patuloy nating itaguyod ang ganitong uri ng adbokasiya, hindi lamang para sa karangalan, kundi para sa kapakanan ng mga susunod na henerasyon. Sama-sama tayong kumilos para sa mas maayos, mas malinis, at mas luntiang Barangay Marikit! Mabuhay ang ating barangay!