01/06/2026
๐๐ซ๐ข๐ ๐๐๐ ๐๐ฌ๐ค๐ฐ๐๐ฅ๐ ๐๐๐๐ ๐๐ข๐๐ค-๐๐๐ ๐๐๐ซ๐๐ฆ๐จ๐ง๐ฒ, ๐๐๐ญ๐๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐๐ฒ ๐ง๐ ๐๐ง๐ข๐ฅ๐ฎ๐ง๐ฌ๐๐ ๐ฌ๐ ๐๐ฎ๐ง๐ ๐ฌ๐จ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐ฐ๐๐
Matagumpay na inilunsad ngayong araw ng DepEd City of Baliwag ang ๐๐ซ๐ข๐ ๐๐๐ ๐๐ฌ๐ค๐ฐ๐๐ฅ๐ ๐๐๐๐ ๐๐ข๐๐ค-๐๐๐ ๐๐๐ซ๐๐ฆ๐จ๐ง๐ฒbilang hudyat ng pagsisimula ng taunang bayanihan para sa paghahanda ng mga paaralan sa nalalapit na pagbubukas ng klase.
Nagsimula ang programa sa Brigada Walk (Alay Lakad para sa mga Paaralan) mula sa Tilapayong Elementary School hanggang Dr. Guillermo Dela Merced Memorial School, kung saan nakiisa ang mga kawani ng DepEd, mga g**o, magulang, mag-aaral, mga stakeholder, at mga kinatawan mula sa iba't ibang sektor ng komunidad.
Nagbigay ng higit na sigla sa programa ang pagdalo at pakikiisa ni Mayor Mommy Sonia Viceo-Estrella, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Baliwag, bilang pagpapakita ng kanilang matibay na suporta sa mga programang pang-edukasyon ng DepEd. Sa kanilang pakikilahok, muling pinagtibay ng lokal na pamahalaan ang pangako nitong makatuwang ang mga paaralan sa pagtataguyod ng dekalidad na edukasyon para sa bawat mag-aaral.
Tampok din sa programa ang pagpapahayag ng suporta mula sa mga partner stakeholders na patuloy na nakikiisa sa mga adhikain ng DepEd para sa pagpapaunlad ng edukasyon sa lungsod. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, mas napagtitibay ang adhikaing makapaghatid ng dekalidad, inklusibo, at makabuluhang edukasyon para sa lahat.