DAR Bulacan

DAR Bulacan The Official page of the Department of Agrarian Reform Bulacan Provincial Office.

28/05/2026

Sa paggunita ng Philippine National Flag Day, muling pinagtitibay ng DAR ang pagmamahal sa bayan at pagkakaisa bilang mga Pilipino.

Ginugunita ang araw na ito bilang pag-alala sa unang pagwagayway ng watawat ng Pilipinas matapos ang tagumpay sa Labanan sa Alapan noong 1898. Bahagi ito ng โ€œNational Flag Daysโ€ mula Mayo 28 hanggang Hunyo 12, kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.

Nawaโ€™y magsilbing simbolo ang ating pambansang watawat ng katatagan, sakripisyo, at kabayanihang Pilipino tungo sa mas maunlad at makatarungang lipunan para sa lahat.



Follow us: https://twitter.com/dargovph http://instagram.com/dargovph https://www.tiktok.com/ https://www.youtube.com/c/dargovph1

๐—ฃ๐—”๐—š๐—Ÿ๐—”๐—ฌ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—”๐—ก๐—œ๐—ก๐—š ๐—จ๐—ง๐—”๐—ก๐—š: ๐—•๐—”๐—š๐—ข๐—ก๐—š ๐—จ๐— ๐—”๐—š๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐— ๐—”๐—š๐—ฆ๐—”๐—ฆ๐—”๐—ž๐—” ๐—ก๐—š ๐—•๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—–๐—”๐—ก๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐— ๐—ถ๐—ด๐˜‚๐—ฒ๐—น, ๐—•๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ฐ๐—ฎ๐—ปโ€”Sa bawat lupang matagal na b...
14/05/2026

๐—ฃ๐—”๐—š๐—Ÿ๐—”๐—ฌ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—”๐—ก๐—œ๐—ก๐—š ๐—จ๐—ง๐—”๐—ก๐—š: ๐—•๐—”๐—š๐—ข๐—ก๐—š ๐—จ๐— ๐—”๐—š๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐— ๐—”๐—š๐—ฆ๐—”๐—ฆ๐—”๐—ž๐—” ๐—ก๐—š ๐—•๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—–๐—”๐—ก

๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐— ๐—ถ๐—ด๐˜‚๐—ฒ๐—น, ๐—•๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ฐ๐—ฎ๐—ปโ€”Sa bawat lupang matagal na binungkal ng pawis at pag-asa, may kwento ng sakripisyo ang bawat magsasakaโ€”mga panahong ang pangarap na tuluyang maangkin ang lupang sinasaka ay tila nananatiling malayo dahil sa pasaning utang. Ngunit ngayong ika-14 ng Mayo 2026, isang bagong yugto ng kalayaan at pag-asa ang opisyal na binuksan para sa walumpung (80) Agrarian Reform Beneficiaries ng Bulacan.

Sa isang makabuluhang seremonya sa Brgy. Sibul, San Miguel, Bulacan, ipinamahagi ng Department of Agrarian Reform (DAR) Bulacan ang ๐—–๐—ฒ๐—ฟ๐˜๐—ถ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ฒ๐˜€ ๐—ผ๐—ณ ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต ๐—ฅ๐—ฒ๐—น๐—ฒ๐—ฎ๐˜€๐—ฒ ๐—ผ๐—ณ ๐— ๐—ผ๐—ฟ๐˜๐—ด๐—ฎ๐—ด๐—ฒ (๐—–๐—ข๐—–๐—ฅ๐—ข๐— )โ€”mga dokumentong hindi lamang sumisimbolo sa pagbura ng utang, kundi nagsisilbing susi tungo sa tunay na pagmamay-ari ng lupa at mas matiwasay na kinabukasan para sa mga magsasaka.

Sa ilalim ng pamumuno ni ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—ฃ๐—ข ๐—œ๐—œ ๐—”๐—ป๐˜๐—ผ๐—ป๐—ถ๐—ผ ๐—•. ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ต๐—ฒ๐˜‡, matagumpay na naipagkaloob ang kabuuang ๐˜„๐—ฎ๐—น๐˜‚๐—บ๐—ฝ๐˜‚โ€™๐˜ ๐—ฝ๐—ถ๐˜๐—ผ๐—ป๐—ด (๐Ÿด๐Ÿณ) ๐—–๐—ข๐—–๐—ฅ๐—ข๐—  ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ธ๐—น๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐Ÿฎ๐Ÿฐ๐Ÿฑ.๐Ÿฒ๐Ÿฌ๐Ÿญ๐Ÿต ๐—ฒ๐—ธ๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜†๐—ฎ ng lupang agrikultural. Higit pa rito, โ‚ฑ๐Ÿฎ๐Ÿด,๐Ÿฑ๐Ÿต๐Ÿฎ,๐Ÿด๐Ÿณ๐Ÿฒ.๐Ÿณ๐Ÿฐ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐˜‚๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ-๐—ฐ๐—ผ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ป๐—ฒ ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—บ ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ฎโ€”isang napakalaking ginhawa para sa mga benepisyaryong matagal ding nagdala ng obligasyong pinansyal habang patuloy na nagsisikap na buhayin ang kanilang mga pamilya.

Kabilang sa mga nakinabang ay ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—บ๐—ป๐—ฎ๐—ฝ๐˜‚โ€™๐˜ ๐˜๐—ฎ๐˜๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด (๐Ÿฒ๐Ÿฏ) ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—น๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐—บ๐—ฝ๐—ถ๐˜๐—ผ๐—ป๐—ด (๐Ÿญ๐Ÿณ) ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ถ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐—ฏ๐—ฎโ€™๐˜ ๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—•๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ฐ๐—ฎ๐—ป. Pinakamarami sa mga tumanggap ay mula sa bayan ng San Miguel, na may 63 COCROM para sa 56 ARBs. Sinundan ito ng San Jose Del Monte na may 14 na benepisyaryo, habang nakatanggap din ang mga magsasaka mula sa San Ildefonso, Doรฑa Remedios Trinidad (DRT), Balagtas, at Calumpit.

Para sa maraming ARBs, ang pagtanggap ng COCROM ay higit pa sa simpleng documento. Isa itong pagkilala sa kanilang mahabang pakikibakaโ€”mga panahong ang kanilang kabuhayan ay nakaangkla sa lupang kanilang inaararo ngunit hindi pa ganap na maituturing na kanila. Ngayon, sa ilalim ng ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฝ๐˜‚๐—ฏ๐—น๐—ถ๐—ฐ ๐—”๐—ฐ๐˜ ๐Ÿญ๐Ÿญ๐Ÿต๐Ÿฑ๐Ÿฏ ๐—ผ ๐—ก๐—ฒ๐˜„ ๐—”๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ๐—ป ๐—˜๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—”๐—ฐ๐˜, mas napalakas ang pangako ng pamahalaan na tuluyang palayain ang mga benepisyaryo mula sa pagkakautang at tiyaking ang lupang kanilang pinagyayaman ay magiging ganap nilang pag-aari, may โ€œzero balanceโ€ at may kasamang dignidad at seguridad.

โ€œHindi na po namin poproblemahin yung pagkakautang kasi puhunan nalang ang kailangan naming igayak para makapagsaka nang maayos, mas lumuwag na ang aming pangkabuhayan. Maraming maraming salamat po,โ€ ani Rolando Francisco, isang magsasaka na nakatanggap ng COCROM.

Hinikayat naman ni ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—ฃ๐—ข ๐—œ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ ๐—Ÿ๐—ผ๐˜‚๐—ถ๐—ฒ ๐—ฃ. ๐—–๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ฐ ang mga benepisyaryo na umanib sa mga ๐—”๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ๐—ป ๐—ฅ๐—ฒ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ๐—บ ๐—•๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐˜€ ๐—ข๐—ฟ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐˜‡๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป (๐—”๐—ฅ๐—•๐—ข) bilang pagdidiin na hindi lamang sa pamamahagi ng COCROM natatapos ang pagtulong ng DAR. โ€œMayroon pa kaming mga support services na maitutulong sa inyo, kagaya ng pagbibigay ng mga farm machineries at tulong pinansyal sa mga ARBs,โ€ aniya.

Dinaluhan din ang nasabing programa ng mga opisyal ng DAR Bulacan kabilang sina CARPO Isabel S. Azurin, CARPO Artemio S. Tomacruz Jr., PCAO Ma. Theresa R. Rodriguez, MARPO Rodel V. Eguia, SARPT Maria Antonette C. Flores, ARPO I Eunice Ara Fatima Dela Cruz, ARPT Nikko Louis A. Gandeza, ARPT Daniel M. Pasubillo, at PARCCOM Presiding Chair Noel D. Miranda.

Sa pagtatapos ng programa, hindi lamang mga dokumento ang tangan ng mga benepisyaryo kundi panibagong pag-asaโ€”pag-asang ang mga susunod na ani ay hindi na nakatali sa utang, kundi bunga na ng tunay na kalayaan at pag-unlad.

๐—ฆ๐—ฎ ๐—•๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ฐ๐—ฎ๐—ป, ๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ถ ๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ-๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ, ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ!

Address

Bagong Nayon
Baliuag
3006

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DAR Bulacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DAR Bulacan:

Share