Museo ng Baliwag

Museo ng Baliwag The Museo ng Baliwag is an official page of the Baliwag City Arts, Culture, and Tourism Office of the City Government of Baliwag. History Museum

Ngayong araw, Mayo 23, 2026, ay ating ginugunita ang ika-108 taong kamamatayan ng isa sa mga bayaning Baliwagenyo na si ...
23/05/2026

Ngayong araw, Mayo 23, 2026, ay ating ginugunita ang ika-108 taong kamamatayan ng isa sa mga bayaning Baliwagenyo na si Mariano Ponce Y Collantes.

----

Mariano Ponce

(March 22, 1863 - May 23, 1918)

Si Mariano Ponce ay isa sa mga pinakatanyag at iginagalang na bayani na nagmula sa Baliwag, Bulacan. Ipinanganak noong Marso 23, 1863, siya ay hindi lamang isang mag-aaral ng medisina kundi isang mahusay na mananalaysay, manunulat, at isa sa mga pangunahing haligi ng Kilusang Propaganda. Matapos ang kanyang panimulang pag-aaral sa Pilipinas, nagtungo siya sa Espanya, ngunit ang kanyang atensyon ay nahatak mula sa medisina patungo sa pag-ibig sa tinubuang lupa. Kasama sina Dr. Jose Rizal at Marcelo H. del Pilar, bumuo sila ng isang matibay na samahan na naglayong ipaglaban ang pantay na karapatan ng mga Pilipino at ilantad ang mga pang-aabuso ng mga prayle at ng pamahalaang Kastila sa Pilipinas.

Ang buhay at mga panulat ni Mariano Ponce ay malinaw na patunay na ang kalayaan ay hindi lamang ipinaglalaban sa pamamagitan ng pag-aaklas at sandata, kundi pati na rin sa talas ng isipan at galing sa pluma. Ang kanyang mga naiambag bilang isang repormista, mananalaysay, diplomatiko, at tagapagtaguyod ng kulturang Pilipino ay nananatiling buhay hanggang sa kasalukuyan. Ang kanyang dedikasyon sa pagsasaliksik at pangangalaga ng ating kasaysayan at mga kwentong-bayan ay nagsisilbing matibay na pundasyon ng panitikang Pilipino at isang walang-hanggang inspirasyon para sa mga taga-Baliwag at sa buong bansa.

Ngayong darating na Mayo 26, 2026 ay ating gugunitain ang ika-156 guning taon ng kapanganakan ng isa sa mga Bayaning Bal...
21/05/2026

Ngayong darating na Mayo 26, 2026 ay ating gugunitain ang ika-156 guning taon ng kapanganakan ng isa sa mga Bayaning Baliwagenyo na si Felipe “Apo Ipe” Salvador na kinikilala ang kabayanihan hindi lamang sa ating lungsod ngunit pati na rin sa gitnang Luzon dahil sa kanyang pakikibaka upang makamtan ang ating Kalayaan mula sa mga mananakop.
---
Si Felipe Salvador, na kilala rin bilang Apo Ipe o Ápûng Ipê, ay isang kilalang rebolusyonaryo at lider ng kilusang milenaryo sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano. Ipinanganak siya noong 26 Mayo 1870 sa Baliwag, Bulacan. Maaga pa lamang ay nagpapakita na siya ng pagkadismaya sa kolonyal na pamahalaan, maging sa mga awtoridad gaya ng Guardia Civil at kura paroko.
Noong 1896, sumapi siya sa Katipunan nang dumating sa Baliwag ang mga Katipunero mula Balintawak. Lumaban siya sa mga labanan sa San Luis, Pampanga, kung saan siya nasugatan. Dahil sa kanyang kagitingan, itinalaga siya ni Heneral Emilio Aguinaldo bilang koronel noong 1899. Nang sumuko si Aguinaldo sa mga Amerikano noong 1901, nagtungo si Salvador sa kabundukan at nagsimulang magsagawa ng sariling mga gerilyang operasyon.

Noong 1900, itinatag niya ang Santa Iglesia o Banal na Simbahan, isang samahang pangrelihiyon na kumontra sa pamahalaang kolonyal. Ginamit niya ang mga simbolo at istruktura ng Simbahang Katoliko ngunit may paniniwalang laban sa mga Kastila at Katoliko. Nangako rin siya ng pamamahagi ng lupa sa mga dukha kapag nagtagumpay ang kanilang kilusan, dahilan upang makuha niya ang tiwala at suporta ng mga magsasaka sa Bulacan, Pampanga, Tarlac, Pangasinan, at Nueva Ecija. Ginamit niya ang Bundok Arayat bilang kanyang himpilan, at pinamunuan ng kanyang heneral na si Manuel Garcia o Capt. Tui ang mga pag-atake sa mga puwestong militar.

Nahuli siya noong 1902 ngunit nakatakas sa kulungan at nagpatuloy sa kanyang kilusan. Patuloy siyang sinusuportahan ng masa kaya’t nahirapan ang pamahalaang Amerikano na hulihin siya. Subalit oong Hulyo 24, 1910, nadakip si Salvador sa isang liblib na barrio sa San Luis, Pampanga. Hinatulan siya ng kamatayan at binitay noong Abril 15, 1912 sa Maynila.

Disasters and emergencies can damage not only buildings and collections, but also the stories, records, and memories tha...
20/05/2026

Disasters and emergencies can damage not only buildings and collections, but also the stories, records, and memories that define our communities.

In celebration of National Heritage Month, the National Commission for Culture and the Arts – National Committee on Archives, together with the City Government of Baliwag through the Baliwag City Arts, Culture, and Tourism Office and the Baliwag City Library, will conduct the "Training and Workshop on Disaster Preparedness, Response, and Recovery in Libraries, Museums, and Archives" on May 28–30, 2026 at the Baliwag Star Arena, Barangay Pagala, Baliwag City, Bulacan.

The three-day event will bring together librarians, archivists, museum workers, cultural workers, and heritage advocates for lectures, demonstrations, and hands-on workshops on the preservation, conservation, and recovery of archival and documentary materials. Participants will also learn practical techniques in disaster management, book repair, cleaning, deacidification, lining, and encapsulation of archival materials.

For interested individuals, you may register through this link:
https://forms.gle/B4R3yuChmnyMFK61A


“Laro at Likha” is a free art workshop program of the Museo ng Baliwag that encourages children and young creatives to e...
18/05/2026

“Laro at Likha” is a free art workshop program of the Museo ng Baliwag that encourages children and young creatives to express themselves through art, creativity, and imagination.

In celebration of International Museum Day 2026 and its theme “Museums Uniting a Divided World,” the program highlights art as a universal language that brings people together despite differences in social status, beliefs, and experiences. By expressing their thoughts and emotions through creative activities, children can connect with one another, understand one another, and build friendships and appreciation for culture and community.

Through programs like “Laro at Likha,” Museo ng Baliwag continues to serve as a welcoming space for learning, inclusion, dialogue, and unity.

𝗣𝗔𝗚𝗞𝗜𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗬𝗔𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗟𝗜𝗪𝗔𝗚 | 𝗔𝗥𝗧 𝟮 𝗔𝗥𝗧 - 𝗣𝗔𝗡𝗢𝗢𝗥𝗜𝗡Tunghayan ang Baliwag Arts and Culture Council sa Art 2 A...
18/05/2026

𝗣𝗔𝗚𝗞𝗜𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗬𝗔𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗟𝗜𝗪𝗔𝗚 | 𝗔𝗥𝗧 𝟮 𝗔𝗥𝗧 - 𝗣𝗔𝗡𝗢𝗢𝗥𝗜𝗡

Tunghayan ang Baliwag Arts and Culture Council sa Art 2 Art with Lisa Macuja Elizalde, kasama sina Director Baby Ruth Villarama, Ms. Jesusa Garcia Villanueva, at Ms. Janine Vergel, tampok ang sining at kultura ng Baliwag.

Panoorin ang buong feature at alamin ang yaman ng ating lungsod.

Hanapin ang link sa comment section.




Abangan ang Baliwag Arts and Culture Council sa pangunguna ng Pangulo nito na si Direk Baby Ruth Villarama sa Art 2 Art ...
16/05/2026

Abangan ang Baliwag Arts and Culture Council sa pangunguna ng Pangulo nito na si Direk Baby Ruth Villarama sa Art 2 Art Talk ni Ms. Lisa Macuja Elizalde : Ballerina sa pagpapakilala sa Baliwag at sa Buntal Festival na kasabay ng pagdiriwang ng pagkakatatag ng Baliwag bilang bayan noong Mayo 6, 1733.

Ang pagpapatala para sa Voice Coaching, Drawing, at Painting Workshops ay sarado na dahil puno na ang mga nakalaang slot...
16/05/2026

Ang pagpapatala para sa Voice Coaching, Drawing, at Painting Workshops ay sarado na dahil puno na ang mga nakalaang slots. Maaari pang magpatala sa Theater Acting Workshop rito: https://forms.gle/bNKsqDryTF98btWaA

Ang mga natanggap na kalahok para sa Voice Coaching at Drawing Workshops na magsisimula sa Lunes ay nakatanggap na ng SMS o text message mula sa aming tanggapan na naglalaman ng detalye ng workshop at ilang mahahalagang paalala. Tanging mga nakatanggap lamang ng mensahe ang opisyal na kalahok sa workshops.

Para naman sa Painting at Theater Acting Workshops, magpapadala pa lamang kami ng mensahe sa Lunes.

Kita-kita sa darating na linggo para sa isang masaya, makulay, at malikhaing pagsasanay para sa mga bata!

IN PHOTOSNoong May 12, 2026 ay pinaunlakan ng aming tanggapan ang panayam ng mga mag-aaral mula sa National University B...
16/05/2026

IN PHOTOS
Noong May 12, 2026 ay pinaunlakan ng aming tanggapan ang panayam ng mga mag-aaral mula sa National University Baliwag para sa kanilang pananaliksik sa pamana na paglalala ng sumablilong buntal (buntal hat) at kung paano ito maituturo sa kolehiyo bilang bahagi ng cultural education program ng Pamahalaang Lungsod.

Ang City Arts, Culture, and Tourism Office ay patuloy na sumusuporta sa mga adhikaing pangkasaysayan sa ating Lungsod at pagpapaintig ng pagsisig**o na ang ating pamana ay maituturo sa bagong henerasyon.

𝐌𝐆𝐀 𝐁𝐀𝐋𝐈𝐖𝐀𝐆𝐄𝐍𝐘𝐎, 𝐍𝐀𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐇𝐀𝐆𝐈 𝐍𝐆 𝟏𝟑𝐓𝐇 𝐏𝐔𝐋𝐈𝐋𝐀𝐍 𝐌𝐀𝐍𝐃𝐀𝐋𝐀 𝐈𝐍𝐓𝐄𝐑𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐀𝐑𝐓 𝐅𝐄𝐒𝐓𝐈𝐕𝐀𝐋Pagbati sa mga Baliwagenyo na nakilahok...
15/05/2026

𝐌𝐆𝐀 𝐁𝐀𝐋𝐈𝐖𝐀𝐆𝐄𝐍𝐘𝐎, 𝐍𝐀𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐇𝐀𝐆𝐈 𝐍𝐆 𝟏𝟑𝐓𝐇 𝐏𝐔𝐋𝐈𝐋𝐀𝐍 𝐌𝐀𝐍𝐃𝐀𝐋𝐀 𝐈𝐍𝐓𝐄𝐑𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐀𝐑𝐓 𝐅𝐄𝐒𝐓𝐈𝐕𝐀𝐋

Pagbati sa mga Baliwagenyo na nakilahok at nagpamalas ng kaalaman, galing, at talento sa katatapos na 13th Pulilan Mandala International Art Festival noong Mayo 8 hanggang Mayo 10 ng kasalukuyang taon. Ang mga ambag na ito ay nagsisilbing representasyon ng mayamang pamana, malikhaing diwa, at kulturang patuloy na isinusulong ng komunidad ng Baliwagenyo sa pamamagitan ng sining at kolaborasyon hindi lamang sa ating lungsod kundi pati sa ibang lugar.
Ang mga Baliwagenyo na naging bahagi ng Festival ay ang mga sumusunod:

𝐄𝐚𝐫𝐭𝐡, 𝐀𝐫𝐭, 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐄𝐱𝐡𝐢𝐛𝐢𝐭𝐢𝐨𝐧
– Anim sa 120 na visual artists na naimbitahan para mapabilang sa eksibisyon na “Earth, Art, Action” ay nagmula sa Baliwag. Sila ay sina Kyle Biscayno, Ronwel Cruz, Nathan Lopez, Enrique Manrilag, Mark Quizon, at McClen Talento. Ang kanilang mga pintang likha ay makikita sa SM Pulilan hanggang Mayo 31, 2026.

𝐏𝐨𝐬𝐨𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐥𝐚𝐤𝐢 𝐌𝐨𝐧𝐮𝐦𝐞𝐧𝐭
– Sa pangunguna ni Mark Quizon, katuwang sina Nathan Lopez at Reymart Hungay, mga kalahok sa Ico and Lety Cruz Art Program ng Museo ng Baliwag, ay lumikha ng mural na hango sa kasaysayan ng Posong Malaki ng Pulilan. Ito ang nagsilbing telon-de-pondo para sa Posong Malaki Monument ng Pulilan na pormal na binuksan noong Mayo 9, 2026.

𝐊𝐧𝐞𝐞𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐂𝐚𝐫𝐚𝐛𝐚𝐨 𝐌𝐨𝐧𝐮𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐦𝐢𝐥𝐢𝐡𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐏𝐮𝐥𝐢𝐥𝐚𝐧
– Nakibahagi naman ang mga miyembro ng Kapok Collective na binubuo nina McClen Talento at Ralz Taberao, mga naging kalahok din sa Ico and Lety Cruz Art Program, sa pamamagitan ng artistikong kolaborasyon ay kanilang binigyan ng bagong buhay at kulay ang Pulilan Kneeling Carabao na sumisimbolo sa pamana at tradisyon ng bayan.

𝐅𝐢𝐥𝐦 𝐒𝐜𝐫𝐞𝐞𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐝 𝐓𝐚𝐥𝐤
– Pinangunahan ng Pangulo ng Baliwag Arts and Culture Council na si Director Baby Ruth Villarama ang isang espesyal na film screening at talakayan ng kanyang documentary film na “Food Delivery: Fresh From the West Philippine Sea” na nagbigay-tuon sa katatagan at pagkakaisa ng mga Pilipino.

𝐂𝐮𝐫𝐚𝐭𝐨𝐫𝐢𝐚𝐥 𝐓𝐚𝐥𝐤
– Nagbigay ng makabuluhang pagbabahagi si Jesusa Garcia, Curator ng Museo ng Baliwag at OIC Head ng Baliwag City Arts, Culture, and Tourism Office tungkol sa buhay at mga likha ni Demetrio Diego na isa sa The Thirteen Moderns ng Pilipinas sa larangan ng sining biswal. Ito ay bahagi ng eksibisyon na “Demetrio Diego: Modernism Rooted in Tradition.”

Mabuhay ang sining at kulturang Baliwagenyo!

Photo Source: Pulilan Mandala Art Festival FB Page, Limuel Jan Lobederio at May Arlene Torres ng PHACTO, Baliwag CACTO


IN PHOTOSMay 13, 2026 ay pinaunlakan ng aming tanggapan ang panayam ng aming bisita na isang g**o mula sa Polytechnic Un...
15/05/2026

IN PHOTOS
May 13, 2026 ay pinaunlakan ng aming tanggapan ang panayam ng aming bisita na isang g**o mula sa Polytechnic University of the Philippines para sa kaniyang academic research na may pamagat na“Reviving Baliuag’s Old Municipal Hall: Adaptive Reuse, Cultural Continuity, and Urban Identity.” Ito ay kanyang ibabahagi sa isang international Conference.

Ang City Arts, Culture, and Tourism Office ay patuloy na sumusuporta sa mga adhikaing pangkasaysayan gayundin sa pagpapayabong ng mga saliksik na pang-akademiko.

LARO AT LIKHA: LIBRENG ART WORKSHOPS PARA SA MGA BATANG BALIWAGENYO! 🎨✨Halina’t sulitin ang bakasyon at ilabas ang Galin...
13/05/2026

LARO AT LIKHA: LIBRENG ART WORKSHOPS PARA SA MGA BATANG BALIWAGENYO! 🎨✨

Halina’t sulitin ang bakasyon at ilabas ang Galing Baliwagenyo! Inaanyayahan namin ang mga batang Baliwagenyo na sumali sa aming FREE Art workshops. Alamin ang mga detalye sa ibaba:
🎤 VOICE COACHING WORKSHOP
• Petsa: May 18 – 21, 2026 | 9 AM – 12 NN
• Lugar: WalterMart Baliwag, Sabang, Baliwag City
• Facilitator: Ms. Janine Vergel
• Edad: 7 – 12 Taong Gulang
• 🔗 Mag-register dito: https://forms.gle/aqX6vefJnsUy8EEe6

🎭 THEATRE WORKSHOP
• Petsa: May 19 – 21, 2026 | 2 PM – 5 PM
• Lugar: Baliwag City Hall Conference Room, 3rd Floor, Social Protection Bldg.
• Facilitators: Mr. Kahlil Ylmari Josef Pancho, Mr. Prince Luigi S. Mendoza, Mr. Ted Marco C. Salvador
• Edad: 9 – 15 Taong Gulang
• 🔗 Mag-register dito: https://forms.gle/NLPtxu3mkAxQsB5f7

🖍️ DRAWING WORKSHOP
• Petsa: May 18 – 19, 2026 | 2 PM – 5 PM
• Lugar: WalterMart Baliwag, Sabang, Baliwag City
• Facilitator: Mr. Sherwin Gacula and Ms. Charmaine Gacula
• Edad: 7 – 12 Taong Gulang
• 🔗 Mag-register dito: https://forms.gle/LrEJdn1U42q96BHH8

🖼️ PAINTING WORKSHOP
• Petsa: May 20 – 21, 2026 | 2 PM – 5 PM
• Lugar: WalterMart Baliwag, Sabang, Baliwag City
• Facilitator: Mr. Sherwin Gacula and Ms. Charmaine Gacula
• Edad: 7 – 12 Taong Gulang
• 🔗 Mag-register dito: https://forms.gle/oADCrEjTpzFGnWJdA

Paalala: Isang workshop lang ang maaaring salihan ng bawat bata para marami pa ang mabigyan ng pagkakataong makasali. Limitado lamang sa 30 ang slots ng bawat workshop! Mag-register na sa mga link na nasa itaas para makareserba ng puwesto. Kita-kits, mga batang malikhain!

Address

Dr. Gonzalez Street
Baliuag
3006

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Museo ng Baliwag posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Museo ng Baliwag:

Share