31/03/2026
Ang Semana Santa ay panahon ng pagninilay at pagsasabuhay ng mga mabubuting aral na ating natutunan sa pananampalataya. Sa ating lungsod, ang pasasagawa ng ng Banal na Prusisyon ay isang tradisyunal na pagpapatunay ng debosyon ng mga Baliwagenyo sa ating P**ng Maykapal. Gaya ng nakasanayan, ang Grand Lenten Procession ay gaganapin sa Miyerkules Santo (April 1, 2026) at Biyernes Santo (April 3, 2026).
Bilang paghahanda sa pagdating ng mga naglalakihang karosa, ang mga sumusunod na lugar ay isasara sa ganap na ika-12 ng tanghali sa April 1 at 3. Ang mga kalsadang nabanggit ay magsisislbing Assembly Area para sa mga P**n at debotong sasali sa prusisyon.
Simbahan - Plaza Naning - F. Vergel De Dios - Racelis St. - BS Aquino Ave. - Año St. - M. Ponce St. - Calderon St. - J. Buizon St. - RE Chico St. - Plaridel St.
Narito po ang ruta Miyerkules Santo: Año St. - RE Chico St. - P. Damaso St. - JP Rizal St. - Palengke - Plaza Naning - Parokya ni San Agustin
Narito naman anr Rtua sa Biyernes Santo: Simbahan - F. Vergel De Dios - La Rosa Santiago St. - J. Buizon St. - BS Aquino Ave. - Plaridel St. - F. Lara St. - Dr. Gonzales St. - V. Gonzales St. - Old Cagayan Valley Road - Plaza Naning - Parokya ni San Agustin
Dahil sa inaasahang dagsa ng mga deboto at mga manonood ng Grand Lenten Procession, pinapayuhan namin ang mga motorista na humanap muna ng alternatibong daan upang hindi maabala sa kanilang mga biyahe.
Nawa, sa panahong ito ng Semana Santa ay ating maramdaman ang patuloy na pagmamahal ng ating Diyos na Makapangyarihan. Atin ding ibigay sa ating kapwa ang patuloy na kooperasyon at kapayapaan.