05/08/2026
๐๐น๐ฒ๐ฎ๐ป๐ถ๐ป๐ด ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐น๐๐๐ต๐ถ๐ป๐ด ๐ข๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐๐ฎ ๐ข๐๐ฟ ๐๐ฎ๐ฑ๐ ๐ผ๐ณ ๐๐ต๐ฒ ๐ ๐ผ๐๐ ๐๐ผ๐น๐ ๐ฅ๐ผ๐๐ฎ๐ฟ๐ ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐๐ต, ๐๐ฟ๐ด๐. ๐ ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด, ๐๐ฎ๐น๐ถ๐๐ฎ๐ด ๐๐ถ๐๐.
Bilang pagtugon sa kahilingan ng Our Lady of the Most Holy Rosary Parish kay Mayor Mommy Sonia V. Estrella, nagsagawa ang City Environment and Natural Resources Office (City ENRO) ng cleaning and flushing operation sa paligid ng simbahan bilang paghahanda sa The Solemn Declaration of the Special Bond of Spiritual Affinity sa pagitan ng Our Lady of the Most Holy Rosary Parish at ng Papal Basilica of Saint Mary Major (Santa Maria Maggiore) sa Roma, Italya.
Layunin ng gawaing ito na mapanatiling malinis, ligtas, at kaaya-aya ang kapaligiran ng simbahan upang maging handa sa pagtanggap ng mga mananampalataya at mga panauhin na dadalo sa makasaysayang pagdiriwang. Sa pamamagitan ng regular na paglilinis at flushing, napapanatiling maayos ang mga pampublikong espasyo at napangangalagaan ang kalinisan ng paligid para sa kapakanan ng buong komunidad.
Sa pangunguna ng City Government of Baliwag, sa pamumuno nina Mayor Mommy Sonia V. Estrella, Mayor Vice Ferdie V. Estrella, at ng City Environment and Natural Resources Office, patuloy ang pagbibigay ng maagap na serbisyo bilang suporta sa mga gawaing pangkomunidad at pananampalataya tungo sa isang malinis, ligtas, at kaaya-ayang lungsod para sa lahat ng Baliwagenyo.