27/09/2026
Postponed?
Extended ng 2years?
Extended ang kapangyarihan?
Extended ang sahod?
Opo. Pero mas bagay na sabihing extended ang sakripisyo at serbisyo.
Naiintindihan po namin ang inyong hinaing, naririnig po namin ang inyong reklamo, pilit po itong ginagawan ng paraan. Bago po kayo magalit sa amin pwede po bang makiusap na basahin po muna ito.
Para sa aming mga nanunungkulan sa barangay.
1. Hindi pwedeng asahan ang honorarium bilang pangunahing source of income.
Maraming nag-iisip na sapat ang honorarium ng barangay official. Ang totoo, habang tumatagal ang termino mo, mas marami ang lalapit para humingi ng tulong.
May sobre para sa solicits, medical assistance, school projects, pang-libing, emergency expenses, at kung anu-ano pa. Minsan pati pambayad ng kuryente, pang-GCash, o pamasahe, saβyo hihingi ng tulong. Hindi obligasyon ang lahat ng iyon, pero bilang public official masaya po kaming nakakatulong lalo na sa ganoong paraan.
2. Mula zero enemies, puwedeng maging daan-daan.
Sa politika, hindi mo mapapasaya ang lahat.
May gawin ka, may masasabi. Wala kang gawin, may masasabi pa rin. Matutunan mong tanggapin na hindi lahat ng feedback ay constructive criticism. May mga taong susuporta saβyo, pero mayroon ding sadyang sisira sa pangalan mo,o kukuwestiyonin ang bawat kilos mo. Yung kahit simpleng gawain na wala naman bayad, kusang loob at malasakit pero may masasabi pa din.
3. Walang βDo Not Disturbβ sa public service.
Hindi 8:00 AM to 5:00 PM ang serbisyo publiko.
May kakatok sa bahay mo ng alas-3 ng madaling araw dahil may emergency. May tatawag habang kumakain ka, nasa klase ka, nasa trabaho ka, o kahit araw ng pahinga mo. Asahan mo rin ang walang katapusang messages at missed calls anumang oras ng araw.
4. Maging handa na pati personal mong buhay ay pag-uusapan.
Hindi lang trabaho mo ang pupunahin.
Puwedeng isama sa usapan ang pamilya mo, kaibigan mo, relasyon mo, o kahit mga personal mong desisyon. Kapag pinili mong pumasok sa public service, kailangan mong magkaroon ng matibay na emosyon at malinaw na isip para hindi ka maubos sa mga personal na atake.
5. Hindi lahat ng concern ay malaking problema pero lahat ay lalapit sa barangay.
May mga concern na talagang kailangan ng aksyon ng barangay. Pero mayroon ding mga bagay na kaya namang gawin ng residente.
May magpapalinis ng maliit na kanal. May magpapapulot ng basura sa harap ng sarili nilang bahay. May magtatanong ng mga bagay na alam na rin nila ang sagot. At bilang opisyal, kailangan mong matutong makinig, magpaliwanag, at tumugon nang maayos.
6. Hindi lahat ng gusto mong gawin ay puwedeng gawin agad.
Isa ito sa pinakamalaking realization kapag nasa loob ka na ng sistema.
May proseso. May budget. May ordinansa. May limitasyon ang kapangyarihan ng barangay. Hindi lahat ng magandang ideya ay puwedeng ipatupad kinabukasan. Minsan, kailangan mong maghintay, makipag-coordinate, at sundin ang tamang proseso bago may mangyari.
7. Public service is rewardingβbut it is also exhausting.
May mga araw na uuwi kang pagod na pagod. May mga pagkakataong pakiramdam mo kulang pa rin ang ginawa mo kahit buong araw kang naglingkod.
Pero mayroon ding mga araw na isang simpleng βsalamatβ mula sa isang tao ang magpapaalala kung bakit mo pinili ang serbisyong ito.
Madaling sabihin ang, βKapag ako naging Kapitan,β βKapag ako naging SK,β o βKapag ako naging Barangay Kagawad, gagawin ko lahat ng βyan.β Ganiyan din ang iniisip ko noon.Kapag nasa loob ka na ng sistema, mas maiintindihan mo kung bakit mas komplikado ang mga bagay kaysa sa nakikita sa labas.
Wag po kayo magalit samin at sabihin na tuwang tuwa ang mga kasalukuyang nakaupo sa pagkakaposponed ng eleksyon. Gaya po ninyo gusto din po namin matuloy ito. Sa resulta at hatol ng taong bayan malalaman namin kung naging sapat ba o kulang ang naging trabaho namin para sa inio. Sa mga nag nanais manungkulan sana, wag po tayong malungkot. Ito ay maaring paraan ng Diyos para mas ihanda pa tayo sa daang gusto nating tahakin. More time to prepare, more time to think. Humihingi din kami ng pasensya sa mga kakulangan at hindi pagiging perpekto π
God bless us all.π