Brgy Sta. Barbara - Kap. Wendell

Brgy Sta. Barbara - Kap. Wendell Bagong Simula

Mabiyayang araw po ng Linggo sa ating lahat. Bukas po araw ng lunes June 1, 2026, ay  muli po nating ipatutupad  ang No ...
31/05/2026

Mabiyayang araw po ng Linggo sa ating lahat. Bukas po araw ng lunes June 1, 2026, ay muli po nating ipatutupad ang No Parking Policy sa mga lansangan ng nasasakupan ng Ating mahal na Barangay.
Kagaya nga po ng nasabi na ng ating kapitang may Kababang loob at handang makinig sa lahat ng hinaing ng ating mga kabarangay, ay humingi po sya ng paumanhin sa lahat ng nakiusap, na kung maari ay makapagparada sila sa harap ng kanilang mga bahay sa dahilang wala pa silang paparadahan ng kanilang sasakyan. Kayo naman po ay hindi nabigo, kagyat na kayo ay pinagbigyan. Subalit Tayo po ay napuna na at tila sinasabi pang walang buto ang ating mahal na kapitan at walang lakas ng loob na magpatupad ng mga batas na umiiral sa ating barangay. Kung inyo pong babasahin ang sumbong na nasa ibabang bahagi ng pabatid na ito ay tila kailangan na nating muling ipatupad ang paghihigpit sa pag aalis ng mga sagabal sa ating mga lansangan.
kaya naman po muli naming ipinaaalam sa mga may ari ng sasakyang nakaparada sa ating mga lansangan ay ihanap na natin ito ng paradahan. O makipag-ugnayan sa ating Barangay hall upang mabigyang lugar sa ating public parking na matatagpuan sa dulong Aldama.

Isang masayang pagbati ang ipinararating ng buong sangguniang Barangay at Kapitan  Wendell Centeno. Sa inyong paglahok s...
29/05/2026

Isang masayang pagbati ang ipinararating ng buong sangguniang Barangay at Kapitan Wendell Centeno. Sa inyong paglahok sa nakalipas na Buntal Festival LASA Cooking Competition na Kinatawan nina. ML. Cherry Mainit, ML Micah Cericos, Charm Baltazar, LLN Diana Angela DC. Vergara at Kagawad Larry DG. Alcantara ipinamalas ninyong husay at galing. Ay nakamit ninyo ang ikatlong pwesto.πŸ‘πŸ‘πŸ‘πŸ‘πŸ‘πŸ‘πŸ‘πŸ‘
Kaya naman buong puso kaming bumabati sa inyong Kakayahan at husay.

Hindi mapakali ang ating Mabuting kapitan sa kinakaharap ng ating mga kabarangay na ngayon dumaranas ng  hirap sa kawala...
28/05/2026

Hindi mapakali ang ating Mabuting kapitan sa kinakaharap ng ating mga kabarangay na ngayon dumaranas ng hirap sa kawalan ng kuryente mula pa kagabi. Kaya personal na nyang pinuntahan at pinalow up sa opisina ng Meralco sa Brgy Agnaya Plaridel, Bulacan. ang nasabing suliraning kinakaharap ng ating mga minamahal na kabarangay. Kahit na siya ay nakapila, ay matiyagang siyang naghintay

Maraming salamat po sa tunay na malasakit at pagmamahal, at pagiging Ama ng iyong nasasakupan

28/05/2026

Hindi mapakali ang ating Mabuting kapitan sa kinakaharap ng ating mga kabarangay na ngayon dumaranas ng hirap sa kawalan ng kuryente mula pa kagabi. Kaya personal na nyang pinuntahan at pinalow up sa opisina ng Meralco sa Brgy Agnaya Plaridel, Bulacan. ang nasabing suliraning kinakaharap ng ating mga minamahal na kabarangay. Kahit na siya ay nakapila, ay matiyagang siyang naghintay

Maraming salamat po sa tunay na malasakit at pagmamahal, at pagiging Ama ng iyong nasasakupan

Magandang buhay mga kabarangay. isa lamang pong pabatid para sa lahat.Ang atin pong ambulansya ay laging nakahanda para ...
27/05/2026

Magandang buhay mga kabarangay. isa lamang pong pabatid para sa lahat.
Ang atin pong ambulansya ay laging nakahanda para sa ating lahat, sa lahat ng pagkakaton at sa lahat ng panahon. Sapagkat ang hangarin po ng ating mabuting kapitan WENDELL M. CENTENO, ay maihatid ang serbisyong tapat, at sapat para sa lahat.
Kaya sa mga pagkakataon ng inyong Pangangailangan huwag magdalawang isip na tumawag sa ating hotline (0908-818-0418) o magtungo sa opisina ng Apo Barang Tagapagligtas at sa ating Barangay hall. At Hanapin ang masipag at maasahang OFFICER IN CHARGE (OIC) ng Apo Barang Tgapagligtas, Dennis Asyong Bernardo at siguradong hindi kayo hihindian. O makipag ugnayan sa ating mapagmalasakit at may kababaang loob na kapitan. Wendell M. Centeno. Sila ang mga taong kayo'y laging handang ay paglingkuran.

Magandang buhay po mga kabarangay. Baka po may nakapansin sa batang nasa larawan. Ang pangalan nya po ay Marian Galvez a...
26/05/2026

Magandang buhay po mga kabarangay. Baka po may nakapansin sa batang nasa larawan. Ang pangalan nya po ay Marian Galvez anim (6) na taong gulang. Sya po Taga Aldama St. Virgen Delas Flores Malapit sa bahay ni Kagawad Joey Munsayac. Ayon sa kaanak, umalis ang bata kaninang bandang 10 ng umaga. at may nakapansin na nagpunta ang bata sa kanto ng Tiaong para tumingin ng laruan sa isang tindahan. Ngunit hindi pa umuuwi. Kaya sa maaring kinaroroonan ng bata ay pwede ninyong tawagan ang Numero ng kanyang Kapatid na si Axel John Galvez 0994-748-7672 o ang hotline ng Barangay 0908-818-0418
Maraming salamat po

Magandang buhay mga Kabarangay. Baka meron pong nakakikilala sa Besikletang nasa larawan sa ibaba , at sa may ari nito. ...
25/05/2026

Magandang buhay mga Kabarangay. Baka meron pong nakakikilala sa Besikletang nasa larawan sa ibaba , at sa may ari nito. Pakisuyo po na sabihin sa may ari, na ito nasa pangangalaga ng barangay. Maari po nyang puntahan sa Barangay Hall ng Sta. Barbara, Maraming salamat po

Narito rin po ang hotline ng Brgy. na pwede ninyong tawagan
0908-818-0418

Magandang umaga mga Kabarangay. Simulan natin ang Araw ng may saya at kababaan ng loob
25/05/2026

Magandang umaga mga Kabarangay. Simulan natin ang Araw ng may saya at kababaan ng loob

Magandang buhay mga kabarangay. Patuloy parin po ang pagtangaggap ng Alternative Learning System (ALS) ng mga mag-aaral ...
20/05/2026

Magandang buhay mga kabarangay.
Patuloy parin po ang pagtangaggap ng Alternative Learning System (ALS) ng mga mag-aaral na nais ipagpapatuloy ang hindi natapos na pag-aaral, dahil sa mga hindi inaasahang dahilan.
Kaya kung ikaw ay may anak na nais ipagpapatuloy ang Pag-aaral. Maging ito ay Elementarya, High School o Senior High School at sa mga nais matutong Bumasa, Magsulatat magkweta.
Ay maari kayong makipag-ugnayan kay Binibining Jhelenie Sales Para sa mga detalye. at nasa larawan sa ibaba ang ilang mga detalye na maaring makatulong sa atin.
Maraming salamat po.

Happiest birthday sa isa sa masipag at laging maasahang Mother Leader ng Brgy. Sta Barbara Regie Bernardo πŸŽ‚πŸŽ‰πŸŽ‰πŸŽŠπŸ’Salamat s...
17/05/2026

Happiest birthday sa isa sa masipag at laging maasahang Mother Leader ng Brgy. Sta Barbara Regie Bernardo πŸŽ‚πŸŽ‰πŸŽ‰πŸŽŠπŸ’
Salamat sa hindi matatawarang pagmamalasakit mo sa mga gawaing nakaatang sa inyo.
Pagbati at pasasalamat, mula sa Sangguniang barangay,Kapitan Wendell M. Centeno at mga kawani,

Address

JP Rizal
Baliuag
3006

Telephone

+639088180418

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy Sta. Barbara - Kap. Wendell posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Brgy Sta. Barbara - Kap. Wendell:

Share