28/05/2026
Ang Pamahalaang Lungsod ng Baliwag, sa pamamagitan ng Baliwag City Public Employment Service Office (Baliwag City PESO), ay buong-pusong nagpapasalamat sa ating mga katuwang sa pribadong sektor: Chowking Baliwag Bayan, Jollibee Baliwag Bayan, Jollibee Junction at Mcdonald's DRT.
Maraming salamat sa inyong walang sawang suporta at pagtitiwala sa Special Program for Employment of Students (SPES). Dahil sa inyong pakikiisa, ang ating mga kabataang Baliwagenyo ay nabigyan ng natatanging oportunidad na makakuha ng karanasan sa trabaho at inspirasyon na magagamit nila sa pagbuo ng kanilang mga kakayahan at kinabukasan.
Aming karangalan na makasama kayo sa paggabay sa mga kabataang Baliwagenyo!
Muli, maraming salamat po sa inyong patuloy na Serbisyong may Malasakit!