Mommy Sonia Estrella

Mommy Sonia Estrella Ituloy natin ang Serbisyong may Malasakit! πŸ’š

The Official page of Mayor Mommy Sonia Viceo Estrella.

π—•π—”π—Ÿπ—œπ—ͺπ—”π—šπ—˜π—‘π—¬π—’, π—œπ—£π—”π—šπ— π—”π—Ÿπ—”π—žπ—œ 𝗠𝗒 π—”π—‘π—š π—œπ—¬π—’π—‘π—š π—§π—”π—šπ—¨π— π—£π—”π—¬!Sa mga Baliwagenyo na nakapasa sa ano mang licensure examination simula De...
21/08/2026

π—•π—”π—Ÿπ—œπ—ͺπ—”π—šπ—˜π—‘π—¬π—’, π—œπ—£π—”π—šπ— π—”π—Ÿπ—”π—žπ—œ 𝗠𝗒 π—”π—‘π—š π—œπ—¬π—’π—‘π—š π—§π—”π—šπ—¨π— π—£π—”π—¬!

Sa mga Baliwagenyo na nakapasa sa ano mang licensure examination simula December 15, 2025 hanggang August 31, 2026, mag-register na upang maging bahagi ng Saludo sa Baliwagenyo Constituent Achievers Night 2026.

Google form link: https://forms.gle/KV2eZ6CCDWr4iXFfA

Sa mga nakapagparehistro na, mag-antabay sa ipapadalang e-invite sa inyong email address.

Huling araw ng pagpapatala: August 31, 2026

Kung may katanungan, mag-email sa [email protected]





Mga kalungsod, sa araw na ito, August 21, ating ginugunita ang buhay at sakripisyo ni Benigno β€œNinoy” Aquino Jr., na nag...
21/08/2026

Mga kalungsod, sa araw na ito, August 21, ating ginugunita ang buhay at sakripisyo ni Benigno β€œNinoy” Aquino Jr., na naging mahalagang bahagi ng kasaysayan ng ating bansa.

Nawa’y magsilbing paalala ang kaniyang buhay sa kahalagahan ng paninindigan at pagmamahal sa bayan, at sa patuloy nating pagpapahalaga sa kalayaan.


ALTERNATIVE LEARNING MODES AT ALTERNATIVE WORK ARRANGEMENTSMananatiling ipatutupad ang alternative work arrangements sa ...
19/08/2026

ALTERNATIVE LEARNING MODES AT ALTERNATIVE WORK ARRANGEMENTS

Mananatiling ipatutupad ang alternative work arrangements sa mga pampublikong tanggapan sa Bulacan bukas, Huwebes, Agosto 20, 2026, alinsunod sa inilabas na memorandum ng MalacaΓ±ang dahil sa patuloy na sama ng panahon dulot ng Southwest Monsoon (Habagat).

Samantala, ipatutupad naman ang alternative learning modes para sa mga klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral at g**o.

ALTERNATIVE LEARNING MODES FOR SCHOOLS AND ALTERNATIVE WORK ARRANGEMENTS FOR GOVERNMENT OFFICESAlinsunod sa inilabas na ...
18/08/2026

ALTERNATIVE LEARNING MODES FOR SCHOOLS AND ALTERNATIVE WORK ARRANGEMENTS FOR GOVERNMENT OFFICES

Alinsunod sa inilabas na memorandum ng MalacaΓ±ang, kabilang ang Bulacan sa mga lugar na magsasagawa ng alternative work arrangements para sa mga pampublikong tanggapan bukas, Miyerkules, August 19, 2026, dahil sa patuloy na sama ng panahon na dulot ng Southwest Monsoon (Habagat).

Para naman sa mga paaralan, ipatutupad ang alternative learning modes para sa mga klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan.

π—¦π—”π—Ÿπ—¨π——π—’ 𝗦𝗔 π—šπ—”π—Ÿπ—œπ—‘π—š π—‘π—š π—žπ—”π—•π—”π—§π—”π—”π—‘π—š π—•π—”π—Ÿπ—œπ—ͺπ—”π—šπ—˜π—‘π—¬π—’!Taos-pusong pagbati kay Vimmy Tengco Burgos sa kanyang kahanga-hangang tagumpa...
18/08/2026

π—¦π—”π—Ÿπ—¨π——π—’ 𝗦𝗔 π—šπ—”π—Ÿπ—œπ—‘π—š π—‘π—š π—žπ—”π—•π—”π—§π—”π—”π—‘π—š π—•π—”π—Ÿπ—œπ—ͺπ—”π—šπ—˜π—‘π—¬π—’!

Taos-pusong pagbati kay Vimmy Tengco Burgos sa kanyang kahanga-hangang tagumpay sa international street dance competitions!

Champion – Team Under 18 Advanced sa 2026 UDO World Street Dance Championship sa Blackpool, UK, at Champion – Under 16 Advanced at 2nd Place – Megacrew Division sa 2026 SOAR World Championships sa Manchester, UK!

Proud kami sa iyo at patuloy mong ipakita ang galing ng kabataang Baliwagenyo!

Mabuhay ka!


Sa pagdiriwang ng 2026 Linggo ng Kabataan, nakasama natin ang mga kabataang Baliwagenyo at students leaders sa isang mak...
18/08/2026

Sa pagdiriwang ng 2026 Linggo ng Kabataan, nakasama natin ang mga kabataang Baliwagenyo at students leaders sa isang makabuluhang forum nitong August 12, sa Gabay Center.

Tinalakay rito ang mahahalagang usapin tulad ng Panlilinlang at Online Safety, Bullying, Exposing the Threats to West Philippine Sea, at Heeding the Call to Address Climate Change.

Mahalaga ang ganitong mga talakayan upang mas maging mulat, responsable, at aktibong katuwang ang ating kabataan sa pagbuo ng mas ligtas at mas maunlad na komunidad.

Patuloy nating bibigyan ng espasyo at pagkakataon ang kabataang Baliwagenyo na magsalita, matuto, at maging bahagi ng pagbabago.


π—–π—’π—‘π—šπ—₯π—”π—§π—¨π—Ÿπ—”π—§π—œπ—’π—‘π—¦, π—•π—§π—˜π—–π—›π—˜π—‘π—¬π—’π—¦!Mga Kalungsod, masaya akong masaksihan ang pagtatapos ng mga mag-aaral ng Baliwag Polytechni...
18/08/2026

π—–π—’π—‘π—šπ—₯π—”π—§π—¨π—Ÿπ—”π—§π—œπ—’π—‘π—¦, π—•π—§π—˜π—–π—›π—˜π—‘π—¬π—’π—¦!

Mga Kalungsod, masaya akong masaksihan ang pagtatapos ng mga mag-aaral ng Baliwag Polytechnic College sa kanilang 17th Commencement Exercises. Isang makabuluhang araw ito ng pagdiriwang para sa ating mga nagsipagtapos, kanilang mga magulang, g**o, at lahat ng naging bahagi ng kanilang paglalakbay.

Taos-puso nating binabati ang 1,782 mag-aaral na matagumpay na nakamit ang isang mahalagang milestone sa kanilang buhay. Baunin ninyo ang inyong mga natutunan, manatiling mapagpakumbaba, at huwag matakot mangarap nang higit pa. Gamitin ninyo ang inyong kaalaman at kakayahan upang maging mabuting halimbawa at maging bahagi ng pag-unlad ng ating lungsod, maging ng ating bansa.

Bilang inyong Mayor, ipinagmamalaki ko ang bawat isa sa inyo. Nawa’y maging simula ito ng mas maraming oportunidad, tagumpay, at pangarap na matutupad. At para sa ating minamahal na Baliwag Polytechnic College, patuloy tayong umaasa na lalo pa itong uunlad at magiging tahanan ng mas maraming Baliwagenyong nangangarap, natututo, at nagtatagumpay.

Congratulations, graduates! Mabuhay kayo! πŸŽ“



ALTERNATIVE LEARNING MODES FOR SCHOOLS AND ALTERNATIVE WORK ARRANGEMENTS FOR GOVERNMENT OFFICESAlinsunod sa inilabas na ...
17/08/2026

ALTERNATIVE LEARNING MODES FOR SCHOOLS AND ALTERNATIVE WORK ARRANGEMENTS FOR GOVERNMENT OFFICES

Alinsunod sa inilabas na Memorandum Circular No. 128 ng MalacaΓ±ang, kabilang ang Bulacan sa mga lugar na magsasagawa ng alternative work arrangements para sa mga pampublikong tanggapan bukas, Martes, August 18, 2026, dahil sa patuloy na sama ng panahon na dulot ng Southwest Monsoon (Habagat).

Para naman sa mga paaralan, ipatutupad ang alternative learning modes para sa mga klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan.

Mga ka-High FVE, dahil sa masamang panahon na dulot ng bagyo, ipinagpapaliban muna natin ang High FVE sa Barangay Pagala...
17/08/2026

Mga ka-High FVE, dahil sa masamang panahon na dulot ng bagyo, ipinagpapaliban muna natin ang High FVE sa Barangay Pagala at Tilapayong na nakatakda sa darating na August 18 at 19, 2026.

Abangan po ang anunsyo para sa bago nitong iskedyul. Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at manatiling ligtas!

CALLING ALL PREGNANT AND BREASTFEEDING BALIWAGENYA MOMS! 🀰🀱🏻Dahil Breastfeeding Awareness Month na, muling magsasama-sam...
17/08/2026

CALLING ALL PREGNANT AND BREASTFEEDING BALIWAGENYA MOMS! 🀰🀱🏻

Dahil Breastfeeding Awareness Month na, muling magsasama-sama ang mga Baliwagenya super moms sa isang sabayang pagpapasuso bilang simbolo ng pagkakaisa, pagmamahal, at suporta sa tamang nutrisyon ng bawat sanggol.

Tara na sa Year 9 ng Latch On Baliwag sa darating na August 29, 2026, 10am, Waltermart, Baliwag City.

Sama-sama nating palakasin ang suporta para sa Ina, Pamilya at Pamayanan tungo sa wasto, sapat at de-kalidad na pagpapasuso ng mga sanggol at bata.

Para sa mga interesadong Baliwagenyo pregnant and breastfeeding moms, magtungo at magparehistro sa inyong Barangay Lingkod Lingap sa Nayon (LLN). Limited slots only!

Kita-kits po tayo!





Address

Baliwag City
Baliuag
3006

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mommy Sonia Estrella posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category