Baliwag ICT

Baliwag ICT The Official Page of the City Information and Communication Technology Office - City Government of Baliwag, Bulacan

09/04/2026
β€œAko ang ilaw ng sanlibutan. Ang sumusunod sa akin ay magkakaroon ng ilaw sa kaniyang buhay at di na lalakad sa kadilima...
31/03/2026

β€œAko ang ilaw ng sanlibutan. Ang sumusunod sa akin ay magkakaroon ng ilaw sa kaniyang buhay at di na lalakad sa kadiliman.” Juan 8-12

Sa Kaniyang pagtuturo sa templo, ipinahayag ni Hesus na Siya ang Ilaw ng sanlibutan, ang liwanag na gumagabay sa tao mula sa kadiliman ng kasalanan tungo sa buhay na may Diyos. Sa gitna ng pagtutol at pagdududa ng iba, patuloy Niyang iniaalok ang
liwanag na nagbibigay pag-asa at direksyon. Sa panahong ito ng Semana Santa, inaanyayahan tayong sundan ang Kaniyang liwanag sa pamamagitan ng pagsunod, pagsisisi, at pananatili sa Kaniyang salita.

PANALANGIN:
Panginoong Hesus, Ikaw ang liwanag ng aking buhay. Sa gitna ng aking kahinaan at pagkaligaw, patuloy Mo akong akayin pabalik sa Iyong liwanag. Linawin Mo ang aking isipan at patatagin ang aking puso upang makasunod ako sa Iyong kalooban. Nawa’y ang Iyong liwanag ang magbigay sa akin ng pag-asa, lakas, at direksyon sa bawat araw. Amen.


πŸ“Έ π—œπ—‘ 𝗣𝗛𝗒𝗧𝗒𝗦Lingguhang Pagtataas ng Watawat ng Pamahalaang Lungsod ng Baliwag na pinangunahan ng City Health Office sa pa...
30/03/2026

πŸ“Έ π—œπ—‘ 𝗣𝗛𝗒𝗧𝗒𝗦

Lingguhang Pagtataas ng Watawat ng Pamahalaang Lungsod ng Baliwag na pinangunahan ng City Health Office sa pamumuno ni Dr. Mary Joan Dinlasan.



π— π—˜π—‘π—¦π—”π—›π—˜ 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 π— π—šπ—” π— π—”π—šπ—¦π—œπ—¦π—œπ—£π—”π—šπ—§π—”π—£π—’π—¦Sa aking mga minamahal na mag-aaral na magsisipagtapos ngayong taon, tanggapin ninyo ...
30/03/2026

π— π—˜π—‘π—¦π—”π—›π—˜ 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 π— π—šπ—” π— π—”π—šπ—¦π—œπ—¦π—œπ—£π—”π—šπ—§π—”π—£π—’π—¦

Sa aking mga minamahal na mag-aaral na magsisipagtapos ngayong taon, tanggapin ninyo ang aking mainit at taos-pusong pagbati sa inyong lahat.

Bilang Ina ng Lungsod ng Baliwag, lubos kong ikinagagalak na masaksihan ang pag-ani ninyo sa mga bunga ng inyong sipag, tiyaga, at dedikasyon sa pag-aaral. Tunay ngang napakasarap sa pakiramdam na makita ang tagumpay na naging kapalit ng bawat puyat, pagod, at sakripisyong inyong pinagdaanan sa mga nakalipas na taon. Ang pag-akyat ninyo sa entablado upang tanggapin ang inyong diploma ay patunay ng inyong pagsusumikap at isang karangalang dapat ipagmalaki.

Sa mahalagang sandaling ito, nawa’y taos-puso ninyong pasalamatan, higit sa lahat, ang Poong Maykapal sa Kanyang walang hanggang patnubay at gabay sa inyong paglalakbay. Pasalamatan din ninyo ang mga taong naging bahagi ng inyong tagumpay. Ang inyong mga magulang na nagsikap at nagsakripisyo upang maitaguyod ang inyong pag-aaral, ang inyong mga g**o na walang sawang gumabay at humubog sa inyong kaalaman, at ang inyong mga kaibigan na naging karamay ninyo sa saya at mga hamon ng inyong buhay bilang mag-aaral.

Dalhin ninyo sa inyong puso ang bawat aral at karanasang inyong natutunan sa loob ng apat na sulok ng silid-aralan. Gayunpaman, tandaan ninyo na ang pagtatapos na ito ay hindi ang katapusan ng inyong paglalakbay, kundi simula pa lamang ng isang panibagong yugto sa pagtupad ninyo sa inyong mga pangarap sa mas malawak na mundo. Kaya naman, patuloy ninyong linangin ang inyong kakayahan at gamitin ang inyong kaalaman para sa ikabubuti ng inyong sarili at ng inyong komunidad.

Buong kumpiyansa akong magtatagumpay kayo sa susunod na yugto ng inyong buhay. At sa oras na marating ninyo ang rurok ng inyong mga pangarap, nawa’y huwag ninyong kalimutan kung saan kayo nagmula, sapagkat ipinagmamalaki kayo ng Lungsod ng Baliwag.

Sa panibagong kabanatang inyong haharapin, harapin ninyo ito nang may tapang, tiwala sa sarili, at bukas na puso. Huwag kayong panghinaan ng loob sa mga pagsubok na inyong kakaharapin. Maaaring hindi maging perpekto ang lahat ng inyong mararanasan, at maaaring may mga pagkakataong kayo ay mabigo, ngunit tandaan ninyo na ang bawat hamon ay may dalang mahahalagang aral na magpapatibay sa inyo habang tinatahak ninyo ang landas ng inyong kinabukasan.

Muli, isang mainit at taos-pusong pagbati sa lahat ng magsisipagtapos sa Taong Pampanuruan 2025–2026. Nawa’y magsilbi kayong inspirasyon sa inyong pamilya, komunidad, at sa buong Lungsod ng Baliwag.

Mayor Mommy Sonia V. Estrella
Punong Lungsod ng Baliwag, Bulacan


β€œAng aking bahay ay tatawaging bahay-dalanginan, ngunit ginagawa ninyo itong pugad ng mga magnanakaw.” - Mateo 21:13Ipin...
30/03/2026

β€œAng aking bahay ay tatawaging bahay-dalanginan, ngunit ginagawa ninyo itong pugad ng mga magnanakaw.” - Mateo 21:13

Ipinakita ni Hesus ang Kaniyang hangarin na maibalik ang kabanalan ng bahay ng Diyos. Hindi Niya hinayaang manaig ang kasakiman at pang-aabuso sa lugar na inilaan para sa panalangin at pagsamba. Sa pangyayaring ito, pinaaalalahanan tayo na ang ating puso ay templo ng Panginoon, tinatawagan tayong linisin ang ating kalooban mula sa kasalanan, galit, at anumang humahadlang sa ating tunay na pakikipagniig sa Diyos.

PANALANGIN:
Panginoong Hesus, lumapit Ka sa templo ng aking puso at linisin Mo ito sa anumang hindi nakalulugod sa Iyo. Alisin Mo ang aking pagmamataas, galit, at mga bagay na naglalayo sa akin sa Iyong presensya. Turuan Mo akong gawing tahanan ng panalangin, pag-ibig, at kabanalan ang aking buhay, upang sa bawat araw ay mas lalo Kitang makilala, mahalin, at mapaglingkuran. Amen.


29/03/2026

Mga kalungsod, sa mga araw na ito, alalahanin natin ang dakilang sakripisyo ng ating Panginoon, ang Kaniyang pagpapakasakit, pagkamatay sa krus, at ang Kaniyang muling pagkabuhay na siyang nagbigay sa atin ng pag-asa at bagong buhay.

Isang mapagpala at makabuluhang pagdiriwang ng mga Mahal na Araw sa ating lahat, Baliwagenyos!



Happy Philippine Internet Day!Ngayong araw, ginugunita natin ang ika-32 anibersaryo nang unang pagkakonek ng Pilipinas s...
29/03/2026

Happy Philippine Internet Day!

Ngayong araw, ginugunita natin ang ika-32 anibersaryo nang unang pagkakonek ng Pilipinas sa internet noong Marso 29, 1994.

Noon, imposible ang chat, video calls, online class, digital jobs, at e-commerce, pero ngayon, malayo na ang narating ng Pilipinas dahil bahagi na ang araw-araw na buhay ang internet.

Sa pangunguna ng Department of Information and Communications Technology (DICT), patuloy na pinapalawak ang libreng internet access sa mas maraming Pilipino, mula lungsod hanggang sa kabundukan at isla. Sa pamamagitan ng Free Wi-Fi for All, National Broadband Program, Government Network, at Common Tower ng DICT, mas nagiging abot-kamay ang oportunidad sa pag-aaral, sa kabuhayan, at sa mas mabilis na serbisyong pampubliko.

Sa pagdiriwang na ito, pinatitibay natin ang misyon na isulong ang ligtas, inklusibo at konektadong Pilipinas, kung saan walang Pilipino ang maiiwan offline.

𝗛𝗒𝗦𝗔𝗑𝗑𝗔 π—œπ—‘ π—§π—›π—˜ π—›π—œπ—šπ—›π—˜π—¦π—§! 🌿Mga kalungsod, sa pagdiriwang natin ng Linggo ng Palaspas, nawa’y magsilbi itong paalala sa ati...
29/03/2026

𝗛𝗒𝗦𝗔𝗑𝗑𝗔 π—œπ—‘ π—§π—›π—˜ π—›π—œπ—šπ—›π—˜π—¦π—§! 🌿

Mga kalungsod, sa pagdiriwang natin ng Linggo ng Palaspas, nawa’y magsilbi itong paalala sa atin ng kahalagahan ng pananampalataya, pagkakaisa, at kababaang-loob.

Tulad ng masayang pagsalubong kay Hesus sa Jerusalem, salubungin din natin ang bawat araw nang may pag-asa, pagmamahalan, at malasakit sa isa’t isa.

Sama-sama nating simulan ang Semana Santa na may pusong bukas sa paglilingkod at kapayapaan para sa lahat.



β€œHosanna sa Anak ni David! Pinagpala ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon!” - Mateo 21:9Sinalubong si Hesus bilang Ha...
29/03/2026

β€œHosanna sa Anak ni David! Pinagpala ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon!” - Mateo 21:9

Sinalubong si Hesus bilang Hari habang sumisigaw ang mga tao ng β€œHosanna” at inilalatag ang kanilang mga balabal at palaspas sa daan. Pumasok Siya sa Jerusalem na may kababaang-loob, nakasakay sa isang hamak na a**o, bilang Hari ng
kapayapaan at pag-ibig. Ipinapaalala sa atin ng araw na ito na ang tunay na kadakilaan ay nasusukat sa pag-ibig, paglilingkod, at handang pagsunod sa kalooban ng Diyos.

PANALANGIN:
Panginoong Hesus, tulad ng mga taong sumalubong sa Iyo sa Jerusalem, nais din naming buksan ang aming puso at tanggapin Ka bilang Hari ng aming buhay. Turuan Mo kaming sumunod nang may kababaang-loob, pananampalataya, at pagmamahal. Sa pagsisimula ng Mahal na Araw, ihanda Mo ang aming puso na samahan Ka sa landas ng krus hanggang sa tagumpay ng muling pagkabuhay. Amen.


π—Ÿπ—œπ—šπ—›π—§π—¦ 𝗒𝗙𝗙. π—šπ—œπ—©π—˜ 𝗔𝗑 𝗛𝗒𝗨π—₯ 𝗙𝗒π—₯ π—˜π—”π—₯𝗧𝗛. πŸ’‘πŸŒMga kalungsod, ngayong araw, March 28, sabay-sabay tayong magpatay ng ilaw simula ...
28/03/2026

π—Ÿπ—œπ—šπ—›π—§π—¦ 𝗒𝗙𝗙. π—šπ—œπ—©π—˜ 𝗔𝗑 𝗛𝗒𝗨π—₯ 𝗙𝗒π—₯ π—˜π—”π—₯𝗧𝗛. πŸ’‘πŸŒ

Mga kalungsod, ngayong araw, March 28, sabay-sabay tayong magpatay ng ilaw simula 8:30 PM hanggang 9:30 PM bilang pakikiisa sa Earth Hour.

Sa simpleng hakbang na ito, ipinapakita natin ang ating malasakit sa kalikasan at ang ating sama-samang pagkilos upang mabawasan ang paggamit ng enerhiya at maprotektahan ang ating mundo laban sa patuloy na epekto ng climate change.

Ang simpleng pagpatay ng ilaw at non-essential appliances ay makakatulong upang:

β€’ Mabawasan ang energy consumption
β€’ Mabawasan ang carbon footprint
β€’ Mabigyan ng pahinga ang ating planeta mula sa tuloy-tuloy na paggamit ng enerhiya

Sama-sama nating patunayan na ang maliit na hakbang, kapag pinagsama-sama, ay nagiging malaking pagbabago.

πŸ“Έ Makilahok at ibahagi ang inyong suporta sa pamamagitan ng social media. gumamit ng
Hashtags:




π—šπ—”π—•π—”π—¬ 𝗦𝗔 π—žπ—œπ—‘π—”π—•π—”π—•π—¨π—žπ—”π—¦π—”π—‘ π—‘π—š π—žπ—”π—•π—”π—§π—”π—”π—‘π—š π—•π—”π—Ÿπ—œπ—ͺπ—”π—šπ—˜π—‘π—¬π—’ πŸ’ΌMga kalungsod, sa pangunguna ng City Public Employment Service Offie (P...
28/03/2026

π—šπ—”π—•π—”π—¬ 𝗦𝗔 π—žπ—œπ—‘π—”π—•π—”π—•π—¨π—žπ—”π—¦π—”π—‘ π—‘π—š π—žπ—”π—•π—”π—§π—”π—”π—‘π—š π—•π—”π—Ÿπ—œπ—ͺπ—”π—šπ—˜π—‘π—¬π—’ πŸ’Ό

Mga kalungsod, sa pangunguna ng City Public Employment Service Offie (PESO) at katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE), tuloy-tuloy ang pagsasagawa natin ng Career Development Seminar para sa mga Grade 10 at Grade 12 students.

Layunin ng programang ito na gabayan ang mga kabataan sa pagpili ng kanilang tatahaking landas sa hinaharap at ihanda sila sa mundo ng trabaho sa pamamagitan ng makabuluhang kaalaman at impormasyon.

Kabilang sa mga paksang tinalakay ang Career Pathing Orientation, Labor Market Information, PESO Employment Readiness Seminar, Labor Education for Graduating Students, at ang First Time Job Seekers Assistance Act Orientation. Sa pamamagitan nito, mas napapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral ukol sa kanilang mga oportunidad at responsibilidad bilang mga susunod na propesyonal at manggagawa.


Address

Baliuag
3006

Opening Hours

Monday 7am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm

Telephone

+63447980391

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Baliwag ICT posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Baliwag ICT:

Share