24/08/2026
๐๐๐ฆ๐๐๐๐ก | Likhang Tula mula sa ating Tagapamanihala ng mga Paaralan Gng. Rowena Tizon-Quiambao, CESO V para sa Buwan ng Wikang Pambansa:
"๐๐๐ก๐๐๐ ๐๐ง ๐๐จ๐ฆ๐๐ฌ ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐ก๐๐๐ข๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐จ๐๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก"
Sa bawat batang ating ginagabayan,
May pangarap na โting pinanghahawakan;
Sa bawat aral, sa bawat pagtuturo,
Pag-asa ng bayan ating binubuo.
Dangal ang ilaw sa ating paglilingkod,
Integridad ang lakas sa โting pag-ikot;
Tapat sa tungkulin, pusoโy laging handa,
Para sa BaliwagHenyo , para sa kanila
Husay ang ating sandata sa bawat hamon,
Kaalaman at galing, ating pinauunlad ngayon;
Sa makabagong panahon, tayoโy umaagapay,
Upang bawat batang Pilipinoโy tunay na magtagumpay.
Hindi lamang trabaho ang ating ginagampanan,
Itoโy panata sa bayan at kinabukasan;
Bawat kilos, bawat salita, bawat pagsisikap,
Ay binhing sa bukas ay pag-asa ang ihahatid.
Kayaโt tayoโy maglingkod nang may Dangal at Husay,
Sa pusoโy malasakit, sa gawaโy tunay;
Sapagkat ang edukasyon ay ilaw ng buhay,
At ang ating paglilingkodโ
Tulay tungo sa pangarap ng bawat Baliwaghenyo at bayan nating minamahal.