03/09/2026
๐โก DAPAT ALAM MO
Waitโฆ alam mo ba โto? ๐
Baka hindi mo pa alamโpero dapat alam mo! ๐
๐๐๐-๐ญ๐ญ๐ฑ ๐๐ก๐๐๐๐ฅ๐ฆ๐๐ฅ๐ฌ๐ข ๐ก๐ ๐ ๐ข๐ก๐จ๐ ๐๐ก๐ง๐ข ๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐๐๐ฌ๐๐ก๐ ๐ก๐ ๐ญ๐ด๐ต๐ฒ
Noong Setyembre 3, 1911, pinasinayaan ang Monumento ng mga Bayani ng 1896 sa Balintawak na noo'y bahagi ng Caloocan. Naging sentro ito ng taunang paggunita sa simula ng Himagsikan tuwing Agosto.
Likha ni Ramon Martinez y Lazaro, tampok sa bantayog na ito ang isang lalaking sumisigaw at may hawak na watawat sa kaliwa at bolo naman sa kanan. Bagaman akala ng marami na kumakatawan ito kay Andres Bonifacio, kinakatawan nito ang diwa ng Himagsikang nagsimula noong Agosto 1896 at ang lahat ng mga lumaban sa panahong iyon upang makamit ang ating kalayaan.
Inilagay ang bantayog sa una nitong posisyon noong Agosto 27, 1911. Nanatili sa Balintawak ang bantayog hanggang 1968 noong baklasin ito ng Bureau of Public Highways (Department of Public Works and Highways ngayon) upang bigyang daan ang pagtatayo ng Cloverleaf Complex Free Way (Balintawak Cloverleaf ngayon). Sa pagnanais na iligtas ang makasaysayang bantayog sa pagkawasak, bumuo ng isang lupon ang mga mag-aaral ng UP upang isalba ang bantayog at ipinanukala nilang ilipat iyon sa campus ng pamantasan. Isinagawa ang pisikal na paglipat noong Nobyembre 14, 1968.
Pormal na isinalin ni Tagapangulo Carmen Guerrero-Nakpil ng Pambansang Kalupunang Pangkasaysayan (National Historical Commission, NHC) ang pangangalaga ng bantayog kay Pangulong Carlos P. Romulo ng UP noong bisperas ng Araw ni Bonifacio nang taong iyon. Mula noon, dahil sa sentral na lokasyon ito ay naging iconic na bahagi na ito ng pamantasan at naging sentro ng paggunita nito sa Araw ni Bonfacio.
Noong 1971 naman ay naglagay ng isang bantayog ni Bonifacio na hawig ng orihinal na lilok ni Martinez sa Balintawak Cloverleaf. Gawa ito ni Anastacio Caedo sa escayola; sa kasamaang palad, nasira ito agad. Isang pangmatagalang kapalit na gawa sa tanso at gawa ni Eugenio R, Bunuan ang pinasinayaan noong Agosto 23, 1974. Dito kadalasang ginagawa ng Pamahalaang Lungsod Quezon ang paggunita ng Araw ni Bonifacio sa pakikipagtulungan sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas.
Mga Sanggunian:
"An interview with Col. Vicente Malapitan." Hulyo 8, 1983. Mula sa mga papeles ng NHCP Serafin Quiason Resource Center.
"Ang Bagong Kinalalagyan ng Bantayog ng Sigaw ng Pugad Lawin sa Diliman, Lungsod ng Quezon." 1968. National Registry of Historical Sites & Structures in the Philippines. https://philhistoricsites.nhcp.gov.ph/registry_database/ang-bagong-kinalalagyan-ng-bantayog-ng-sigaw-ng-pugad-lawin-sa-diliman-lungsod-ng-quezon/.
Annual Report of the National Historical Commission July 1, 1968-June 30, 1969. 1969. Maynila: National Historical Commission.
De Villa, Kathleen. 2017. โA heroโs monument.โ Philippine Daily Inquirer, Nobyembre 25, 2017. Nakita noong Nobyembre 29, 2023 sa https://business.inquirer.net/241446/a-heros-monument.
โMonumento sa mga Bayani ng 1896.โ 2011. National Registry of Historical Sites & Structures in the Philippines. https://nhcphistoricsites.blogspot.com/2012/04/monumento-sa-mga-bayani-ng-1896.html
Philippine Collegian, Nobyembre 29, 1968. Kopya sa kagandahang-loob ni Diego Magallona.
Quezon, Manuel L. III, Gatuslao, Justin Silos, and Arboleda, Jean. (2016). "Imprinting Andres Bonifacio: The Iconization from Portrait to Peso." Sa Quezon, Manuel L. III, patnugot. Heroism, Heritage, and Nationhood: Essays and Features from the Official Gazette. Maynila: Presidential Communications Development and Strategic Planning Office.
Samonte, Severino. 2021. โRelocation of โFirst Cryโ monument from Balintawak to UP recalled.โ Philippine News Agency, Agosto 23, 2021. Nakita noong Nobyembre 29, 2023 sa https://www.pna.gov.ph/articles/1151275.
. .
May saysay ang kasaysayan. Ikalat pa natin:
โ๐ I-like at i-follow ang Project Saysay at Project Vinta
โ๐ Bisitahin ang www.projectsaysaymain.my.canva.site
โ๐ค Usap tayo paano pa natin mapapalakas ang public history sa [email protected]
โ