27/08/2026
๐๐ก ๐๐. 2026-064
๐ฝ๐
๐๐ ๐ผ๐ ๐๐ผ๐ฝ๐ผ๐๐ผ๐ผ๐: ๐๐ผ๐๐๐๐ผ๐๐ ๐๐ผ ๐๐ผ๐๐๐ผ๐๐ผ๐๐ผ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ผ๐ ๐๐ผ ๐๐ผ๐๐ผ๐๐ผ๐๐ผ๐
Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng public safety, youth engagement, at community awareness, matagumpay na isinagawa ng Baliwag City Jail โ Female Dormitory ang ๐ท๐๐๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐จ๐๐๐๐๐๐๐
๐๐ ๐พ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฉ๐ฑ๐ด๐ท ๐จ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐
๐ฐ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ซ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐ ๐ช๐๐๐๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐ na dinaluhan ng 200 estudyante mula sa Senior Highschool at Junior High School ngayong Agosto 27, 2026, ganap na ika-3:00 ng hapon.
Ang aktibidad ay isinagawa sa ilalim ng pamumuno ni ๐ฑ๐บ๐ฐ๐ต๐บ๐ท ๐ฑ๐ฌ๐ต๐ต๐ฐ๐ญ๐ฌ๐น ๐จ ๐ฎ๐จ๐ณ๐ถ๐ท๐ฌ, ๐จ๐๐๐๐๐ ๐ช๐๐๐ ๐ฑ๐๐๐ ๐พ๐๐๐
๐๐, at pinangunahan ni ๐บ๐ฑ๐ถ1 ๐ช๐๐๐๐๐๐ ๐บ ๐ด๐๐๐๐๐๐๐, ๐จ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐พ๐๐๐
๐๐, kasama ang tatlong (3) kawani ng piitan.
Layunin ng nasabing programa na mapalawak ang kaalaman at kamalayan ng mga kabataan tungkol sa kaligtasan ng pamayanan, responsableng pag-uugali, disiplina, at aktibong pakikilahok sa mga gawaing pangkomunidad. Sa pamamagitan ng mga workshop at information drive, nabigyan ang mga kabataan ng pagkakataong mas maunawaan ang kanilang mahalagang papel bilang mga kabataang katuwang sa pagpapanatili ng kaayusan, kapayapaan, at kaligtasan sa kanilang paaralan at komunidad.
Tinalakay rin ang kahalagahan ng pagiging isang responsable at mapanagutang kabataan, lalo na sa panahon ngayon kung saan mahalagang maging mapanuri sa mga impormasyong natatanggap at maingat sa mga desisyong ginagawa. Hinihikayat ang mga kabataan na maging mabuting halimbawa sa kanilang mga kapwa, umiwas sa mga gawaing maaaring magdulot ng kapahamakan, at gamitin ang kanilang kaalaman at kakayahan para sa kapakinabangan ng nakararami.
Sa pamamagitan ng Public Safety Youth Ambassador Workshops, layunin ng BJMP na magkaroon ng mas matibay na ugnayan sa mga kabataan at mga institusyong pang-edukasyon. Ang ganitong mga programa ay nagsisilbing daan upang maipabatid sa komunidad ang mga tungkulin, programa, at adbokasiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), habang binibigyang-halaga ang partisipasyon ng kabataan sa pagtataguyod ng isang ligtas at maayos na pamayanan.
Ang pakikipag-ugnayan sa mga kabataan ay hindi lamang tungkol sa pagbabahagi ng impormasyon, kundi isang mahalagang hakbang upang mahikayat, magabayan, at mabigyang-kakayahan ang susunod na henerasyon na maging responsable at aktibong mamamayan.
Patuloy na isusulong ng Baliwag City Jail โ Female Dormitory ang mga programang naglalayong palakasin ang ugnayan ng BJMP, paaralan, kabataan, at komunidad. Sa sama-samang pagkilos at pagtutulungan, makakamit ang isang pamayanang may disiplina, malasakit, kamalayan, at seguridad.
#๐๐๐๐๐ฎ๐ค๐ฃ๐๐ง๐๐จ๐ฟ๐๐ฝ๐๐จ๐ฉ
#๐๐ต๐ฎ๐ป๐ด๐ถ๐ป๐ด๐๐ถ๐๐ฒ๐๐๐๐ถ๐น๐ฑ๐ถ๐ป๐ด๐๐ฆ๐ฎ๐ณ๐ฒ๐ฟ๐ก๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป #๐จ๐๐ง๐๐๐จ๐ฎ๐ค๐ฃ๐๐ข๐๐ฎ๐ฅ๐ช๐จ๐ค๐๐ฉ๐ข๐๐ก๐๐จ๐๐ ๐๐ฉ๐จ๐๐ฉ๐๐ค
#๐๐ค๐ซ๐๐ฝ๐
๐๐