06/08/2026
๐ญ๐ฅน
๐ก๐ผ ๐๐ผ ๐๐ฆ๐๐ ๐ฃ๐ผ๐๐๐ฝ๐ผ๐ป๐ฒ๐บ๐ฒ๐ป๐: ๐๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ๐๐ผ ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ๐๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐น๐ผ๐๐ฎ, ๐๐ฎ๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ผ๐ป๐ด๐ฟ๐ฒ๐๐ผ!
Mariing kinokondena ng Akbayan Youth ang panibagong tangkang ipagpaliban ang 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Hindi ito simpleng pagbabago ng iskedyul kundi tahasang pag-agaw sa karapatan ng mamamayan, lalo na ng kabataan, na pumili ng kanilang mga kinatawan. Sa isang demokrasya, hindi maaaring maging opsyon ang pagpapaliban ng halalan sa tuwing nagiging madali ito sa mga nasa kapangyarihan.
Sa bawat pagpapaliban ng BSKE, pinahahaba ang panunungkulan ng mga opisyal na wala nang sariwang mandato mula sa taumbayan. Ang pagpapalawig ng termino nang walang halalan ay hindi demokratikong repormak kundi pag-iwas sa pananagutan. Ang mandato ay hindi ipinagkakaloob ng Kongreso; ito ay ipinagkakatiwala ng mga mamamayan sa pamamagitan ng malaya at regular na eleksyon.
Huwag gawing dahilan ang pagtitipid, administratibong kaginhawaan, o diumano'y reporma upang ipagkait ang karapatang bumoto. Kung tunay na hangad ng pamahalaan ang mabuting pamamahala, unahin nitong wakasan ang korapsyon, itigil ang paglustay sa pondo ng bayan, at itama ang prayoridad sa badyet, hindi ang paulit-ulit na pagpapalawig ng mga mandatong matagal nang dapat humarap sa pasya ng taumbayan.
Nananawagan ang Akbayan Youth sa Kongreso na ibasura ang lahat ng panukalang magpapalawig sa termino ng mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan at tiyaking maisasagawa ang 2026 BSKE sa itinakdang panahon. Hindi maaaring isakripisyo ang demokrasya para sa kaginhawaan ng mga nasa kapangyarihan. Ang boto ng kabataan ay hindi maaaring ipagpaliban. Ang demokrasya ay hindi maaaring iurong.