Dump Busyness

Dump Busyness This page is for entertainment purposes

16/06/2024

Happy father's day sa lahat ng mga tatay at sa mga single mom na tumatayong tatay ❤️

11/06/2024

Ano kaya feeling ng may jowa 🤣

18/05/2023

Happy Mother's day sa lahat ng mga Nanay natin. Kayo po ay isang banayani ❤️

30/01/2023

Sa mga bago lamang na katulad ko tulungan tayo ☺️❤️. Follow and follow back tayo ☺️

29/01/2023

Yung akala mo'y langit,
Ngunit napalita bigla ng sakit.
Mga saya na abot hanggang langit,
Bakit ito'y biglang lumot at pait.

20/01/2023

Adda lang manted kanyak ti chocolate ken flower nu feb 14 apu uray bayadak 🤣✌️

19/01/2023

Sina ULAN,KIDLAT AT HANGIN.

Mag-ipon ka muna ng iuulan mo, katulad ng pag-iipon mo ng mga masasayang alala na kasama siya.
Pag bigyan mo muna si araw, katulad ng pagbigyan mo siya sa sabi niyang "cool off muna" pero break na pala.

Lakas mo'y dagdagan pa, katulad ng lakas mo noong ipinaglaban mo siya.
Mag-antay ka muna bago ka umulan, katulad ng pag-aantay mo na sana bumalik pa siya.

Sa pebrero 14 naipon mong lakas ay ibuhos mona, katulad ng pagmamahal mosa kanya na kahit binuhos mona lahat iniwan ka parin niya.
Isama mona si kidlat upang may liwanag, oo liwanag upang makita mo katotohanan na hindi ka niya mahal.

Hangin sumama kana, katulad ng pagsama mosa kanya nung kayo pa ay masaya pa.
Sa pebrero 14 ay ibuhos niyo lahat ulan,kidlat at hangin, sapagkat magkakaibigan ay dapat nagdadamayan at nagsisiyahan.

Hindi tulad niya na pagkatapos ka niyang damayan saka ka niya iiwan.
Oh ulan,kidlat at hangin mga magdededate sa pebrero 14 ay hindi matutuloy sapagkat kayong tatloy nariyan upang silay ipagtaboy.

Oh naalala ko nga pala mga i love you niya'y, hindi nawawala.
Ngunit ngunit siya naman ang biglang nawala.

😅Magandang gabi po ☺️

15/01/2023

Pag-ibig

Ano nga ba ang pag-ibig? Ang pag-ibig ay kusang nararamdaman,hindi minamadali at kusang dumarating sa atin sa kahit anong oras na hindi natin namamalayan. Hindi ito nabibili bagkus ito'y taimtim na nararamdaman. Ito'y nagbibigay saya,lungkot,pighati,kirot, at luha. Ito ay may magandang dulot ngunit minsan ay nagbibigay ito ng sakit sa puso at utak. Ito ay nagbibigay din ng aral sa buhay.
Ang pag-ibig ay hindi walang pinipiling edad,relihyon,kasarian at katayuan sa buhay.

Ang pagkakaroon ng pag-ibig ay masaya maari itong maging inspirasyon upang maging mabuting tao at maging ganado sa lahat ng bagay na ginagawa. Ngunit sabi nga nila ang pag-ibig ay hindi lamang saya kundi may kaakibat itong lungkot at iba pa. Maari rin itong magbigay aral upang sa gayon ay maging masinop tayo sa mga bagay-bagay.

Sa henerasyon ngayon ang pag-ibig ay para na lamang itong laro na pwedeng mong makuha sa tulong ng mga makabagong teknolohiya. Hindi tulad noon na kung may iniibig ka ikaw ay magtitiyaga upang pag-ibig ay iyong ganap na makuha sa madaling salita dadaan ka muna sa butas ng karayom bago ka masagot ng iyong iniibig. Ang makabagong henerasyon lalo nasa mga "teenager" ay parang ginagawa na lamanng biro ang pagkakaroon ng karelasyon na pwedeng maging kayo kahit sa text,tawag,videocall at messenger. Marami ding dating site na nagsilabasan ngayon na kung saan pwede kang makakilala ng ibat-ibang lahi. Ito ang mga naitutulong ng makabagong teknolohiya ngunit may kasabihang "Ang nakukuha mo sa madaliang gawain ay pwede ring mawala sayo ng madali".

Hindi hadlang o balakid ang mga makabagong teknolohiya upang magkaroon ng iniibig o pag-ibig ngunit lagi nating iisipin na lahat ng ating gagawin ay mayroong pwedeng maging bunga. Bunga na pwede mong hindi magampanan sapagkat pag-ibig ay iyong hindi sineryoso bagkus ginawa mo lamang itong isang laro.

Ito lamang po ay isang payong kaibigan na ang pag-ibig ay hindi minamadali.

15/01/2023

Baka katulad karin ng "BUWAN" na iiwan ako pagdating ng "ARAW" . 🤣

Address

Santa Pukaw
Banaue
3601

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dump Busyness posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category