21/03/2026
πππππ ππ πππππππ!
ππππππ πππππππππππ πππ πππππππππ ππ ππππππ πππππππππππ ππ πππππππ πππ πππ ππ πππ% ππ ππππππππ ππ ππππππππ
Ito po ay MALING IMPORMASYON (FAKE NEWS) na kumakalat ngayon na ang Land Transportation Office (LTO) ay nagtaas ng singil sa pagpaparehistro ng mga sasakyan ng halos 100% nang walang paunang abiso, at sinabay pa umano ito sa pagtaas ng presyo ng gasolina.
Hindi po totoo ang ganitong pahayag. Patuloy po ang LTO na nagsisikap na gawing mas abot-kaya ang mga serbisyo nito lalo na sa kasalukuyang krisis pang-ekonomiya na kinakaharap ng ating bansa. Ang mga bayad sa rehistro at iba pang transaksyon ng LTO ay batay sa mga alituntunin at batas na naaprubahan ng gobyerno, at walang biglaan o hindi inanunsyong pagtaas ng mga rate.
Layunin po ng LTO na maghatid ng mahusay at abot-kayang serbisyo sa lahat ng mamamayan. Hinihikayat po namin ang lahat na huwag magkalat o maniwala agad sa mga hindi napapatunayang balita. Para sa tumpak at opisyal na impormasyon tungkol sa mga bayarin at serbisyo ng LTO, mangyaring bisitahin lamang ang aming opisyal na website, mga social media page, o mga awtorisadong LTO district office at extension centers sa inyong lugar.
Maging responsable po tayo sa pagbabahagi ng impormasyon β suriin muna ang katotohanan bago ito ipalaganap.
Maraming salamat po.