29/05/2026
Nais po naming anyayahan ang lahat ng stakeholders ng Aporao Elementary School para sa pakikiisa at suporta sa Brigada Eskwela para sa Taong Panuruan 2026-2027.
Ang inyong oras, lakas, at malasakit ay malaking tulong upang maging ligtas, maayos at handa ang ating paaralan para sa mga mag-aaral.
Sama-sama po tayong magtulungan para sa mas pinalakas pang kalidad ng edukasyon at maipakita ang tunay na diwa ng bayanihan.
Magkita-kita po tayo sa ika-1 hanggang 5 ng Hunyo 2026. Maraming salamat po!