01/02/2024
EARLY REGISTRATION FOR SY 2024-2025📢📢📒📚
Bilang paghahanda sa pagbubukas ng SY 2024-2025, ang Malu Elementary School ay magsasagawa ng Early Registration simula January 27 hanggang February 23, 2024. Inaanyayahan na magpalista ang mga magulang o guardian ng mga sumusunod:
📌Kindergarten: Mga batang limang (5) taong gulang sa o bago mag Oktubre 31, 2024 (DepEd Order No. 47, s. 2016/DepEd Order No. 20, s. 2018)
📌Grade 1: Mga batang nakapagtapos ng Kindergarten sa S.Y. 2023-2024 (mga batang Kindergarten ngayon).
📌Transferees: Mga batang mula Grade 2-Grade 6 na nagnanais lumipat sa Malu Elementary School.
📌Balik-Aral: Mga batang nagnanais bumalik sa pag-aaral.
📄Mga dokumento na kailangang isumite:
📌Kindergarten
✅Photocopy ng PSA Birth Certificate
✅Kung walang PSA Birth Certificate, magpasa ng photocopy ng alinman sa mga sumusunod:
(NSO Birth Certificate/Local Live Birth/Barangay Certification/Late Registration Form)
✅Basic Education Enrollment Form (Ito'y maaaring makuha sa paaralan kung saan magpapalista.)
📌Grade One
Batang Kindergarten completer.
✅Original ECCD Checklist
Photocopy ng PSA Birth Certificate
✅Kung walang PSA Birth Certificate, magpasa ng photocopy ng alinman sa mga sumusunod:
(NSO Birth Certificate/Local Live Birth/Barangay Certification/Late Registration Form)
✅Basic Education Enrollment Form (Ito'y maaaring makuha sa paaralan kung saan magpapalista.)
📌Transferees at Balik-Aral (Grade 2 to Grade 6)
✅Original Report Card (SF9) na may pirma ng Adviser at Principal
✅Photocopy ng PSA Birth Certificate
✅Basic Education Enrollment Form (Ito'y maaaring makuha sa paaralan kung saan magpapalista.)
📌Special Needs Education (SNED)
✅Photocopy ng PSA Birth Certificate
✅Kung walang birth certificate, maaaring magpasa ng photocopy ng alinman sa sumusunod:
(NSO Birth Certificate/Local Live Birth/Barangay Certification/Late Registration Form)
✅Basic Education Enrollment Form (Ito'y maaaring makuha sa paaralalan kung saan magpapalista.)
Kung may katanungan at nais na linawin, maaaring bisitahin ang page ng paaralan at magsend ng message.
"MAKAPAG-ARAL AY KARAPATAN MO!
MAGPALISTA NA SA PAARALANG ELEMENTARYA NG MALU!
Maraming Salamat po! 💛