10/06/2026
PABATID SA PUBLIKO!!
SERBISYO CARAVAN PROGRAM SA BAYAN NG BANSUD!
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 67th Founding Anniversary ng Bayan ng Bansud na may temang
"Pundasyon ng Nakaraan, Inspirasyon sa Kasalukuyan, Tanglaw sa Kinabukasan," sa pakikipagtulungan ng mga national government agencies, ng Lokal na Pamahalaan ng Bansud sa pangunguna ni Mayor Ronaldo M. Morada, kasama ang mga opisyal ng bayan ng Municipal Public Employment Service Office (MPESO) at Municipal Civil Registrar Office (MCRO), hatid ang Serbisyo Caravan Program upang ilapit sa mamamayan ang iba't ibang mahahalagang serbisyo ng pamahalaan.
Layunin ng programang ito na gawing mas mabilis, mas madali, at mas maginhawa ang pag-access ng publiko sa mga serbisyong hatid ng iba't ibang ahensya ng gobyerno sa iisang lugar.
Municipal GAD Building, July 2, 2026, Thursday 8:00am.
PSA at MCR Services
PhilSys National ID Registration and Correction
SSS Registration and Verification
NBI Clearance Issuance
PhilHealth Registration and MDR Issuance
Pag-IBIG Membership and Loan Concerns
Inaanyayahan ang lahat ng mamamayan ng Bansud na samantalahin ang pagkakataong ito at makiisa sa Serbisyo Caravan Program.
Dalhin ang mga kinakailangang dokumento upang maging mas mabilis at maayos ang inyong transaksyon.
"Dahil Ang Gusto Natin Simple Lang Malinis, Mapayapa at Maunlad na Bayan ng Bansud."