03/09/2026
“BAGONG PAMUMUNO, IISA ANG MISYON”
BANSUD, ORIENTAL MINDORO — 02 September 2026 — Isang makabuluhang yugto ang nasaksihan sa 74th Infantry (UNBEATABLE) Battalion, 2nd Infantry (Jungle Fighter) Division, Philippine Army, sa isinagawang Change of Command Ceremony sa Headquarters 74IB, Sitio Ibong, Barangay Pag-asa, Bansud, Oriental Mindoro. Pinangunahan ni MGEN ARSENIO DC SADURAL PA, Commander, 2nd Infantry (Jungle Fighter) Division, Philippine Army, ang Seremonya.
Sa seremonya, pormal na ipinasa ni LTC JOSEPH A ABRENICA INF (GSC) PA ang pamumuno ng batalyon kay LTC PERSEUS N SOL INF (GSC) PA, na dinaluhan ng mga kasundaluhan, Local Chief Executives, peace and development stakeholders, at iba pang peace partners, bilang pagpapakita ng patuloy na suporta at pagtutulungan para sa Kapayapaan at Kaunlaran.
Kapwa nagtapos sa Philippine Military Academy (PMA) “Maliyab” Class of 2004 sina LTC ABRENICA at LTC SOL, na kapwa rin naglaan ng kanilang karanasan at kakayahan sa paglilingkod sa Yunit.
Ang pagbabago ng liderato ay sumasalamin sa pagpapatuloy ng misyon at paglilingkod ng 74IB. Sa ilalim ng bagong pamumuno, mananatiling nakatuon ang batalyon sa pagpapatibay ng ugnayan sa mga katuwang na ahensya, lokal na pamahalaan, at mga komunidad upang maisakatuparan ang tungkulin sa Bayan.
2nd Infantry "Jungle Fighter" Division, Philippine Army
203rd Infantry "Bantay Kapayapaan" Brigade, Philippine Army